.Chapter 28.
Isabella’s POV
“Pangako, ako mismo ang magtatapat sa tatay mo pero sana bigyan mo pa ako ng konting panahon,” sabi ko sa kay Migz at pagkatapos ay umalis na ako at iniwan ko siyang nakatayo dun.
Pahamak na kwintas ‘to, nahuli tuloy ako. Bakit ba puro kamalasan inaabot ko kapag may kinalaman si Migz? Badtrip. Alam ko namang mali yung ginawa ko pero di ako nagsisisi kasi para naman ‘to sa pinsan ko. Para kay Kenny.
Simula pagkabata ko pamilya lang ni Tita Karla ang nakilala kong kamag-anak. Sa side naman ni nanay, wala akong nakilala kahit isa. Simula ng mamatay si nanay pakiramdam ko dalawa nalang kami ni tatay sa buhay. Malungkot yun para sa isang batang katulad ko nung mga panahon na yun, pero dahil nga sa kapatid ni tatay na si Tita Karla, kahit paano naramdaman kong may kasama parin kami. Kaya naman gagawin ko lahat ng makakaya ko para makatulong sa paggaling ng pinsan ko.
Ang nakakainis lang ngayon---bukod sa pagkakabuking sa ‘kin ni Migz--- ay kulang parin yung perang kinita ko para sa operation ni Kenny. Mas napaaga pa naman yung need of transplant kasi mas lumala na yung kondisyon ni Kenny.
Tumingin ako sa relo ko. Alas nuwebe na pala. Wala na bang ibibilis pa ‘tong jeep?
Habang tinitignan ko yung iba’t ibang kulay ng mga ilaw na nakakalat sa kalsada naisip ko yung nangyari kanina. Bakit ba naman sa lahat pa ng makakahuli sa ‘kin eh yung Migz pa na yun? Tsaka bakit parang medyo sobra naman ata yung galit niya? Aaminin ko masakit yung mga sinabi niya pero sino ba siya para husgahan ako? Uso na talaga mga judgemental na tao ngayon. At isa pa, di niya kailangang magalit ng ganun! Ang weird niya talaga. Psh. Kaasar. Ewan ko sa kanya! Bukas ko na siya poproblemahin. Sana lang maintindihan ako ni Tito Erick.
“Ay, manong, para na po,” sabi ko sa drayber. Muntik na ko lumagpas sa ospital.
Agad akong pumunta sa room ni Kenny at naabutan kong kausap ni Tita Karla yung doktor.
“He needs the heart transplant as soon as possible or else…..” hindi na kailangan pang tapusin nung doktor yung sasabihi niya kasi alam kong alam na yun ni tita.
Hindi nakasagot si tita at nakatingin lang siya kay Kenny na natutulog sa kama. Sa nakikita ko ngayon, parang nawawalan na siya ng pag-asa.
Lumabas ako ng kwarto at hinintay kong lumabas din yung doktor.
“Doc,” tinawag ko siya kaagad ng makita ko siya. “Hindi po ba pwedeng operahan niyo na muna yung pinsan ko habang nag-iipon ako ng pera?”
Tinignan ako nung doktor na may halong awa. “Iha, hindi ba’t napag-usapan na natin ito nung isang araw? Hindi lang basta-basta operasyon ang kailangan ng pinsan mo. He needs a new heart.”
Ugh. Bwisit. Gusto ko nang karatehin ‘tong doktor pero pinigilan ko yung sarili ko. Alam kong policy yun nung ospital at hindi niya yun kontrolado. Pero nakakainis lang kasi dapat inuuna nila ang buhay kaysa pera, hindi ba?
Napabuntong-hininga ako at napayuko nalang, senyales na wala na kong masasabi pa sa kanya. Nang mapansin niya ito ay umalis na rin siya pagkatapos niya sabihin ang mga salitang “I’m sorry.”
Pwede ko rin ba sabihin ang mga salitang “I’m sorry” kapag binalian ko siya ng isang braso at binti? Tss. Inis. Makapag-CR na nga lang muna bago ko pa magawa yun.
Sa dami ng gumugulo sa isip ko hinilamusan ko yung mukha ko, baka sakaling mas malinawan yung utak ko at maka-isip ako ng paraan. Sa pag-iisip ko, napatingin ako sa salamin na nakakabit sa pader nung CR.
“Pahamak kang kwintas ka,” sabi ko sa reflection ko sa salamin.
Hindi pwedeng hindi maoperahan si Kenny. Kahit kailangan ko pang lumuhod sa lahat ng doktor dito sa ospital na ‘to gagawin ko mabuhay lang yung pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomansaNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.