Bella
“It’s a good thing na okay na yung head injury mo,” sabi sa ‘kin ni Lyssa habang inaayos niya yung buhok ko. “Or else a bandage will totally ruin your ‘Juliet’ look." Sabay kaming natawa.
Naghahanda kami para sa birthday party ng kapatid ni Migz na si Nick. It’s a costume party at ang costume ko ay ‘Juliet’. Well, hindi ako ang pumili ng character na ito, it’s Migz, because he said and I quote, “You’ll be Juliet so I can be your Romeo.” Wala naman akong magagawa kundi ang pumayag nalang sa gusto niya, after all, bawas din ‘to sa utang ko sa kanya.
“There,” she said with a satisfied look as she smiled at me through the mirror. Hinila niya ako patayo. “Come on, suot mo na yung damit mo. I bet you’ll look like a real princess.”
Humarap ako sa kama ko at pinagmasdan yung damit na pinadala ni Migz kahapon. It’s an empire-waist beige dress with flowing skirt that reached up to my ankles. It has a long loose white sleeves and a golden lace on the waist.
“Hindi ba masyadong mababa yung neckline?” tanong ko kay Lyssa matapos kong isuot yung damit. Sukat na sukat naman sa ‘kin yung dress pero hindi lang ako komportable sa neckline.
“Oh gosh!” she squealed as soon as she turned away from the mirror to look at me. “You look gorgeous and nope, that neckline is perfect—innocent yet alluring.”
Napabuntong-hininga nalang ako habang nakatingin sa repleksyon ko. Hmm, hindi narin masama.
“So, how do I look?” napatingin ako kay Lyssa ng tanungin niya ako. I looked at her from head to toe then smiled. She really looks so beautiful. She’s dressed as Elsa of Frozen. Tamang-tama sa kanya yung pinili niya dahil nagpa-blonde siya ng buhok nitong nakaraan, bagay na bagay talaga.
“Wala akong masabi sa sobrang ganda mo,” ngumiti ako at nagthumbs-up.
“Aww, thanks, sis!” she grinned back at me. “But wait, we still have to put some mascara on you.” Humarap ulit siya sa mesa kung saan nagkalat ang mga make-up niya at ilang gamit ko. Habang hinahanap niya yung mascara ay natabig niya yung box ko at nahulog ito sa sahig.
“Shoot! Sorry, girl,” yumuko agad siya para pulutin ito pero may napansin ako kaya pinigilan ko siya.
“Teka lang, Lyssa,” yumuko narin ako sa tabi niya at pinulot ito pati yung nagkalat nitong laman. Nabuksan yung kahon dahil sa pagkakahulog nito pero ang sobrang pinagtaka ko ang yung ilalim na bahagi nung kahon dahil bahagya itong nagkaroon ng siwang. “Bumubukas pala ‘to?”
Umupo ako sa kama at ganun din yung ginawa ni Lyssa. “Anong laman?” tanong niya.
“Hindi ko rin alam…” I trailed off as I tried to open the bottom lid wider. I poked around the wooden cover until it came off. Binaligtad ko yung kahon at napasinghap ako sa nakita ko---attached on a red velvet cushion is a diamond studded golden locket hanging on a gold chain.
“Wow…” sabay naming sabi ni Lyssa. The necklace was so beautiful, I am almost afraid to touch it. “Ang ganda niya.”
“You should totally wear it tonight!” excited na sabi ni Lyssa. “It matches your outfit.”
“Pero…” hindi ako sigurado kung dapat ko ngang isuot itong kwintas. Ni hindi ko nga alam kung akin nga ito dahil hindi ko lubos maisip kung paano ako magkakaroon ng ganito kagandang kwintas. Sigurado akong napakamahal nito. “Baka hindi akin ‘to.”
“Are you crazy?” hindi makapaniwalang sabi ni Lyssa. “Sayo yung kahon diba?” Tumango ako bilang sagot. “Edi ibig sabihin sayo din yang necklace kaya isuot mo na!”
![](https://img.wattpad.com/cover/1225951-288-k260081.jpg)
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.