Ika-labing limang kabanata
MAAYOS kong tinirintas ang buhok ko magkabilaan. Ngayon, ngumiti ako at kunwaring kumukuha ng litrato sa naturang salamin na madalas kong gawin sa Earth. Natigil lang ang pagpapa-cute ko nang bumukas ang silid ng kwartong ito. Mula sa salamin ay nakita kong pumasok si ate Feliz—ah este Victoria sa magkabilaang braso nito'y may nakasabit na basket.
Humarap ako sa kanya at ngumiti nang mapansin kong tila nababagot na ito sa kakahintay sa'kin kaya siguro napilitan na itong pumasok.
"Hindi tayo dadalo sa isang piging o pagtitipon, tayo ay pupunta lang sa pamilihan. Paalala ko lang." Maaga nitong pagsusungit sa'kin, actually kanina pa itong madaling araw ako sinusungitan. Nagawa nyang isturbohin ang pagtulog ko kanina para hikayatin akong isama para mamalengke kuno. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at pinasadahan ang simpleng vintage dress na pagmamay-ari nya.
"Mukha ba akong dadalo sa piging sa suot kong ito? Naman, kahit ano palang klaseng damit ipasuot sa'kin ay magmumukha akong sosyalin—OUCH!" Inirapan ko ito nang bigla na lang nyang binato ang basket sakin na hindi ko nagawang agapan, lumanding tuloy sa mukha ko.
"Huwag ka nang magtatalak riyan, kailangan na nating umalis bago pa tuluyang tumirik ang araw. Ayaw mo naman sigurong mabilad sa tindi ng init. Gusto mo ba?" Huling saad nito saka tuluyang lumabas, syempre kailangan kong sumunod, kinuha ang basket sa sahig at napabuntong hininga'ng sumunod. Mahirap na, baka sabihan pa akong pabigat dahil nakikitira lang ako sa bahay nila.
Pero bago yon, muli akong tumakbo sa harap ng salamin para pasadahan nang tingin ang kabuuan ko sa huling pagkakataon.
"Hoy! Babae'ta ka, lumabas ka na riyan ako'y naiinip na!" Mula sa labas ay rinig na rinig ko ang pagbubunganga nito. Shemay! Pati ba naman sa kwentong ito under parin nya ako? Ugh kabadtrip!
Paglabas ko sa silid ay bumungad sa'kin ang tahimik na sala, tinahak ko ang pasilyo para tuluyang maka labas pero napatigil rin sa bukana ng kusina. Muli ko iyon pinasok at nadatnan ko sila Victoria at Tiya Conchi na kasalukuyang nag-uusap sa kung anong mga bibilhin.
Nilibot ko ang magulong kusina, nagkalat ang mga hugasin sa lababo, at mga gamitan sa pagluluto na hindi nakasa-ayos.
"Oh—narito lahat ang listahan na dapat nyong bilhin, huwag nyong kakaligtaan kahit ang isa riyan. Naku bilisan nyo na, baka gising na ang nga maharlika at mapagalitan tayong wala pang nalulutong almusal! Madali na kayo!" Ngayon, hindi na ito magkakanda-ugaga sa ginagawa dahil sa kalat ng kanilang kusina, hindi na nito alam kung anong uunahin, ang maghugas ba ng mga pinggan o ang maghanda ng mga sangkap para sa lulutuin?
Kahit ako'y nahihilo sa ginagawa ni tiya Conchi, buti na lang at hinila na ako roon ni Victoria papalabas. Si Tiya Conchi ay isa sa mahahalagang servidora sa palasyo dahil sya ang mayordomang kusinera. Bukod roon ay iginagalang sya ng karamihan dahil sa husay nya sa larangan ng pagluluto kahit na isa lang syang servidora. Wala rin syang asawa't mga anak kaya isa syang matandang dalaga na ang problema lang ay gumising ng maaga at makapagluto ng masasarap na putahe para sa mga maharlika. Iyon ang mahalagang papel nya sa kwentong ito.
"Teka, sandali mga anak!" Muli kaming lumingon ni Victoria nang marinig si Tiya, nakita namin humahangos na hinabol kami sa labas, buti nga at hindi pa kami tuluyang nakakalayo.
"Paano kayo bibili kung naririto pa ang salapi?" Nakalagay ang isang kamay nito sa malusog nyang bewang habang hawak nito sa kabila ang isang maliit na bag na gawa sa tela.
"Ay—hahaha muntik pa po naming makalimutan, tiya Conchi." Ako na ang kumuha, napangiti na lang sa amin ang matanda at muling bumalik sa loob pero nagawa pa nitong magsalita para paalalahanin kami. "Matapos nyong mabili ang lahat, dumiretso na kayo sa kusina ng palasyo. Hihintayin ko kayo roon."
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasiEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...