Kabanata 31

1.9K 97 5
                                    

Ika- tatlumpong isang kabanata

"ALAM mo ba kung saan ang pangpang ng Hordan?" Nawala ang tingin ni Yusebo sa hawak na papel na kasalukuyan nyang binabasa nang agawin nya ito dahil sa bigla kong pananahimik matapos kong mabasa ang sulat.

"Huwag mong sabihin——"

"Samahan mo ako papunta roon." Umuwang ang bibig nya't hinayaang mahulog ang papel na hawak sa lupa, kalaunan bigla syang natawa.

"Hibang." Sambit nito, kinuha na ang buri at sinuot sa ulo. Handa nang tumalikod para umalis nang higitin ko ang dulo ng damit nya. "Hoy! Mapupunit damit ko." Reklamo nito kaya binitiwan ko.

"Kailangan mo kong samahan papunta roon."

"Ayaw ko nga. Hindi naman ikaw ang pinapunta, ba't pupunta ka? Si Caspian ang kulitin mo, huwag ako!" Muli syang humakbang paalis kaya muli ko hinawakan ang damit nya.

"Isa pa, matutuluyan talaga itong damit mo." Iretable itong napaharap.

"Ang kulit mo talaga!" Singhal nito.

TULUYAN  nang lumubog ang araw sa kanluran. Ngunit maaliwalas pa ang liwanag ng kalangitan, ilang saglit pa ang hihintayin bago tuluyang balutin ng dilim ang buong paligid.

Tilamsik ng tubig mula sa pagsagwan ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Kasunod no'n ang pagtawa ni Yusebo. Hinampas ko sya bilang ganti. "Bwisit ka talaga!" Saka ko hinilamos ang mukha dahil doon tumama ang tubig.

"Tulala ka kasi riyan." Patawa-tawang saad nito habang patuloy sa pagsagwan. Tama nga ang sabi nyang malayo-layo ang pangpang ng Hordan. Higit limang oras ang byahe namin sakay ng maliit na bangka.

"Tama ba talagang hindi natin pinaalam kay Caspian na kikitain natin ang kanang kamay nya? May karapatan syang malaman na nasa panganib ang Palasyo."

Bago pa man kami sumakay ng bangka kanina ay nagtalo pa kami na dapat naming ipaalam ang sulat na natanggap kay Caspian. Pero dahil sobrang init kanina para puntahan ito sa kabilang bundok na halos ilang oras rin ang lalakbayin ay mas pinili kong sumakay ng bangka papuntang Hordan.

"Ipapaalam din natin. Susunduin lang natin si Magnus para magkausap silang dalawa. Bukod do'n excited lang ako malaman kung anong lagay ng kaharian." Saad ko. Ibinaba ko ang kamay sa tubig at pasimple itong pinaglaruan.

"Tumulong ka kaya sa pagsagwan para mabilis," tuyaw sa 'kin nito nang makita ang ginagawa ko. Umiling ako dahil hindi marunong. Tinanaw ko na lang ang pangpang ng ilog dahil malapit na kaming dumaong.

PAGKABABA namin sa bangka ay sumalubong agad sa 'min ang preskong hangin. Ngunit nagtindigan ang balahibo ko sa mga braso dahil sa lamig na hatid ng hangin. Naramdaman ko ang pagtabi sa 'kin ni Yusebo.

"Nasaan na ang Magnus na tinutukoy mo?" Kahit ako ay nagtaka. Nilibot ko ang tingin sa paligid, masukal na kagubatan na nakakapanindig balahibo kung babalakin mong pasukin. Hindi ko alam kung bakit dito pa ninais ni Magnus na makipagkita, masyado itong malayo.

Muli sa pag-ihip ng hangin ay nakaramdam ako ng kakaibang atmospera para bigla akong kabahan. Parang nagpapahiwatig ng banta na may hindi magandang bagay.

Nagkatinginan kami ni Yusebo, para bang iisa lang ang nasa isip namin sa mga oras na ito. Hindi iyon maganda.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko at pasimple nyang sinambit ang salitang, "umalis na tayo." Kumabog ng mabilis ang puso ko, dahil sa kaba ay tumango ako bilang pagsang-ayon. Bago pa man kami makalapit sa bangka ay isang boses ang nagpatigil sa amin dahil sa gulat.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon