Kabanata 24

2K 103 12
                                    

Ika- dalawangpo't apat na kabanata

"HINDI ka ba nangungulila sa iyong mga magulang?—— O kapatid?" Mula sa pagbabalat ko ng saging ay nag angat ako nang tingin kay Aleng Conchi. Mag-aalas tres na ata ng hapon dahil na rin sa papalubog na araw. Kasalukuyan kaming nasa lilim ng mayabong na puno, nagmemeryenda dahil sa nakakapagod na ginawa kanina. Nagkwekwentuhan ng kung ano-ano nang magawi sa akin ang topic.

Lahat sila'y nakaobserba ang mata sa isasagot ko. Kahit sino'y maku-kuryos kung bakit ako napadpad sa bayan nila at lumayas sa sarili kong bayan.

Kung alam lang nila ang lahat, kung maaari ko lang sabihin na ang pagkakapadpad ko dito ay hindi ko kagustuhan. Lahat ay aksidente.

Aksidente nga ba talaga ang pagkakapasok ko sa loob ng libro?

"Hindi ba sila nag-aalala sa iyo? Alam ba nila kung nasaan ka?" Dagdag na usisa ni Aleng Conchi. Samantala, sina Magnus na natigil sa pagkagat ng mangga, at si Victoria na nagaabang sa sagot ko, at gumawi ang mata ko kay Caspian na halos hindi na inalis ang tingin nito nang mapunta ang spotlight sa 'kin.

"Hindi naman po maiiwasan ang mangulila sa presensya nila lalo na kung malayo sila sa iyo." Ngumiti ako ng tipid. Hinawi ang hibla ng buhok nang may dumaan na hangin.

"Ang totoo— ay hindi nila alam kung nasaan ako, hindi ko rin alam kung..... nagaalala sila sa 'kin." Pahina nang pahina ang boses ko hanggang sa napakagat labi sa kaba na maging tunog 'di kapani-paniwala ang lalabas sa sariling bibig.

Nagulat sila sa narinig, nagaalalang tingin ang ipinukol sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin Azra! Ikaw ba'y naglayas sa inyong kaharian?!"

Napapikit akong tumango. Wala akong ibang maidadahilan! Ito lang ang tanging pumasok bigla sa isip. Hindi ko naman maaaring sabihin na— ang totoo'y hindi ako nabubuhay rito, dahil nasa loob lang sila ng libro, samantalang ako ang author at nagbigay ng buhay sa kanila at sa lahat ng nasa paligid.

Kahit sino ay walang maniniwala kapag sinabi mong—isa kang karakter sa kwento at ako ang manunulat! Baka mapagkamalan ka pang baliw.

"Kung gayon pala'y sigurado akong pinaghahahanap ka na nila, tiyak kong nagaalala na sila ng lubos sa iyo."

"Bakit kinailangan mong umalis sa iyong palasyo, prinsesa Azra?" Nagpintig ang tenga ko sa kung paano nagiba ang tawag sa 'kin ni Magnus. Walang bahid na asar ngunit naroon sa boses nya ang kuryusidad. Hindi lang ko sanay sa narinig.

Pakiramdam ko'y napakamakasalanan kong tao dahil sa mga alibi.

Hindi ko namalayang pumipilantik na ang mga daliri habang nagpapaliwanag.

"Umalis ako dahil nais kong hanapin ang sarili. Aaminin kong isa akong pilyo at pasaway na prinsesa. Madalas akong tumakas sa palasyo sa tuwing hindi ko nais—" hindi ko napigilan ang mga matang umikot ikot dahil sa nangangapa sa sasabihin. "Ah— sa tuwing napapagalitan ako ni ama."

"Kailan ang balak mong umuwi? Ito ang payo ko sa iyo Azra, ihja, bawat magulang hangad ay ang ikakabuti ng kanilang mga anak. Kapag alam nilang ikaw ay napapariwara na nariyan sila upang itama ang bawat kamalian. Ito'y para sa ikabubuti mo. Kung ikaw man ay madalas mapagalitan h'wag ka sanang magkimkim ng galit, kung sila man ay may nabibitiwang masasakit na salita— unawain mo sana anak." Napatingin ako sa kamay ni Aleng Conchi nang hawakan nya ang dalawang kamay ko.

"Hindi nila intensyon na makasakit ng damdamin. May mga bagay lang na hindi natin makontrol ang lumalabas sa bibig sa tuwing tayo'y nagagalit."

Dahil sa kasinungalingan ko nakaabot tuloy ako ng sermon.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon