.Chapter 21.

119 2 0
                                    

.Chapter 21.

Isabella’s POV

Sobrang lamig. Nasan ako? Bakit parang wala akong maramdaman?

Idinilat ko ang mga mata ko at wala akong makita. Sobrang dilim at….nahuhulog ako.

Pumikit ulit ako at pagdilat ko ay nasa isang madilim na kwarto na ko. Inilibot ko ang mata ko at nakakita ako ng mga manika, stuffed toy at ibang laruan. Kwarto ito ng bata. Isang batang babae.

Sa isang kisap-mata, lumiwanag ung kwarto at kasunod noon ang malakas na tunog. Kulog at kidlat. Napatingin ako sa bintana kung saan may nakasabit na dream catcher. Doon ko lang napansin na bumabagyo pala.

Inilayo ko ang paningin ko sa may bintana at may nakita akong isang kahon sa ibabaw ng maliit na lamesa. Isang kahon na parang nakita ko na. Pero bago pa man ako makalapit doon ay nakarinig ako ng putok ng baril at kasunod ang isang makapanindig-balahibong sigaw.

Nagulat ako at napatingin sa direksyon ng pinto. Maya-maya lang may gumalaw sa may kama. Nakita kong may bumangon at bumaba mula sa kama. Kumidlat uli at nakita ko ang magandang mukha ng isang batang babae at ang mahabang buhok niya. Naka-suot siya ng isang mahabang puting pantulog.

Lumapit siya sa pinto at binuksan niya iyon.

“Wag kang lumabas!” Bigla kong nasabi pero parang di niya ako narinig. Tuluyang lumabas ang bata.

Madilim ang paligid at tanging ang kidlat lamang ang nagbibigay liwanag sa ‘min. Patuloy lang ang batang babae sa mabagal at siguradong mga hakbang niya. Patuloy lang din ako sa pagsunod sa kanya.

Napahinto sa paglalakad ang bata. Nasa tapat na siya ng hagdan.

“Dito ka lang.” Humakbang ako palapit sa bata. “Huwag kang bumaba diyan.”

Pero di niya ako pinansin at bumaba siya ng hagdan. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Patuloy na lumalakas ang bagyo. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Nakakita ako ng bukas na pinto. Mula sa pintong yun ay pumapasok ang malakas na ulan. Papunta sana ako doon para isara ang pinto ng bigla akong matisod. Huminto ako para tignan kung anong natapakan ko pero wala akong makita. Sakto namang kumidlat at isa palang katawan ng tao na naliligo sa sarili niyang dugo ang tinitignan ko.

Halos mapunta ang puso ko sa lalamunan ko sa sobrang takot. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas mula sa ‘kin.

Nakarinig ulit ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril.

Agad kong hinanap ang bata at nakita ko siya, sa di kalayuan, na kaharap ang isang taong naka-phantom mask. Naka-suot siya ng itim na coat, nakakakilabot at nakakatakot ang itsura niya. Nang mawala ang liwanang na mula sa kidlat ay wala na akong makita. At nang muling kumidlat ay nakakita ako ng dalawa pang duguang katawan sa makabilang paanan ng batang babae.

Gusto kong sumigaw sa takot pero manhid ang buong katawan ko. Yung bata.

Nakatulala lang ako habang lumalakad papalapit ung naka-maskara sa bata.

Takbo. Tumakbo ka!

Gusto ko itong isigaw sa bata at sa sarili ko pero di ko mahagilap ang boses ko.

Hindi parin gumagalaw ung bata hanggang sa itutok nung tao ung hawak niyang baril sa bata.

HINDI!

Kumidlat uli at kumulog ng ubod ng lakas. At sa unang pagkakataon, narinig ko ang ubod ng lakas na sigaw nung bata. Nakita ko siyang humarap sa direksyon ko, puno ng takot ang maamo niyang mukha at tumakbo-----

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon