Ika-labing walong kabanata
BUONG pwersa nya akong hinila kahit hirap na hirap syang gawin iyon dahil sa bigat ko at sa suot kong gown. Kahit hawak na nya ang mga kamay ko ay nandoon parin ang takot sa sistema ko na baka mabitiwan nya ako.
Biglang nawala ang nakadagan sa dibdib ko para mahirapan akong makahinga kanina ngunit kusang nanlupaypay ang mga tuhod ko at napaupo na lang sa baitang ng hagdan. Patuloy akong umiyak hindi alintana ang pagmamasid nya sa 'kin.
"Sa kagustuhan kong may iligtas.....a-ako naman ang napahamak." Pigil na pigil ko ang mapaluha ng lubusan, tinakpan ko ang mukha gamit mga kamay at doon nagkubli. Sobra akong na-trauma! Natahimik kaming dalawa sandali hanggang sa narinig ko ang pagpakawala nya ng hangin.
"Ngayon, batid ko na kung bakit ka sumama," nanginginig man ay inalis ko ang kamay sa mukha at tiningala sya. "Sino ang iyong ililigtas?" Napatitig ako sandali sa kanya, ngayon blanko na naman ang kanyang emosyon salungat sa pinakita nya kani-kanina lang.
Natauhan lang nang biglang may narinig kaming malakas na batingaw ng kampana, iyon ay senyales na tapos na ang seremonya ng kasal.
Muntik pa akong mawalan ng balanse sa bigla kong pagtayo ko, mabuti na lang ay maagap nya akong naalalayan.
"Kailangan kong iligtas si Adela..." Humawak ako magkabilaang gilid ng suot ko at bahagya itong inangat para makatakbo ako ng mabilis, sa pagkakataong ito ay magiingat na ako. Naguguluhan man sya ay agad rin naman syang sumunod sa 'kin. Kunting mga hakbang na lang ang gagawin ko bago ko marating ang pinaka tuktok nitong palasyo.
Determinado akong iligtas si Adela mula sa kanyang kamatayan kahit ang kapalit nito'y isang malaking pagbabago sa kwento. Sa huling baitang ng hagdan ay tumigil ako ganon rin sya sa likuran ko.
Na blanko ang isip kong nakatitig sa taong balot na balot sa kanyang suot na kahit titigan ng matagal ay hindi makikilala ng iba. Ngunit iba ako, may nakatakip man sa kanyang mukha ay makilala at makikilala ko sya. Mula sa bintana na kanyang kinalalagyan ay tanaw na tanaw ko ang pag-ambon ng ulan.
"Itigil mo kung ano man ang nais mong balak!" Dumagongdong ang mautoridad na boses ni Caspian dahilan para gulat na mapalingon ang taong iyon. Namalayan ko na lang nakatutok na ang espada ni Caspian rito, samantala kahit may nakatabing na tela sa mukha nya ay hindi nakalagpas sa mata ko ang mga mata nitong nababalot ng luha at panginginig ng kanyang mga kamay habang hawak nito ang pana na nakahanda nang kumitil ng buhay. Alam kong sa sandaling ito ay hindi nya gusto ang balak nyang gawin, labag sa kanyang kalooban na patayin ang prinsesa ng Atlas ngunit wala syang kakayahang baliin ang utos pagdating sa kanyang ama.
"Ibaba mo ang iyong armas!" Sa kabila ng nakakatakot na boses ni Caspian ay hindi ito natinag, nakipagtitigan lamang ito sa kanya bago napatingin ang taong ito sa akin. Laking gulat ko na lang nang may nagtakip ng kamay sa bibig ko at marandaman ang malamig na patalim sa leeg ko. Hindi ako nakagalaw, hindi ko nagawang pumalag sa takot na gawin ko yon ay baka kusang tumarik ang talim sa lalamunan ko.
"Mas nararapat na ibaba mo ang sa iyo." Halos magtaasan ang balahibo ko sa batok nang magsalita ang taong nakahawak sa 'kin. Napalingon agad si Caspian sa gawi ko, bahagya syang nagulat sa kalagayan ko ngayon at napatitig ng masama sa taong nasa likuran ko na nakatitiyak akong isa syang lalaki.
"Kung hindi pala ako sumunod, napatay ka na ng lalaking ito." Muling saad ng lalaki na ang tinutukoy ang taong tinutukan ng espada ni Caspian. Kitang-kita ko ang pagaalala sa mata ng taong iyon sa 'kin. Kilala ko sya, isa syang may mabuting puso na natatago at bihira nya lang ipakita, sa pagiging matapang nya at palaban. Sya ang bidang babae na ginawa ko, ang magpapaibig kay Silvestre at ang nagiisang taong papatay sa pinakamamahal nito.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...