Kabanata 13

3.1K 124 16
                                    

Ika-labing tatlong kabanata
Diotrion Orcales
Flashback*

UNANG araw ng pasukan, karaniwang araw lang ito para sa mga studyante, nakakapanibago pero hindi especial. Ang iba nga ay late pa sa unang araw ng klase, ang iba naman ay pa chill-chill lang habang palakad-lakad sa campus na hindi nababahalang ma late sa unang subject. Alam kasi nilang mauubos lang ang oras sa 'introduce your self' session. Halata ring tinatamad pa ang ibang pumasok sa kadahilan na nabitin sila sa bakasyon.

Pero para sakin, sa tulad kong freshmen ay iba ang pakiramdam ko nang makita ang school gate na pinag-aaralan ni kuya. May malaking ngiti ang nakarehistro sa labi ko habang nakatayo sa tapat ng gate, sa wakas schoolmate na kami ni kuya!

Excited akong humakbang papasok ng gate habang hawak ko ang string ng school ID ko at may guard na maayos akong sinalubong.

Purong studyante ang nakikita ko sa buong campus. Sa bawat lingon mo sa paligid ay makikita ang kumpol-kumpol na studyante'ng nagkwekwentuhan sa bawat sulok, halata sa mukha nila ang saya, siguro ay dahil na-miss nila ang isa't isa.

Matagal na akong nakatapak sa school na ito pero iba parin talaga ang saya kapag dito ka na mismo mag-aaral, dating pangarap ko lang at ngayon heto ako. Napakaganda ng buong campus, mga stractura ng mga building, kay ganda ring pagmasdan ang uniporme ng bawat studyante. Mini skirt (maroon stripes) para sa mga babae at white blouse na may maroon na coat at necktie. Samantalang black pants naman para sa mga lalaki, black necktie at maroon coat. Iba'ng iba sa grade school. Doon kasi kahit mag civilian ka okay lang.

"Boooo!"
"Ayy shemay!" Biglang nasambit ko dahil sa pagkagulat. Napasimangot ako dahil paniguradong ang epic ng pagkagulat ko kanina na ikinatawa nya.

"Ampangets mo talaga Starla." Mapanuya itong tumawa saka walang'ya itong umakbay sa 'kin. Siniko ko ang dibdib nya dahilan para mapalayo sya at mapabitaw.

"Ouch! --Walang hiya ka Starlalo!" Dahil sa lakas ng sigaw nya napayuko akong nagpipigil ng tawa saka dali-daling tumakbo palayo sa kanya. Halos napalingon sa kanya mga studyante!

Kapag Starla ang tawag sa 'kin nang-aasar lang, pero kapag Starlalo na ay aba, totoong galit na yan!

"Walang hiya ka talaga, balibhasa wala kang dede! Lagot ka sakin Starlalo!" Gusto ko na lang magtago sa kung saan makatakas lang sa mga mata ng nasa paligid, skandalusa talaga si Ate Feliza! Halos hindi mapreno ang pagdada nito, nang lingonin ko ang sama ng tingin sakin habang hinihimas nito ang nakaumbok sa harapan ng dibdib nya.

Gusto ko sanang isigaw sa kanya na 'Remember bhe, WALA KA NAMANG DEDE' kaso baka malaman ng lahat na ang hinaharap nya'y foam lang pala.

Dahil sa nakikitang reaction sa mukha nya ay mas ginanahan akong asarin sya, bahala na kahit magsumbong sya sa kuya ko. Hinintay ko syang makalapit ng kaunti sa kinatatayuan ko saka ako nagwacky pose. Akmang tatakbo na sya sa direksyon ko para kultusan ako ay alerto akong napatakbo habang tumatawa.

Kaso wrong move, dahil sa direksyong tinahak ko ay hindi ko namalayan na may tao akong mababangga.

Ang alam ko lang natulala na lang ako sa nangyari habang ramdam ko ang init na natapon sa parteng leeg ko pababa, mula ito sa hawak ng lalaki na ngayon ay gulat rin sa nangyari.

"S-sorry, I didn't see you coming." Mga mata nitong humihingi ng paumanhin at ang pagkataranta nito sa pagkilos. Nagawa kong umatras at napakurap dahil sa ginawa nya. Kahit sya ay nabigla at nabitiwan ang panyong ginamit nyang pampunas sa leeg ko. Parang bigla syang natauhan at naalalang napaka-awkward ng ginawa nya.

"Hala, okay ka lang Star?" Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si ate Feliza at nag-aalalang sinuri ako. Hindi ko magawang makapagsalita para sabihing okay lang, hindi ko rin maputol ang tingin sa lalaking nasa harap ko.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon