Chapter 34:
Miguel
“Oh, kuya,” napahinto ako sa ginagawa ko at napalingon sa pinanggagalingan ng boses. “Ang aga mo atang umuwi.”
“Ganun talaga,” sagot ko sa kanya at saka ko binalikan ulit yung ginagawa ko, which is preparing a clubhouse sandwich. “Gwapo, eh.”
“Utot mo,” he snorted as he perched himself on the marble counter-top. “Saka anong trip yan, ah? Ngayon lang kita nakitang naghanda ng pagkain para sa sarili mo, ah.”
“Just shut up, lil’ bro,” I said as I started preparing the second sandwich. “Hindi lang para sa ‘kin ‘to.” Tapos nilingon ko siya. “Magpalit ka na nga dun ng damit.”
Kagagaling lang kasi ni loko sa school at naka-uniform pa siya.
He tsk-ed at me and said, “Look who’s talking.” Then he jumped off the kitchen counter and started walking away.
Napatingin naman ako sa sarili ko at dun ko na-realize na naka-uniform parin ako. Napa-iling nalang ako at napangiti. Hindi ko akalain na maghahanda ako ng pagkain para sa isang tao at hindi ko rin akalain na guguluhin at dudumihan ko ng ganun ang kwarto ko para lang makasama ang isang tao.
After another twenty minutes, I finished preparing the food for me and Vanilla Girl. Inilagay ko na yung dalawang baso ng fresh orange juice sa tray pati yung dalawang clubhouse sandwich. Oh, dear, I can’t believe I’m really doing this.
Pagpasok ko sa kwarto ay muntik ko nang mabitiwan yung tray dahil sa nakita ko. Mabilis kong ipinatong yung tray sa kung saan at lumapit sa kama ko. There was Nick, leaning on the side of the bed towards the sleeping Bella.
“You!” I hissed, grabbing my brother by the ear. “What do you think you’re doing?!”
He cried in pain but I managed to shut him off by clamping my free hand over his mouth. I dragged him outside my room.
Pagkatanggal na pagkatanggal ng kamay ko sa bibig niya ay agad siyang nagreklamo. “Aray naman, kuya! Bakit mo ako piningot?!”
I crossed my arms over my chest. “Ano yun, ah? Anong ginagawa mo kanina bago ako dumating?!”
“Ano pa, edi hahalikan sana si sleeping beauty!” inis na sagot niya sa ‘kin. Aba’t lokong bata ‘to ahh! Hindi manlang tumanggi sa kalokohang ginagawa niya. “Andun na eh! Malapit na, kung wala lang sanang umepal na bakulaw!”
“Nicholas Gabriel Herano!” medyo napalakas yung sigaw ko. Napakapasaway kasi nitong batang ‘to eh!
“Dahil siguro sa kanya kaya mo ginulo at dinumihan ‘yang kwarto mo no?” sabi niya sa ‘kin na may mapang-asar na ngiti. “Heh, gusto mo sabihin ko sa kanya na hiningi mo pa ang tulong ko at ng ilan sa mga maids natin para magmukhang basurahan ‘yang kwarto mo?”
“Hoy! Nicholas!” napasigaw uli ako nang akmang babalik na siya sa kwarto ko. “Ikaw na bata ka—”
“Migz?”
Agad akong napalingon nung marinig ko yung boses ni Bella. She’s standing by the door while rubbing the sleepiness off her eyes. I almost choked on my own breath seeing her in her just-woke-up state. She looks so…cute that I want to cuddle her back to sleep. Darn, what the hell am I thinking?
“Hi, noona!” masiglang bati ng kapatid ko na mabilis pa sa alas-kwatro ay nasa harap na ni Bella. Napaface-palm nalang ako ng tawagin niyang “noona” si Bella. It’s a Korean term for “Ate” at ito palang ang pangalawang beses na may tinawag siyang noona.
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.