.Chapter 30.

69 0 0
                                    

.Chapter 30.

Isabella’s POV

“Okay! Kainan na!”

“Di ka naman excited niyan, Matt?” sabi ni Lyssa. Nasa cafeteria kami ngayon para mag-lunch.

“Walang basagan ng trip. Kumain ka nalang diyan Lyssa,” sagot naman ni Matt. Napangiti ako, parang aso’t pusa talaga ‘tong dalawang ‘to.

“Where’s Migz, Kelv?” narinig kong tanong ni Nathan habang kinukuha ko yung lunch box ko sa bag.

“Dunno,” sagot naman ni Kelvin. “Sabi niya sunod nalang daw siya.”

“Anong baon mo?” tanong sa ‘kin ni Julian na nakaupo sa tabi ko. “Pwedeng makipagpalit?”

Napatingin ako sa lunch niya at halos mapanganga ako. Itsura palang mukhang masarap na yung pagkain niya, ang bango pa, tapos ipagpapalit niya sa lunch kong ako lang ang nagluto? Well, masarap din naman yung lunch ko pero di hamak naman na mas masarap at mas mahal yung lunch niya, idamay mo na rin yung lunch nila Lyssa. Sa totoo lang di pa ako nakakakain ng pagkain na galing sa cafeteria, masyado kasing mahal.

Binuksan ko yung baunan ko. “Wag na, mas masarap ‘yang sayo.”

“Okay lang!” pagpipilit niya sabay usog papunta sa ‘kin ng plato niya. Waaawwww, yung laway ko. Haha!

Napakagat ako sa kutsara ko, “Wag nalang….” Wag mo ko pilitin Julian! Baka pumayag ako! Haha!

“Sis, tayo ang magpalit. Gusto ko kasi ‘yang niluto mo eh,” sabi naman ni Lyssa na nasa other side ko. Napatingin din ako sa lunch niya at yung dessert talaga yung nakaagaw ng pansin ko.

“Ang daya!” napatingin ulit ako kay Julian nang magreklamo siya. “Ako kaya ang nauna!”

“My lunch is better than yours, Julian,” sabi ni Lyssa sabay dila.

Habang nagtatalo sila at habang nag-iisip ako kung makikipagpalit ako, may biglang kumuha ng lunch ko. Paglingon ko, nakita ko si Migz na kauupo palang sa tabi ni Kelvin at dala…….ANG LUNCHBOX KO!

“O-oi! Lunch ko yan!” sabi ko sabay turo ng kutsara ko sa kanya.

He smirked at me, “Well, it’s mine now.”

Ibabato ko na sana yung kutsara ko sa kanya nang may maamoy akong ubod ng bango. Napatingin ako sa harap ko at nakakita ako ng plato na may mukhang masarap na lunch set at dessert. Waaaw.

Narinig ko yung mga reklamo ni Lyssa at Julian kay Migz pero di ko nalang pinansin at tumusok ako ng isang karne na sa tingin ko ay crab meat. Sinubo ko ‘to at crab meat nga! Grabe, yung huling kain ko nito ay noong minsang binigyan kami ng kapitbahay. Pero yun kelangan pang balatan, samantalang ‘to nakabalat na tapus sobrang sarap talaga! Favorite ko ‘to eh.

“Hmmm..” nakapikit pa ako habang nilalasap ko yung crab meat kaya naman nang mapansin kong natahimik sila, napadilat ako.

O.O Nabigla ako kasi nakatingin lang sila sa ‘kin.

“Uhhhhhh….Bakit?” nagtatakang tanong ko.

“Masarap ba?” tanong ni Kelvin sa ‘kin.

Tumango ako at biglang nagkanya-kanyang usap sila. Magulo at maingay sila pero may mga narinig akong “papaluto din ako niyan bukas”,sa birthday ko meron niyan”, “pag-aaralan ko lutuin yan” at kung anu-ano pa. Napailing nalang ako at tinuloy yung pagkain ko. Pero habang kumakain napatingin ako kay Migz na nakatingin din pala sa ‘kin.

“Not bad,” sabi niya sabay turo sa pagkaing ginawa ko.

Hindi ko alam kung bakit pero nahiya ako kaya yumuko nalang ako at kumain. Nakakinis talaga siya! >.<

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon