Kabanata 22

2K 104 15
                                    

Ika-dalawampo't dalawang kabanata

"A-ayaw ko na, suko na ko!"

"Ang taong nais matuto wala sa bukabularyo nya ang salitang pagsuko."

Bagama't hinihingal at sa bilis ng pagkabog ng puso ko ay nagawa ko syang samaan ng tingin. Nakahandusay na ako sa lupa at halos naubos na ang lahat ng lakas ko dahil sa puro atake nitong ginagawa kaya puro pagilag ang nagagawa ko. Minsan mapapatili ako at mapapapikit na lang kapag hindi nasasalag ang pag atake nya. Pero salamat na lang dahil hindi naman nya ako hinahayaang masugatan.

Pero nakakahimatay sa sobrang pagod.

"Hindi pa nangangalahati ang araw pero gusto mo nang sumuko. Akala ko ba nais mong matuto sa pakikipaglaban." Mabibilis ang bawat paghinga kong minulat mga mata. Nakatayo ito sa gilid ko at nasa malayo ang tingin.

"Gusto. Pero wala akong sinabing patayin mo ako sa pagod. Pambihira ka, dapat nag-warm up muna tayo kanina. Paniguradong mananakit ang buong katawan ko mamayang gabi."

"Sabihin mo lang ah, kung balak mo akong patayin." Dagdag ko.

"Kung gusto kitang patayin dapat noong una pa. Natahimik ako.

Hindi na ito nagsalita at naglakad na papunta sa silong at naupo. Naipikit ko muli ang mata dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw. Masyado nang mahapdi sa balat kaya tagaktak na ang pawis ko sa buong katawan, idagdag pa dahil sa suot kong napaka kapal at habang dress.

Wala na rin ang mga sundalong nag-eensayo kanina. Sigurado akong nanananghalian na ang mga 'yon.

"Wala kang balak sumilong?!" Napairap ako dahil sa sigaw nya. May konsensya rin pala. Matamlay na sinikap kong bumangon dahil halos masunog na ang balat ko sa init.

Halos mandilim ang paningin ko habang naglalakad. Naupo ako sa malaking ugat ng puno. Tinakpan ko ang buong mukha gamit ang mga kamay ko para mawala ang pandidilim ng paningin ko dahil sa labis na pagbilad sa araw.

Matapos mahimasmasan, kinuha ko sa mga kamay nya ang tumbler at uminom roon.

Nang makuntento sa naimon ay binuga ko sa hangin ang natirang tubig sa bibig. At muling sumulyap sa kanya.

"Bakit nga pala hindi mo pa ako pinapaalis dito?" Nang balingan ko sya lagi kong napapansin ang pagsalubong ng mga kilay nito tuwing kaharap ako. Napabuga ako ng hangin nang bumagsak ang buhok ko sa balikat mula sa pagkakapusod nito.

"Nais mo na bang umalis rito?" Natigil ako sa pagaayos ko ng buhok dahil sa tanong nya rin. Bakit ko nga ba iyon tinanong? Ang totoo'y nagtataka lang ako dahil hindi naman nya ako minaltrato ng masama. Naitanong ko lang pero wala akong balak umalis. Wala syang kailangan sa akin pero naririto parin ako sa kaharian nya.

"Kahit naisin kong umalis, hindi ko rin alam kung saan ako tutungo. Ayukong magpalaboy-laboy sa kagubatan no." Muli kong pinusod ang buhok ko at pagkatapos ay napabuga ng hangin.

"At isa pa, bakit pa ako aalis rito? Kung dito ako nakahanap ng tahanan na kahit malayo ako sa tunay kong mundo....alam kong ligtas ako." Sumilay sa mga labi ko ang maliwalas na ngiti, gusto kong mahawa sya. Gusto ko nang makita ang ngiti nya na kahit minsan ay hindi nya pinakita kaninoman.

Hindi sya nagabalang tumugon sa sinabi ko. Pero hindi rin sya nagabalang umiwas sa pagtitig ko sa mata nya.

Dahil sa sandaling ito bigla akong may napagtanto. Ang prinsipeng kaharap ko, ang lalaking bumuhay muli sa natutulog kong puso ay isang fictional character.

Isa akong totoong tao. Magkaiba kami ng mundo. Isa akong manunulat. Character sya sa kwento ko.

At ang katotohanang walang lugar para sa amin ang salitang pagibig.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon