Kabanata 16

2.4K 116 25
                                    

Ika-labing anim na kabanata

KUNTING pagtitimpi na lang ay sasabog na ang mga ugat ko sa leeg, naka ilang ulit na rin ako napapakamot sa inis dahil sa dalawang ma-attitude na kawal sa harap ko.

"Manang-mana talaga kayo sa amo nyo!" Singhal ko rito pero hindi man lang nag abalang lingunin ako. Pinanindigan talaga ang pagiging kawal na mga snobero. Sa tuwing magbabalak akong dumaan ay mabilis ako nilang haharangan.

"Subukan nyo panghumakbang, tatarak ang espadang ito sa iyong sikmura." Nalunok ko ang tapang na namumutawi sa sistema ko nang marinig ko ang sabi ng isang kawal, bagama't hindi ko man makita ang mga mukha nila dahil sa helmet nitong suot ay nasisigurado ko na naiinis na sila sa 'kin.

"Anong kaguluhan ang nangyayari rito?" Nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko si Magnus na pababa ng hagdan, kasalukuyan nitong hinahawi ang buhok at seryosong nakatingin sa dalawang kawal na pilit akong hinaharangan. Pareho itong yumuko sa kanya.

"Nagbabalak pumasok ang binibining ito-"

"Bakit hindi nyo papasukin, nais nyo pa bang ipatawag ko ang kamahalan para pahintulutan nyo syang ipasok?" Hindi na nakapagsalita ang dalawa sa tinuran ni Magnus. Napabuga ako ng hangin saka ako tumango kay Magnus bilang pasalamat, malaya akong naka-akyat nang hindi hinaharangan ng dalawang kawal. Dapat pala kanina ko pa ginamit na password ang pangalan ni Caspian.

"Magmadali kana, hihintayin ka nya sa silid tanggapan," narinig kong saad pa ni Magnus. "Sya nga pala, nakita mo ba si Victoria?" Sandali akong napatigil sa pag-akyat at may pilyong ngiti ang sumilay sa labi ko bago sya lingonin.

"Nasa batis sya naglalaba." Tumango ito saka mabilis akong tinalikuran. Napahalakhak ako matapos yon napatingin pa tuloy sa gawi ko ang dalawang kawal. Sana maabutan ni Magnus ang ritwal na pagligo ni Victoria!

May himig sa labi kong binaktas ang daan papunta sa dulong kwarto saka ito pinihit ng walang sabi. Sumalubong sa 'kin agad ang tahimik na silid. Ordinaryong opisina lang kaya lang old style ang mga kagamitan. Sa bandang kanan may nakahelerang bookshelf at sa gilid nito'y may isang pinto.

Lumapit ako sa mesa na may napakaraming mga papel na nakatambak, at naupo sa harap nito kung saan may upuan na magkaharap.

"Nasaan naman kaya ang malditong prinsipe?" Takang tanong ko sa sarili nang hindi sya masumpungan sa silid. Ilang sandali pa ay natuon ang atensyon ko sa pintuan ng banyo nang bumukas ito. Niluwa nito ang lalaking seryoso nang nakatingin sakin, napansin ko ang buhok nitong magulo at basa pa. Nakasuot ito ng simpleng kasuotan ngunit bagay na bagay sa kanya.

Sandali kong nakapa ang lalamunan habang naglalakad sya sa direksyon ko, at palihim na napalunok dahil sa kakaibang atmospera ng paligid.

"Saang kaharian ka nagmula, ano ang iyong estado sa buhay," napakurap ako dahil sa binungad nito sa 'kin. Masyado syang straight forward, hindi man lang uso sa kanya ang salitang kamusta, hi or hello lang bilang panimula ng usapin.

Sinundan ko sya ng tingin nang maupo ito sa harap ko na tanging lamesa lang ang pagitan namin. "Sino ang nag-sugo sa iyo?" Muling patuloy nito. Ngayon ay hindi ko na naman makapa ang dapat na isagot sa mga tanong nya. Aware na akong itatanong nya ito pero sa tuwing nakakaharap ko sya ay hindi ko mapigilan ang sariling matameme sa harap nya.

"Tutunganga ka na lang ba sa harap ko?" Natuhan ako, at umayos ng upo, matapang na sinalubong ang mata nya

"Sa--sa kahariang....pilipinas ako nagmula" palihim kong naikuyom ang kamao para kumuha ng lakas sa harap nya na ang mga tingin nya ay tila nanghihigop ng enerhiya. Napansin kong tipid na kumunot ang noo nya nang marinig ang sinabi ko. Sandali akong napapikit, sigurado akong itatanong nya kung saang parte ito matatagpuan na ang katotohanang ang lugar na tinutukoy ko ay wala sa mundo nila. Dahil kung nandito lang ang pilipinas hindi na ako magdadalawang isip na umalis na sa lugar na ito.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon