.Chapter 13.

166 3 1
                                    

.CHAPTER 13.

“BWISET KA! IMPAKTO! BITIWAN MO KO!” Sigaw ko habang pinapalo ko ung likod ni Migz.

“Wag kang malikot baka malaglag ka!” Inis na sabi niya sa ‘kin.

May saltik yata ‘tong isang ‘to eh! SAPILITAN niya akong dinala sa bahay nila na ubod ng laki. Halos itali niya nga ako sa kotse niya para lang maisama ako. Buti  nga, nabasa ung kotse na. >:p

“SAAN MO BA KO DADALHIN IMPAKTO KA!?WAAAHHH!” Nakakainis naman kasi! Hindi ako makapalag kasi BITBIT niya ako. As in ung parang ginagawa ng mga kidnapers sa mga victims nila. Yun bang nasa balikat niya ako habang hawak niya ako sa legs at ung upper body ko ay nasa likod niya. AT ANG HIRAP NG GANITONG POSISYON! >.<

“IBABA MO KO SABI!” Sabay hampas ulit sa likod niya.

“Isa pang hampas mo hahalikan ulit kita!” Sabi niya kaya medyo natahimik ako pero sandali lang.

Kainis. Bakit ba lagi yang panakot ng mga lalaki? Natatakot naman ang mga babae? Haish!

“Ibaba mo na akong impak--- ARAY!” Sira ulong ‘to! Sabi ko ibaba, hindi ibagsak! Ang sakit kaya sa pwet! “BAKIT MO KO BINAGSAK!”

Nag-shrug lang siya. “Sabi mo ibaba kita?”

Tinignan ko siya ng masama at tumayo na. “You’re the most despicable guy ever!”

Hindi niya ako pinansin, sa halip ay nag-snap lang siya ng fingers at agad na lumapit sa ‘min ang, I think, limang maids.

“Kayo nang bahala sa kanya.” Tapos umalis na siya at iniwan akong kasama ung mga maids.

“Nakuuu! Nakakayamot!” Naipadyak ko sa carpeted floor ung paa ko sa inis. Ngayon ko lang napagtanto na nasa loob na pala kami ng isang room na centralized din tulad ng buong bahay.

“Achoo!” Nabahing ako sa lamig dahil sa basang uniform ko.

“Ah Ma’am, nakahanda na po ang pampaligo ninyo. Maligo na po kayo at magpalit bago pa po kayo sipunin.” Mahinhing sabi nung isang maid. Mukhang kasing edad ko lang siya ahh.

“Sige salamat.” Ehh ano pa nga bang magagawa ko? Haaayyyy…. Kalahating oras nalang at tapos na ang lunch break. Baka hinahanap na ko nila Lyssa.

Sinundad ko ung maids papunta sa CR dun sa loob ng kwarto. Chineck ko din ung phone ko pero lowbat. Psh. Ang galing makisama ng phone ko. --_--

Nung nandun na kami sa tapat ng pintuan parang balak pa nila akong samahan hanggang sa loob ah. -_-“

“A-ah, kaya ko na po ito.” Sabi ko habang wini-wave ung kamay ko.

“Sige po. Nandito lang po kami sa labas kung may kailangan kayo.” Tapos sabay-sabay silang nag-bow sa ‘kin.

Pumasok na ko sa CR at… WOW! O_____O

ANG LAKI!

Grabehan lang ah! Ang yaman pala talaga ng mga Herano. Nakakapanlumo. No wonder Top 2 sila sa pinakamayaman sa bansa.

Nilibot ko pa ang paningin ko at nakakita ako ng bathtub na may bubbles. Ang daming bubbles!

Lumapit ako sa tub. “Wow, bubble bath~”

Tinanggal ko na ung mga basang damit ko, at lumublob na sa tubig na puno ng bula.

“Weeee~” Para akong bata na naglalaro ng bula. Mainit-init din ung tubig. Relaxing…. Ahhhh~

Sorry na, first time eh. Hehe.

Parang biglang nawala ung kaninang inis ko. Ang gusto ko lang ngayon ay mag-relax. Dala na rin siguro ng pagod at stress sa nakalipas na impiyernong Linggo. Tsk. Naalala ko nanaman tuloy. >__<

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon