.Chapter 22.

120 3 4
                                    

.Chapter 22.

Isabella’s POV

“Ui.”

May bumubulong sa ‘kin sa left side ko pero di ko tinignan.

“Ui.”

Ngayon naman kinakalabit na niya ako.

“Bella…” Mahinang bulong niya.

Aish. Ang kulit!

Lumingon ako sa left side ko at bumulong din. “Ang kulit mo Julian. Nakikinig ako kay Sir eh!”

He looked like he was about to cry. Ugh. For pete’s sake!

“Eh kasi di ko maintindihan ung T-account eh…” Mahinang sabi niya na parang batang inagawan ng lollipop.

I sighed and my eyes softened at him. “Okay, sige, tuturuan nalang kita.”

“Talaga!” Napalakas ung pagkakasabi niya kaya naman napatingin sa ‘min ung mga classmates namin pati si Sir.

“Shhh! Julz!” Nakayukong sabi ko. Pasaway talaga!

“Mister Alvarez, Miss Gomez, is there anything wrong?” Tanong sa ‘min ni Sir habang hawak ung makapal na accounting book namin.

“Wala po Sir Bautista.” Sabay naming sabi ni Julian.

Nanahimik uli kami pero maya-maya lang…..

“Ui. Promise yan ahh.” Mahinang sabi ni Julian nung di na nakatingin sa ‘min ung prof.

“Oo na nga.” I tried to act annoyed pero di effective kasi nakakahawa ung malaking ngiti ni Julz.

“Huwag ka na ngang makulit diyan Julian.” Mahinang saway ni Lyssa. “Baka mapagalitan uli si Bells niyan ehh.”

“Oo na.” Sagot naman ni Julian sabay pout.

Para talaga silang bata kung minsan at kailangan kong pigilan ung tawa dahil baka mapansin uli kami ng prof. Hehe. ^x^

Maya-maya lang nag-ring na yung bell at nag-dismiss na ung prof namin. Tamang-tama, may kailangan akong puntahan.

“Lyssa, di ako makakasabay sayo ngayon pauwi.” Paliwanag ko sa kanya habang nag-aayos ng gamit. “May pupuntahan lang akong kamag-anak.”

Huminto naman sa pag-aayos ng gamit si Lyssa at tumingin sa ‘kin. “Okay ka lang ba mag-isa? Gusto mo samahan kita?”

Umiling ako at ngumiti. “Salamat nalang. Kaya ko na ‘to. Papahatid naman ako kay Manong Henry.”

“Are you sure?” Tanong naman ni Julian. “Marami pa namang loko sa labas.”

Napataas ang kilay ko kay Julz. “Ako pa ba? Black belter ‘to diba?”

“Oo nga pala.” Nagliwanag ang mukha niya na para bang may naalala siya. “Now that you’ve mentioned that, saan ka ba natutong mag-aral ng karate?”

Marunong nga din palang mag-karate ‘tong si Julian.

I looked at my watch and  turned to Julian and Lyssa. “Saka ko na ikukwento. Una na ko sa inyo. Bye!”

Di ko na sila hinintay pang makasagot at lumabas na ako ng room. Excited na akong makita sila Tita Karla at si Kenny. Kapatid ni tatay si Tita Karla at anak naman niya si Kenny, ang cute na cute kong seven year old cousin. Matagal ko na din silang di nakikita since magkalayo kami noon. Kami ni tatay nasa Baguio tapos sila naman ni Kenny nandito sa Manila. Pero ngayon makikita ko na sila at excited na ko dahil miss ko na sila. ^_^

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon