Ika-tatlumpo't limang kabanata
PATULOY ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas, at ang pag-ihip ng hangin na tila nakikisabay sa puso kong nagdadalamhati ngayon. Maging ang luhang 'di nagpapaawat sa pagpatak. Gusto kong isisi sa sarili ang nangyayari sa kwentong ito. Ang ginawa kong pagkontrol sa mga bagay-bagay ay mas lalong lumala, mga scenario'ng masasakit na gusto kong baguhin ang naging resulta mas nakakamatay.
Mga character lang sila sa isang kwento pero nakakaiyak, sa katotohanang napamahal na sila sa 'kin.
Napansin ko ang nakaangat na kamay na dumapo sa mga mata ko para punasan ang luha. Napapikit ako nang mariin at mahigpit na hinawakan ang kamay nya, tila sa kanya ako humuhugot ng lakas at pag-asa.
"Hindi pa ako patay para iyakan mo ako nang ganiyan." Minulat ko ang mga mata para tingnan sya. Ang lamlam ng kanyang mga mata, malalakas rin ang paghingang pinakakawalan nya. Bumaba ang tingin ko sa dibdib nyang nababalutan ng tela, at sa kanang balikat na may nakabalot ring tela.
Inangat ko ang isang kamay patungo sa kanyang buhok at marahang hinagod, pumupikit sya sa tuwing ginagawa ko 'yon.
"Caspian..."
"Hmm?"
Nabuntong hinga ako, ang bigat sa pakiramdam. "Nakausap ko si Magnus k-kanina, si V-victoria at Inang Conchi pala a-ay...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin, sinubsob ko na lang ang mukha ko sa palad nya at doon nagkubli para lumuha at humikbi.
Hindi ako mapakali habang palakad-lakad sa tapat ng pintuan kung saan kasalukuyang ginagamot sa loob si Caspian. Hindi maawat sa pagkabog ang puso, nangungusap na sana makita ko pa syang humihinga sa oras na mabuksan ang pintuang ito. Mahigit isang oras na ang lumipas pero hanggang ngayon ay 'di ko pa alam ang nangyayari sa loob.
Humupa na rin ang gyera at napagtagumpayan nilang mapatalsik ang mga Moggolia sa palasyo dahil na rin sa napakaraming kawal na pinadala ni Silvestre at ni Haring Emilios na mula pa sa Atlas.
Kasalukuyan na ring nakataas ang bandera ng Megard sa bawat sulok ng palasyo na sumisimbolo na nakalaya na sila sa kapangyarihan ng Moggolia. Naipanalo ang gyera dahil sa pagbitiw ni Dalgom na makisanib pwersa sa Moggolia, kahit papaano ay panatag na ang loob ko dahil nagising ang kanyang isipan. Ngunit ang 'di ko lang akalain, nagawa nyang itakas at ilayo si Maraya matapos nitong magawang panain si Caspian ng tatlong beses na kung hindi naagapan ay maaari nitong ikamatay.
Ngunit sa ka bilang banda hindi ko sya masisisi sapagkat ang pagmamahal nya kay Maraya ay tunay at busilak. Hindi ko rin masisisi si Maraya kung bakit nilamon na ng galit ang kanyang puso dahil sa pagkamatay ng kanyang ama at pinakamamahal na kapatid. Sa oras na lamunin ang tao ng galit ay hindi na nito makokontrol ang maaari nyang gawin, mababaon ang kabutihan na nasa puso nito. Hindi na sya si Maraya na syang bida sa kwentong ito.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasíaEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...