.CHAPTER 8.
“What?” Parang nagkamali ata ako ng dinig.
“I said, prove it.” Ah, tama nga ung narinig ko---- Wait! Ano daw? Prove it?
Hala! Paano na yan? Ang balak ko lang sana ay ituro ung girl since di ko naman siya kilala. Ni hindi ko pa nga siya nakikita sa academy so sure akong hindi siya taga-school. Pero paano na ung “prove it”?
“You sure na gf mo siya?” Tanong ulit nung leader with a smirk on her face.
“O-oo! Sure ako!” Isip Migz! Isip!
I breathe heavily. Bahala na. Tutal di ko naman kilala ung babae. At least after nito lulubayan na nila ako sa pag-iisip na may girlfriend na ko.
“Ok. I’ll prove it.” Sabi ko ng seryoso.
Naglakad ako papunta dun sa girl at nakita kong medyo nagulat siya. Tinitigan ko muna siyang mabuti. Pwede na ‘to. Maganda siya. Maputi. Maliit ilong. May dimples. Mapula labi at mukhang kissable.
Napansin ko rin na kumakain siya ng icecream.
“Sorry to keep you waiting hon, kanina ka pa ba?” Takte. Swerte nitong babaeng ‘to ah. Imagine isang Miguel Herano ang kumakausap sa kanya! Sigurado kikiligin ‘to.
“Umm, Excuse me?” Ano daw? Teka. Dapat kinilig siya ahh! Di ba ko kilala nito?
Nakipagtitigan ako sa kanya. Baka kung ano pang sabihin nito at mabuko ako.
Nag-bend ako ng kaunti para maging pantay na kami tapos hinawakan ko ung magkabilang pisngi niya.
Teka! Ano ba ‘tong ginagawa ko? Di ko na alam! I can’t stop myself. S*hit.
I leaned in and kissed her soft lips.
It took me a while to pull myself apart from her. Nakakatakot ‘tong babaeng ‘to! Nawala ako sa sarili ko dahil sa kanya! Dapat talaga bubulungan ko lang siya at sasabihing “makisakay ka nalang” tapos kunwari ikikiss ko siya but bigla nalang akong nawala. Nawala sa sarili.
Buti nalang at naalala ko bigla ung mga babaeng nakapalibot sa ’min kaya hinawakan ko siya sa kamay at hinila patayo sa tabi ko.
“Now, you just witnessed how I love my girl. So, can I request all of you to get the hell out of my life! Sabi ko sa kanila. Syempre konting drama-drama din.
Nagbulungan sila at tinignan ng masama ung babaeng hinalikan ko.
“We’re not yet done you Bi*tch.” Sabi nung pinaka leader nila.
Not yet done ka diyan. Di niyo na siya makikita kasi hindi siya taga Hansford Academy. Mga baliw!
Nakahinga na ko ng maluwag nung nagsi-alisan na sila.
“Haaayyy…. Salamat naman.” I said out loud.
Hanggang ngayon di parin nagsasalita ung babae. Mukhang na-shock siya. Tch. Kawawa naman.
“Umm, ‘nga pala miss…” Binitwan ko na rin ung malambot niyang kamay na kanina ko pa hawak. Hehe. Nag-enjoy ba? I should say sorry. “I’m soooooo sorr—“
Pero she cut me with a hard punch. Take note, hindi sampal kundi SAPAK.
Sa sobrang gulat ko at sa sakit narin, napasigaw ako. “SH*IT! WHY DID YOU PUNCH ME?!”
Ngayon lang ako nasapak sa mukha sa buong buhay ko. Babae pa ang gumawa! Syet naman!
Ngumiti siya pero nakakakilabot ung ngiti niya. “Di ka pa kuntento? Eto pang isa oh!”
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.