"Teka last piece ko na yan eh! Salbahe ka talaga! Sigaw ni Vanilla Girl sa 'kin sabay pout habang kinukuha ko yung octodog from her lunch box. As usual nasa rooftop kami.
"Sabi ko naman kasi sayo damihan mo yung akin eh. Guys have big appetite you know."
"Ay, nahiya naman talaga ako sayo noh! Mabuti sana kung nagbibigay ka ng budget eh. Allowance ko kaya yan, you know." She said imitating my tone earlier.
Tinitigan ko naman siya ng masama. "As far as I can remember eh malaki ang pagkakautang mo sa 'kin kaya dapat lang na sagot mo ang lunch ko."
I smirked. There goes her trademark pout again and that gesture only means one thing: I won the argument.
"Psh. Alam ko. Di mo naman kelangang pamuka sakin. Unli ka rin eh noh."
"Mabuti na 'yang nagkakalinawan tayo." I said before munching on another octodog.
Masarap talaga pag laging libre lunch mo. hehe.
After ng walang saysay naming diskusyon ay natahimik kami. Di naman awkward yung silence, medyo relaxing nga eh.
Pero may bigla akong napansin...
"Why are you staring at me?" I asked her coz it feels kinda weird.
"Naramdaman mo na ba yung feeling na parang kilala mo na yung isang tao though ngayon mo palang siya nakita? Parang may kakaibang feeling pag kasama mo siya?" Sabi niya na parang nagpapaliwanag lang kung pano magsaing.
Then a crazy idea struck me.
"T-teka, don't tell me..... may gusto ka sakin?! Deym! bakit naman ako biglang kinabahan?
Tinignan niya lang ako with her innocent looks (lagi naman syang ganyan eh.) and she said, "Paano kung sabihin kong oo---"
My heart skipped a beat.
"Hah! I knew i----"
"-----Pero tulad ng ipinangako ko ay hindi sayo."
BOOM!
Parang granadang sumabog sa gwapo kong mukha ung sinabi niya. Sa di malamang kadahilanan eh... nasaktan ako. Weird nga eh. Di ko alam kung paano ipaliliwanag ung nararamdaman ko lalo na ngayong nakikita ko siyang nakangiti(na lalong nagpalalim ng dimples niya). Ngiti na bihira kong makita pag magkasama kami. Pano ba naman, kapag ako ang kasama niya eh kung hindi naka-pout ay nakasimangot siya.
To know the fact na hindi ako ang dahilan ng pag ngiti niya sa mga oras na 'to (not that I want it... I mean.. ano kasi.. parang.. ah ewan! basta! siguro nga gusto ako! TAPOS!) masakit din pala..
"Ui, ok ka lang? tulala ka ah."
Bigla akong nagbalik sa realidad dahil sa boses niya at kasabay nun eh may tanong na nabuo sa isip ko...
Am I actually breaking rule number four?
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.