Ika-tatlompong kabanata
MALAYANG tinatangay ng malamig na hangin ang ilang hibla ng buhok. Ang sarap sa pakiramdam ng pagdampi ng hangin sa balat. Tunog ng mga kuliglig na parang nagsisi-awitan sa aking pandinig, at hampas ng mga sanga dahil sa ihip ng hangin.
Minulat ko ang mga mata, mula sa bintana ng karwahe na sinasakyan, inangat ko ang kanang kamay para i-trace sa hangin ang hugis saranggola na na-form ng bituin. Napangiti habang pinagco-connect ang mga ito. Madalas ko 'tong gawin sa balcony ng kwarto ko, kapag trip ko magsulat ng kwento sa gabi.
Ang mga bituin ang naging comfort zone ko. Sa kumikinang nilang taglay nalilibang ang isip ko't sandaling nakakalimutan ang mga alalahanin.
Sa kabila ng makikinang na bituin may mga ordinaryo lamang, bituin na mahina ang kinang, at bituin na natatakpan ng mga ulap kaya bihirang mapansin.
Para rin silang natutulad sa isang kwento. May mga pangunahing tauhan, bida, kontrabida, o supporting character.
Natigilan ako sa ginagawa nang may maramdamang kamay na humawi sa bandang leeg. Isang malamig na metal ang dumampi sa balat. Gulat akong napalingon kay Caspian. Agad rin akong napaiwas dahil sa maling action. Masyado malapit ang mga mukha't 'di ko makayanan ang malalim nitong titig.
Napatikhim ako.
"Hindi mo sinabing sa kanya mo pala sinangla." Muli akong napatikhim dahil sa sinabi nya. Sandali kong nilingon si Yusebo na syang tinutukoy nya, nakatulog na ito sa kabilang pwesto habang nakaupo. Napahawak ako sa familiar na kwentas.
"Sya rin ang dumakip sa 'yo noon, hindi ba?" Patuloy nito. "Ngunit hindi na iyon mahalaga."
Muling naghari ang katahimikan na tanging tunog ng pag-andar ng karwahe at tunog ng kuliglig ang naririnig. Ramdam ko ang presensya nya sa 'kin tabi. Ang bawat paghinga nito. Dahilan para hindi ko sya magawang lingonin.
"Buong buhay ko, tanging ako lang. Namulat na walang kaagaw at kakumpetensya sa posisyon na balang araw ay mapapa sa 'kin." Sa pagkakataong iyon doon na ako dahan-dahang napalingon sa kanya. Nakatitig ito sa sahig.
"Hindi ko lubos akalain na biglang isang araw, may makakaharap akong kamukha ko." Nag-angat ito para sulyapan ang pwesto ni Yusebo. "Kapatid ko pala. Ang akala ng lahat patay na sya. Pinapatay sya mismo ng sarili naming Ama."
"Kaya naman naiintindihan ko ang pinagmumulan ng galit nya. Nauunawaan ko kung bakit galit sya sa 'kin at kay Ama. Dahil kung ako ang nasa posisyon nya, gano'n rin ang mararamdaman ko." Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi ko sya mabasa kung anong emosyon ang nararamdaman nya.
"Hindi ko rin masisi si Ama. Ginawa nya lang ang tungkulin bilang Hari, ginawa nya iyon para sa kapayapaan ng lahat." Hindi ko maiwasang mamangha sa bawat lumalabas sa kanyang bibig. Hindi ko alam na may ganito pala syang pagiisip.
"At kung hihilingin nyang maging sunod na maging Hari ng Megard, buong puso akong bababa at tatalikod sa trono para sa kanya. Bagay na hindi ko ipagkakait."
PAGKATIGIL ng sinasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga batang sinisigaw ang pangalan ni Yusebo habang patakbong lumapit. Masyado nang malalim ang gabi ngunit halos karamihan ay gising pa dahil nagkalat sa paligid ang maliliwanag na sulo mula sa mga kabahayan.
Nagulat ako nang dumugin nila ng yakap si Caspian na parang nangulila ng lubos sa kanilang ama. Natigilan at hindi naman sya nakagalaw. Hindi alam ang magiging reaction at gagawin.
"Nahuli lang ako sa paglabas ipinagpalit nyo na ako sa kanya." Sabay-sabay kaming lumingon sa nakabusangot na mukha ni Yusebo, kasalukuyan itong nagkakamot sa ulo at halatang kakagising lang. Rumehistro ang gulat sa mukha ng mga bata, nagpalipat-lipat ang tingin nila sa dalawang taong tila isang salamin.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...