Kabanata 25

2K 106 7
                                    

Ika- dalawangpo't limang kabanata

"AZRA?—may, may masakit ba sa 'yo?" Hindi ko nagawang sagutin ang tanong nya dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Narinig ko ang mga yapak na papalapit.

"Binibini, Kamahalan, paumanhin ho. Hindi namin namalayan ang pagsulpot nya."

"Sinong lapastangan ang naghagis ng espada sa kanyang direksyon!"

Sa kabila ng nakakatakot na boses nito ay mas pinili kong ipikit ang mata na parang sa ganong paraan ay mawawala ang sakit na iniinda sa likod ko. Pakiramdam ko ay nabalian ako ng spinal chord dahil sa pagbagsak ko kanina.

"Kamahalan, patawad hindi ko ho—"

"Tanggalan sya ng ranggo."

"Ngunit! Kamahalan—"

"Subukan mong lumuhod sa harapan ko. Papatayin kita!" Hindi natuloy ng sundalong lalaki ang balak nyang pagluhod. Ngayon ay inawat sya ng ilang kasamahan nong balak pa nitong lumapit kay Caspian.

Napasinghap  ako nang bigla akong binuhat. Mas lalo akong namilipit sa sakit. Rumihestro sa mukha nito ang pagkataranta dahil sa pagdaing ko. Hindi nya maintindihan kung ibababa nya ba ako o ano.

"Ano ang masakit sa 'yo?"

"Sh*t! Mamamatay ata ako sa sakit ng likod ko!"

"M-magnus!" Hindi naman siguro ako na mamalikmata, nakita ko ang bahid na pagkataranta sa mukha nya habang tinatawag ang kanang kamay nya.

"Mga PUÑALES! Nasaan ang PUÑALES na si Magnus?!" Halos mabingi ako sa sigaw nya. Napakapit ako sa balikat nito nang magsimula itong maglakad habang buhat ako.

"Hahanapin po namin, Kamahalan!" Isang matapang na sundalo ang sumagot sa tanong nya.

"Narito na si Magnus!"

"Kamahalan bakit nyo— ano ho ang nangyare!?" Dumaan ang gulat sa mata ni Magnus nang makita ang kalagayan ko.

"Ipatawag lahat ng magaling na manggagamot. NGAYON DIN!"

NAKADAPA ako sa malambot na kama habang sinusuri ang likod ko, hindi lang isang manggamot ang nasa silid kundi lima silang sumuri sa akin. Nakakatanga minsan si Caspian at sa ka-oa-yan nyang pinakita kanina.

Ngayon mesyo guminhawa na ang pakiramdam ko dahil kung ano-anong bagay ang itinapal nila na nagbigay ginhawa. Medyo kumikirot pero kaya ko nang indahin hindi tulad kanina n halos mamilipit ako.

"Ihja, mas mabuting huwag ka munang kumilos, ipahinga mo nang sagayon ay hindi na lumalapa ang pamamaga ng iyong likod." Saad ng matandang babae na huling sumuri sa 'kin. Lumapit naman ang apat pa at pinaalalahanan ako.

"Maraming salamat po— maaari na ba akong bumangon, nangangalay na kasi ako."

"Kung kaya muna, maaari ka na munang umupo." Sinunod ko ang sinabi nila, tudo alalay naman sila sa akin.

"Tandaan mo ulit ang mga habilin namin, kung ito ay bigla ulit sumakit ipatawag mo uli kami para suriin ka."

Nahihiya akong ngumiti kahit na mukha naman silang mababait. "Parang nakakahiya naman po."

"Ano ka ba ihja, ang aming serbisyo ay libre. Ano pa't binigyan kami ng kakayahang magpagaling ng nasa itaas kung ito'y hindi namin gagamitin."

Namalayan ko na lang ang sariling ngumiti at tumango. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng silid at niluwa noon si Caspian. Napayuko ang lahat sa kanya at maglang na nagpaalam.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon