Kabanata 7

3.4K 167 50
                                    

Ika-pitong kabanata

TUNOG ng mga sanga at dahon na marahang hinahawi ng hangin ang kasalukuyang maririnig sa paligid, idagdag pa ang puso kong may kabang umuusbong. Umiikot ang panigin ko sa paligid sa takot na may kakaibang mangyari sa kinalalagyan ko.

Sa bawat kagat ko sa kinakaing mansanas ang pagsabay ng puso kong tumatalbog ng mabilis. Kinakabahan na ako sa mga oras na ito dahil hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik sina Caspian na nangakong babalikan ako.

Nakaupo ako ng komportable sa sanga ng puno, medyo may kataasan ito. Hindi ko manguya ng mabuti ang kinakain dahil sa pangambang nararamdaman at paglutang ng isip ko sa kawalan. Bigay pa ito sa'kin nila para lang makumbinsi akong wag sumama sa kanila.

Biglang dumulas sa kamay ko ang mansanas na halos makalahati ko na, nakita ko na ito sa ibaba na nagpagulong-gulong sa lupa. Isang sapatos ang nagpatigil non na ikinanlaki ng mata ko.

"May tao sa paligid, MAGMASID!" Isang baritonong boses ang nagpataas ng balahibo ko na pagmamayari ng taong tumapak sa mansanas. Doon ko lang napansin na hindi sya nagiisa, nakapalibot na ang mga tauhan nito sa kinaroroonan ko.

Napapikit ako't mariing napakapit sa sanga nang muntikan na akong mahulog dahilan upang makalikha iyon ng tunog na tiyak kong narinig nila. Abot langit ang takot ko habang nagdadasal sa isip na wag nila akong makita. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong darating si Caspian upang iligtas ako kung masamabg tao man ang mga ito.

"Masarap bang matulog riyan,binibini?" Hindi ko na napigilang manginig ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses nito na sobrang lapit na. Hindi ko magawang buksan ang mga mata sa takot na baka ito na ang katapusan ko.

Kinapa ko sa leeg ang kwentas na ibinigay ni Caspian sa'kin kanina at nanginginig kong hinawakan ito na para bang doon ako humuhugot ng tapang habang mariin parin nakapikit. "Bumaba ka riyan, BABA!" Muli itong sumigaw na hudyat upang tuluyang magsilabasan ang luha sa mata ko kasabay non ang tuluyan kong pagkahulog sa sanga ng puno.

Nakaupo ako't pilit na umaatras dahil sa patuloy nitong paghakbang sa'kin. Nanginginig ako sa kaba, takot at sakit na nararamdaman dahil sa pagkahulog ko. Sa kabila ng sitwasyon ko ngayon ay naalala ko ang pangako ni Caspian..babalikan nya ko.

Nagtaka ako nang tumigil ito sa paglakad at naupo dahilan para mapabitaw ako sa pagkakayakap sa leeg nya. Napahinga ako nang magawa ko ng tumayo. "Bakit tayo tumigil kamahalan?" Tanong ni Magnus. Nagpalinga-linga naman ang isa sa paligid saka ito itinuro ang itaas ng puno.

"Akyat!" Mautoridad nitong utos

"Ano?" Naguguluhan ako sa kanya nang akayin nya ako paakyat sa punong may kataasan. "Teka, bakit mo ko pinapaakyat?"

"Sumunod ka sa utos ko kung ayaw mong mapahamak. Hindi ka maaaring sumama sa palasyo dahil kasalukuyang nagkakagulo roon"

"H-huh? Ayuko nga. A-ayaw ko maiwan rito. Kung ayaw niyo pala akong isama dapat iniwan niyo na lang ako sa Aslan. Basta sasama ako!" Napapikit ito ng mariin at bahgyng ginulo ang buhok, gawain nya ito sa'twing naiinis na pero kailangan nyang kumalma.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon