Kabanata 33

1.9K 108 7
                                    

Ika-tatlumpo't tatlong kabanata

SA bawat hakbang na ginagawa ay ang pagsabay ng tambol sa puso ko, sumasabay sa ingay ang dibdib ko sa bawat tambol ng mga instrumento at pag-ihip ng plauta. Para akong naglalakad sa huling hantungan, sa dulo ay naghihintay si Kamatayan.

Dalawang araw ang ginugol para sa paghahanda sa walang kwentang kasal na ito.

Napapapikit ako sa tuwing tumatama ang mga talulot ng rosas sa mata ko na sinasaboy ng mga batang abay sa kasal. Tanging mga mahaharlika lamang ang imbetado, at kasalukuyang dinaraos sa loob ng bulwagan.

Napatingin ako kay Amos na tuwid at seryosong nakatayo, hinihintay ang paglapit ko. Sa likod ng pulpito nakatayo ang punong ministro na magbabasbas sa seremonya ng kasal.

Marahan akong napabuntong hininga habang patuloy na lumalakad nang mabagal. Muli kong naalala ang naging pag-uusap namin ni Dalgom kahapon. Hinihiling ko na sana naliwanagan na sya sa mga oras na 'to.

Nakaharap ako sa malaking bilog na salamin habang marahang sinusuklay ng dalawang tagapagsilbi ang buhok ko. Nakasuot ng magarbong kasuotan na tulad sa mga prinsesa, at mga alahas na kumikinang.

Ito ang kapalit ng lahat, ibinaba nila ang parusang kamatayan kay Yusebo dahil sa kahilingan kong magpapakasal ako kay Amos kung hahayaan nila itong mabuhay, ipapatapon ito sa napakalayong lugar na kailanman ay hindi na ito makakatuntong ng Megard.

Kasalukuyan itong nakakulong, hanggang ngayon ang alam ng lahat ay si Caspian ang kanilang bihag. Wala ni isa ang nakahalata. Nalaman ko rin na si Haring Caesar ay kasalukuyang nakaratay sa higaan dahil sa malubha nitong karamdaman na hindi matukoy ng ilang manggagamot.

Hindi lingid sa kanilang kaalaman na alam kong pinapainom nila ang Hari ng lason, na unti-onting papatay sa katawan nito.

Napatingin ako sa mga kamay kong walang nakakabit na mga kadena ngunit nananatili parin akong nakagapos sa kanila. Malaya nga ako ngunit wala akong magawa para isalba ang Megard, mga mamamayan na sapilitang pinapatrabaho araw man o gabi.

Hanggang ngayon ay wala parin akong balita tungkol kay Caspian, kung alam na ba nya ang nangyayari rito, o kung gumagawa na sya nang hakbang para rito.

Bumukas ang pinto na syang pagpasok ng kawal na nagbabantay sa labas ng pintuan.

"Kamahalan," huminga ako nang malalim, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko sa tuwing tinatawag ako ng ganito. "Nais ka ho'ng kausapin ni Prinsipe Dalgom." Nang lingunin ko ang pintuan ay nakita kong nakasilip si Dalgom. Agad akong tumayo saka sya inalok na pumasok at ayain na pumuntang balkonahe. Magalang na nagpaalam ang mga tagapagsilbi matapos 'yon.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon