Hmm.. Ano un? Ang tamis ng amoy... Amoy Vanilla...
Minulat ko ung mga mata ko kasi malamang nakapikit ako.
Whoa! Nandito nanaman ako! Sa makulay at sobrang liwanag na lugar! Ung may pink na mga puno at blue na bundok. So in short, dreamland!
Alam ko na 'to eh! Susunod nang magpapakita ung...
"Giant Vanilla Sundae!" Napasigaw talaga ko nung makita ko yun. Favorite eh, alam nyo yan~ hehe.
Syempre tumakbo ako papunta sa paborito kong icecream. Di naman masyadong deprived eh no.
Isang metro nalang sana at maabot ko na siya ng biglang---
"Wahhh! Timba!!" Anong ginagawa ng timba sa dadaanan ko?! Tae! Di na ko makakai---
*BLAG!*
"---Was..." Awts! Nalaglag ako sa sofa. Face flat.
"Awww... Ilong ko." I said out loud habang kinakapa ko kung nakakabit pa ba ung ilong ko.
Napatingin ako sa paligid ko. Hindi pala panaginip ung mga nangyari kahapon? Totoo pala ang lahat.
Tumayo na ko para ayusin ang sarili ko habang pinagninilay-nilayan ang mga bagay-bagay. Nagpunta ako sa C.R. para maligo at napanga-nga nanaman ako sa laki at ganda nito. "Eh kasing laki na 'to ng sala namin ah!"
Napa-iling ako. No use narin naman siguro kung patuloy pa kong magugulat sa mga makikita ko. Mahirap na at baka magkasakit ako sa puso. I might as well accept all this things.
Feeling ko tuloy isa akong character sa isang kwento na sinusulat ng isang baliw at magandang authoress tapos sabay ipopost nya 'to sa Candymag.
Siguro iniisip ng iba fairytale 'to pero kahit kelan ay di ako naniwala sa fairytale kung 'san may prinsesa, prinsipe at kaharian. Unang-una wala namang fairy, right? Pangalawa, di ako prinsesa at Panghuli walang castle. I mean, c'mon. Harapin natin ang realidad ng buhay. Lahat ay kelangang paghirapan mo dahil di mo makukuha ang mga bagay na gusto mo sa isang kumpas lang ng magicwand.
Hindi naman sa naninira ako ng pangarap ng mga girls na umaasa na may isang prinsipe na sakay ng isang puting kabayo ang darating para dalhin sila at pakasalan sa isang palasyo. Ang akin lang naman eh, wag umasa sa mga bagay na alam mong maliit ang chance na magkatotoo.
Tama ba ko o tama ak---
*DINGDONG*
Dantes? Err. Ako na korni! Hehe. Pero teka, si Manong Henz (Henz para bagets diba?) na ba un?
Minadali ko na ang pag-blowdry ng buhok ko kasi sa haba ng internal monologue ko ay nakapagbihis na ko, toothbrush at kung ano pang dapat maganap before and after bath.
Agad kong binuksan ung pinto. "Sino po yan?"
"Naku 'kang bata ka. Di mo dapat binubuksan ang pinto mo ng ganun." Sabi ni Manong Henz ng kunot-noo.
"Bakit naman po?"
"Dapat tumingin ka muna sa peephole." Tapos tinuro nya ung maliit na butas sa pinto ko. Ahh, un pala un. Pasensya naman, wala sa bundok. "Paano kung masamang loob pala ung kumatok at binuksan mo agad? Edi napahamak ka pa?"
"Di na po mauulit sa susunod." Sabi kong nakangiti. "Pasok na po kayo."
Pumunta na ko nun sa kitchen counter para maghanda ng breakfast tutal di pa ko kumakain. Since condo suite siya ay nasa same area ang kitchen/dining at living room. Pero syempre may considerable distance naman. Meron ding isang cute na room at bonggang C.R. At ang pinaka-trip ko sa lahat ay yung terrace niya na over-looking sa city. Saktong pang isang tao ung suite. Simple but elegant.
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.