.Chapter 14.

135 1 0
                                    

.CHAPTER 14.

Isabella’s POV

TT______TT

Ano bang nagawa ko? Nakasalubong ba ako ng pusang itim sa daan? Nagpapicture ng tatlo lang kami at ako ang nasa gitna? Nakabasag ba ako ng baso o tumingin sa may lamat na salamin?

Bakit ako minamalas ng ganito?

“Sis? Are you okay?” Tanong sa ‘kin ni Lyssa for the nth time. Katabi ko siya ngayon sa backseat ng kotse ni Julian at papunta kami sa café.

Simula pa kaninang pagbalik ko sa school galing sa bahay ng mga Herano ay di na maipinta ang mukha ko. They’ve tried asking me pero isa lang ang laging sinasagot ko,

“Wag niyo nalang akong pansinin.”

Sabay buntong-hininga.

Di ko muna sinabi kila Lyssa ung *shudders* deal *shudders*between me and that impakto. Nagbabakasakali akong may magawa pa akong paraan para makalusot sa problema ko sa mga baliw na fangirls na yun at nang di ko na kelanganin pang pasukin ung inaalok ni Migz.

“Masama ba pakiramdam mo, Bells?” Tanong ni Julian na nag-aalala na rin.

Umiling ako. “Okay lang talaga ko.”

Para akong bibitayin. Y_Y

Simula pa lang ng istoryang ‘to eh simpleng buhay lang naman ang ninais ko. Tapos ngayon, isang hakbang nalang at makakapasok na ako sa magulong mundo ng isang sikat na tao.

Parang ‘Math’ lang yan eh. Hangga’t maaari iniiwasan ko kasi…. Komplikado.

“Okay. We’re here.” Announced Julian as he pulled his yellow sports car into the café’s parking lot.

Pwede bang wag na bumaba? Dito nalang ako?  -_-

Iisipin ko nalang na para talaga ‘to sa kaligtasan ko mula sa mga impaktang yun. >.< Hah! Kaya ko ‘to!

Bumaba na kami sa kotse ni Juls at pumasok na sa café. As usual madaming tao. The Strums yan eh. Sa loob ng halos isang linggo ay marami na rin akong natutunan sa kanila at nalaman ko din kung gaano talaga sila kasikat at kayaman.

Dumiretso kami sa usual table at nakita namin sila dun. Oo, kasama siya.

“Hi, Bells!” Bati sa ‘kin nung magkapatid na sina Matt at Mich. Hyper active as ever. ^_^

“Oi kayo, thirty minutes nalang at nakatambay parin kayo dito?” Mataray na sabi ni Lyssa pagkaupo namin.

Natawa naman kami sa kanya.

“Daig mo pa si Madam ah.” Pang-aasar ni Nathan. Si Madam ung manager ng The Strums. Pinakilala nila ako sa kanya last time. Mabait naman siya at nasa-thirties palang.

Nagulat nalang ako nung biglang may umakbay sa ‘kin sa left side ko, nasa right kasi si Lyssa.

“Bakit parang di maipinta ang mukha mo ah?” Tanong ni---omigosh--- Kelvin sa ‘kin.

I tried to laugh but it sounded awkward. “Ha-ha. Di ka naman pintor ah?”

---__---“ Bakit ba ang korni-korni ko pagdating kay Kelvin?

He chuckled. “Ikaw talaga. Ang korni mo.” Sabay gulo sa buhok ko.

“Naman eh!” Reklamo ko naman. Well, ganyan naman siya lagi eh. Kaya lagi din tuloy akong kinikilig. Hehe. Crush ko nga diba? Eh kung kayo kaya? Di kaya kayo kiligin? Hehe.

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon