Ika-walong kabanata
HINDI mapakali ang ilang katiwala ng palasyo sa silid kung saan makikita ang isang babaeng nakahiga sa marangyang kama. Tumutulo ang pawis nito sa gilid ng noo habang mariing nakapikit ang mga mata. Tanging boses ng kumadrona at babaeng nanganganak ang naghahari sa buong silid. Samantala, pabalik-balik ang lakad ng Hari sa labas ng silid ng kanyang asawa. Hindi ito mapakali lalo na sa tuwing naririnig nya ang sigaw nito na labis na nahihirapan. Kabado ang nananalaytay sa mukha nito.
"Iraos mo pa Harra kunting tiis na lang lalabas na ang sanggol" puno ng determinasyon ang namumutawi sa mukha ng kumadrona kahit na sa kabila nito ay naawa sya sa kalagayan ng Reyna.
"Hindi ko na kaya! M-mamatay na ako!" Nanghihinang sambit ng babae, halata sa mukha nito na hindi na nya pa kayang iraos. Ang mga mata nito ay tila nalalasing at kunti na lang ay magsasara na. "Hindi maaari, kayanin mo para sa anak mo. Harra makinig ka, huwag mong ipipikit ang iyong mga mata" paalala ng kumadrona at pilit nitong pinapatatag ang kalooban ng Reyna. Hindi rin mapakali ang tatlong kaagapay nito, ang isa'y tagapaypay at may taga punas ng pawis, ang isa naman ay katulong sa kung anong iuutos ng kumadrona.
"Ahhh!" Muling sigaw ng babae katumbas ang pursigidong mailabas nito ng buhay ang sanggol sa sinapupunan. "Malapit na, sige pa! Heto na.....heto...sa wakas" namutawi sa kanilang mga mukha ng masilayan nila ang sanggol at marinig ang pagtangis nito. Sa kabila ng panghihina ng babae ay nagawa nyang ngumiti kasabay ng pag-agos ng luha nito ng tuloy-tuloy dahil sa labis na kasiyahan.
"Lalaki ang inyong anak" saad ng isang katiwala ng ipabuhat sa kanya ang sanggol.
"Naku, susmaryosep! May ulo pa ng sanggol akong nakikita!" Gulat na gulat ang lahat ng marinig ang sinabi nito. Hindi nila akalaing kambal ang ipapanganak ni Reyna Harrra. Hinawakan ng kumadrona ang kamay nito ng mahigpit dahil nababatid nitong hindi na ito kayang umire pa.
"Kunting tiis pa, kayanin mo ito" masikap na tumango ang babae sa kabila ng pamumutla at panghihina ay buong lakas itong sumigaw mairaos lang ang sakit na kinsasadlakan. Kasabay ng huling pagsigaw nito ang tuluyang pagiyak ng bata.
Sa kabila ng mga ngiti nila ay unti-unting napawi ang ngiti sa labi ng kumadrona ng alisin niya ang tingin sa kargang sanggol bago lumipat sa ikalawa. Nababatid nyang hindi nararapat sa isang reyna ang magsilang ng dalawang supling dahil iyon ay magiging simula ng kaguluhan sa kaharian. Nang dumako ang mata nya sa Reyna ay hindi na nya napigilang mapabuntong hininga lalo na nang makita nya ang mga mata nitong nagsusumamo.
"Batid mo ang kahihinatnan nito, Harra" sa salitang binigkas ng kumadrona ang naghudyat upang tuluyang humikbi ang reyna. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman nito. " Sa bawat dalawang taong magkasama, may dapat mauna at mahuli, may mataas may mababa, may dapat mawala at may kailangang manatili. Nasa bibig mo ang desisyon mahal na Reyna"
"H-hindi ko nais na pumili, pakiusap gusto ko silang manatili sa piling ng isa't isa" makikita ang mga mata nitong nagsusumamo, isang inang nakikiusap. Ngunit batid nila pare-parehong hindi maaaring lumaki ang kambal ng magkasama. Iyon ay isang mahalagang kautusan at tradisyon na kaikangan nilang sundin.
"Na-nakikiusap ako sa'iyo—" tila mauubusan ng hanging sambit pa nito ngunit huli na dahil bumukas na ang pinto ng silid at iniluwa nito ang makisig na Hari. Si Haring Caesar.
Makikita ang ngiti sa labi nito habang lumalapit sa kanyang magina ngunit napawi ng masilayang may dalawang sanggol ang tumatangis. Natigilan ang hari sa gulat.
"P-pakiusap, wag mong p-papatayin ang isa sa kanila. M-mahal—" nagsimulang manubig ang mata ng Hari sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi nya maalis ang mga mata sa dalawang bata na parehas umiiyak. Hindi nya magawang tingnan ang reyna dahil sa oras na gawin nya iyon ay tuluyang tutulo ang kanyang nagbabantang mga luha.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...