.Chapter 7.
Huminto kami ni Lyssa sa tapat ng isang malaking two-way glass door. And to my surprise automatic siyang nagbukas.
“Whoa! Ang galing!” Sabi ko na parang bata.
Narinig kong tumawa si Lyssa. “Pati ba naman ang shocked expression mo ang cute? Ikaw na talaga!”
Tapos bigla kong nakita ang sarili ko sa isang malaking salamin.
“Te-teka Lyssa.” Huminto ako sa paglalakad.
“Yes my dear?” Huminto din siya at tinignan ako.
“Mukha naman akong tao sa suot ko di-diba?” Tanong ko sa kanya. Suot ko kasi ngayon ang uniform ng academy. Well, pare-parehas siya for all courses. Yung bar pin lang na nasa left chest namin ang magsasabi ng course namin, year at pangalan.
“Talagang tinanong mo ako niyan ahh?!” Sabi niya na parang gulat.
Sabi na di bagay sa ‘kin ung uniform ehh. Y.Y Color maroon kasi ung mga uniform, katulad ng motif ng school. White long-sleeved siya tapos may blazer na maroon. Okay lang na ganun kasi AC lahat ng facilities maliban sa open areas. Malamang. Ung skirt naman ay pleated na hanggang above-the-knee. Tapos lahat ng girls naka-black stiletto. Syempre since college na, wala ng socks. Parang anime lang no? Cute ung uniform pero parang di bagay sa ‘kin. Amfufu.
“Hindi talaga bagay?” Tanong ko kay Lyssa na siya namang may ngiting nakakaloko.
“See for your self. Malalaman mo yan sa reactions ng classmates natin.” She said as her smile grew wider.
Waaah. Mas lalo akong kinabahan. Pero yaan mo na nga. Nagpunta naman ako dito para mag-aral eh. Tama ganyan dapat ang mind set Bella! Go! Go!
“Tara na sa room?” Sabi ni Lyssa sabay hinila ako papunta sa college division.
♫ ♫ ♫
“Hala, ba’t ang daming tao sis?” Tanong ko kay Lyssa na nakahawak parin sa kamay ko. Daming tao sa entrance ng college division ehh.
“Oh-em! Don’t tell me---“ Sabi naman niya na nakatingin dun sa malaking kumpol ng mga tao na sobrang ingay at rinig talaga ang tilian ng mga babae.
“Teka, ano---“ Ugh. Bigla akong hinila ni Lyssa papunta dun sa crowd.
“Bakit di manlang nila sinabi sa ‘kin na ngayon na sila papasok?” Tanong ni Lyssa. More like sa sarili niya.
Napansin kong pagkakita nung ibang tao kay Lyssa ay nagsitabi sila at unti-unti, nahawi ung mga estudyante. Ang taray ng lola mo! Sikat siguro ‘to dito.
“Astig ni Lyssa.” Bulong ko sa sarili ko.
Since hawak ako ni Lyssa sa kamay ay kasama rin niya ako na lumalakad papunta sa center ng crowd. Aware akong pinagtitinginan nila ako pero ung mga tingin nila parang…… Natutuwa? Welcoming? Ano yun? Diba dapat mabigat ung mga tingin nila at nanghuhusga?
Ay wait. Naalala ko ung sinabi ni Lyssa about sa Golden Rule ng Hansford Academy. Nakatutuwang isipin na may mga ganito pa palang klaseng tao sa mundo. Yung tipong kahit mayaman sila ay hindi mapangmata sa kapwa. ^_^
“Daya niyo talaga kahit kelan! Wala manlang kayong pasabi na ngayon na kayo papasok.” Narinig kong sabi ni Lyssa kaya napatingin ako sa kanya.
“Oh, Oh,wag ka nang magtampo, Hansford Princess.” Narinig kong may nagsabi. Wow, di na ko magtataka kung bakit si Lyssa ang Hansford Princess. Ganda eh! Kaya pala nag-give way ung mga students kanina.

BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.