.Chapter 31.

105 2 5
                                    

.Chapter 31.

Isabella’s POV

Dahil sa kakaisip sa weird feeling na naramdaman ko kagabi ay halos hindi nanaman ako nakatulog kaya ang ending ay pumasok nalang ako ng sobrang aga.

Since mamaya pa yung klase ko ay naisipan kong pumunta nalang muna sa band room para tumambay.

Pagpasok ko, hindi na ako nagulat na wala pang tao dun, sabi ko nga ang aga ko. Dahil wala akong magawa ay nagpunta nalang ako sa may mesa, umupo at kinuha nalang yung notebook ko sa psycho para sagutan yung assignment na ipapasa next week. Sinubukan kong sagutan yung unang tanong pero yung isip ko wala talaga sa hulog kaya naman, ayun, nag-doodle nalang ako.

“Small circle, small circle, big circle,” kumakanta ako sabay drawing ng dalawang maliit na bilog na pinaloob ko sa isang malaking bilog na magiging ilong ng baboy. Pig Song ang tawag ko dito na bata palang ako ay alam ko na.

“Small circle, small circle, big circle,” ngayon naman nagdrawing ako ng mata at ulo nung baboy.

“Here’s mama, here’s papa smiling at me,” nagdrawing ako ng nakangiting bibig nung baboy. “Here’s mama, here’s papa winking at me,” para naman ‘to sa dalawang tenga nung baboy.

“Six times six, six times six, thirthy-six,” habang kinakanta ko ‘to, dino-drawing ko na yung dalawang kamay at buntot nung baboy. “Six times six, six times six, mount fuji!” sa pagtatapos nang kanta ay tapos ko na ring idrawing yung dalawang legs nung baboy. Syempre para makumpleto yung drawing ko ay nilagyan ko nang puso yung dibdib nung baboy.

 “The Pig Song,” may bigla nalang nagsalita sa gilid ko kaya naman napatalon ako at halos mahulog mula sa inuupuan ko. Buti nalang nahawakan ako sa bewang nung kung sino mang nanggulat sa ‘kin kundi laglag talaga ko.

“I’m sorry, di ko sinasadyang gulatin ka,” at nang marinig ko yung nag-aalalang boses na yun ay napadilat ako at nakita ko yung sobrang lapit na mukha ni Kelvin. Sobrang lapit na halos nabibilang ko na yung mahabang pilik mata niya at nalalanghap yung pabango niya at natitigan yung mga mata niya….na parang nakita ko na noon.

“You okay?” tanong niya matapos niya ako tuluyang maupo ng maayos.

Napatango nalang ako. Bakit pamilyar yung mata niya? Bakit parang nakita ko na ‘to noon?

Hindi ko na namalayan na umupo na pala siya sa tabi ko. Natauhan lang ako nang marinig ko siyang magtanong, “Bakit ang aga mo?”

“Ah, eh, kasi maaga ako nagising eh,” pagdadahilan ko kahit na ang totoo ay halos di naman ako natulog.

“By the way, ‘san mo nga pala natutunan yang kantang yan?” tanong niya habang nakatingin sa drawing ko.

Nagkibit-balikat ako, “Sa totoo lang hindi ko na maalala ehh. Basta bata palang ako alam ko na siya.”

“Walang nagturo sayo?” nagtatakang tanong niya. Maski naman ako nagtataka kasi wala talaga akong maalala na may nagturo sa ‘kin or pinag-aralan ko siya.

“Weird nga eh, ni hindi ko matandaan na pinag-aralan ko siya. Basta alam ko nalang siya na para bang may nag-record nun sa utak ko,” tumawa ako nang konti tapos tumingin sa kanya. “Weird, diba?”

Nginitian niya lang ako. And speaking of weird, naisipan kong magtanong sa kanya.

“Kelvin…” kahit na medyo alangan ako ay tinanong ko parin habang nakatingin ako sa drawing ko. “Alam ko medyo kakaiba ‘tong itatanong ko pero sa tingin mo nagkita na tayo dati pa?”

Nung tinignan ko siya he just blinked at me na para bang galing siya sa malalim na pag-iisip. “Huh? I’m sorry, ano ulit yun?”

Umiling nalang ako, ngumiti at nagdecide na kalimutan ko nalang muna yung naisip ko. “Sabi ko, eh ikaw, bakit ang aga mo?”

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon