EPILOGO

4.5K 144 32
                                    

EPILOGO

NAIMULAT ko ang mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa pisngi ko. Bumungad sa 'kin si Aya, pinakita nito ang phone kong hawak nya na kasalukuyang nag-riring. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa ng sala nila habang nakaupo. Maingay pa rin, kasalukuyan kong naririnig ang ingay-kantahan sa labas.

"Kanina pa ata to nagriring, ngayon ko lang kasi nakita."

"Ohmy! Sorry nakatulog ako," paghingi ko ng pasensya habang kinakapa ang buong mukha ko na baka may muta or something na nakakahiya. Tumango sya at inabot sa 'kin ang phone na ngayon ay tumigil na sa pagring.

"Ako nga dapat magsorry sa 'yo, di kita masyadong naasikaso. Ang dami kasing bisita." Tanging pagngiti lang ang ginawa ko para 'di sya mahiya sa 'kin. Aya is my closest friend, ka-blockmate ko din sya. Inimbitahan nya ko pumunta sa bahay nila dahil birthday nya, simple lang ang celebration pero kita kong masaya sya.

"It's okay, 'nu ka ba. Anyway, happy birthday again, Aya." Tumayo ako at niyakap sya nang mahigpit. "Thank you talaga Tala," napangiti muli ako saka sya hinalikan sa pisngi, napaka adorable nya talaga, natutuwa ako sa tuwing tinatawag nya kong Tala, panlambing nya kuno'.

"Ingat ka sa pag-uwi. Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita, or ipahatid kita sa mga friend ko."

"No. Huwag na, dadaan din kasi ako sa bookstore."

"Sure ka Tala?"

"Yeah, enjoy your night, bye." Paalam ko hanggang sa lumabas ako sa munti nilang gate na kasing tangkad ko lang.

Kinapa ko ang phone, nakarehistro sa notif ang 3 misscall na galing kay Kuya Light. May message din si Ate Feliza.

Ba't d mo sinasag0t tawag ng kuya mo?
BuHay ka pq?
Starla?
Starlalo?!

Napataas ang kilay ko nang mabasa 'yon. Siguro magkatext ang dalawang 'to. Nagtipa ako para mag reply.

Pauwi na ako

Ilang hakbang palang nagagawa ko nang mabilis syang nakareply.

Sunduin na kita

Hindi na, actually
nakasakay na akong taxi

Napangisi ako, gusto lang naman no'n masilayan si kuya Light sa bahay, hanggang sa maisip pa no'n na sa bahay na lang matulog dahil mapano raw sya sa daan, at dahil dakilang maawain si kuya at daddy tiyak na aaprobahan nila. Lingid sa kaalaman nila plinano ng babaeta.

PASADO alas diyes na ng gabi, ngunit buhay na buhay parin ang kalye dahil sa maiilaw ng poste, mga sasakyan at sa mga taong kaliwa't kanang naglalakad.

Sa sidewalk ako naglalakad ka sabay ang mga ilang kabataan na siguro'y galing pa sa gimik. May nakasabay kasi akong grupo ng mga kabataan na may inaalalayan na lasing na babae.

Tumabi ako sa mga taong patawid sa pedestrian lane, sa gabi lang ako nakakagala dahil may pasok sa araw, nakakasanayan ko na rin dumaan sa bookstore para bumili ng mga bagong libro, sa katunayan marami pa akong unreads book sa kwarto, mahilig lang talaga ako mangulekta ng mga books, kapag boring sa buhay saka lang nagkakaroon ng time para magbasa.

Nang makatawid muli akong nagpatuloy sa paglakad, kasalukuyang binabaybay ang tahimik na daan, bihira na lang ang mga taong nakakasabay ko, kung wala lang streetlights kanina pa siguro ako natakot maglakad mag-isa. Sa ganitong eksena madalas sumulpot ang mga bad peoples ——okay fine! Kinakabahan ako, slight! Shemay!

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon