.Chapter 25.
Migz’ POV
( - o -) yaaaaaaawwwwnnnnn…
Puyat ang inabot ko kaka-isip sa babaeng yun ah. Tss. Bakit ko nga ba siya pinag-aaksayahan ng panahon? Ay ewan.
Dapat di ako nagpuyat kagabi eh. Nawala sa isip kong maaga pala ang basketball training ngayon. Sigurado nandun na si Kelvin at Nathan, medyo nakakahiya kasi mukhang mauunahan pa ako ng vice-captain ko na si Kelvs. Tch.
Habang naglalakad ako papuntang gym ay napadaan ako sa may auditorium at may narinig akong mahinang melody. It’s too beautiful for me to ignore.
Dahil nga likas akong curious ay huminto ako sa paglakad at binuksan ng konti ung malaking pinto ng audi. Medyo lumakas ung tunog nung sumilip ako sa loob. Piano pala ung naririnig ko pero wala naman akong masyadong makita kasi naka-dim ung ilaw. Weird, sinong tutugtog dito ng ganyang kadilim yung ilaw? Ang laki pa naman ng auditorium na ‘to. Ang eerie ng dating na para bang multo yung tumutugtog.
Aalis na sana ako (but it’s not because I’m scared, believe me) pero may narinig akong boses na nagsimulang kumanta.
“Yung boses na yun….” Naibulong ko sa sarili ko.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob hanggang sa maaninag ko ung grand piano sa gitna ng stage na nasa pinakadulo ng audi. I can’t see who’s playing (or if there’s someone playing) because the piano’s lid is blocking my view.
♫ Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine
Warmer than what you feel
More than all the wonders you see
It's the most wonderful thing…. ♫
It’s the same angelic voice. Ibig sabihin nito student din siya ng academy. Lalo akong nakukumbinsi na si Vanilla Girl ung masked vocalist na yun.
♫ Brighter than the living colors of flowers you see
Sweeter than the touch of water
Flowing from the mountain spring
More than all the wonders you see
It's the most wonderful thing…. ♫
Tahimik at unti-unti akong lumapit sa stage para makita ko yung mukha nung tumutugtog. Sana lang hindi niya ako mapansin.
Konti nalang makikita ko na siya ng biglang tumunog yung phone ko.
♫ one love…. I lo-----
“Fvck!” I blurted out a cuss out of surprise and panic. Sino namang siraulong talipandas ang tatawag sa ‘kin sa ganitong sitwasyon?
Agad-agad kong kinuha ung phone ko sa gym bag ko at pinatay ‘to without even checking who’s the caller.
“Kainis!” bulong ko sa sarili ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa grand piano pero wala nang tao. “Sht! Badtrip!”
Hindi ko siya nakita.
♫ ♫ ♫
“Bakit parang bad mood ‘yang isang yan?” Narinig kong tanong ni Vanilla Girl. I didn’t bother to look up, I was busy tuning my guitar. Nasa band room kami ngayon. Break time.
“Badtrip yan kasi tinawagan ko siya sa gitna daw ng kanyang “moment of discovery”, muntanga lang,” sagot naman ni Kelvin.
“Moment of discovery?” tanong ulit ni Vanilla Girl.
Tss. Moment of discovering na ikaw yung masked vocalist!
This time si Nathan naman ang sumagot sa kanya, “Nagdadahilan lang yan kasi late siya sa training kanina. Hindi na nahiya, naturingang captain!”
Hindi ko nalang sila pinansin sa pang-aasar nila baka lalo lang akong mabad-trip. Hmp.
“Bells, sama ka ba mamaya?” Tanong ni Lyssa. Asa ka pa, may agenda yan tuwing gabi.
“Uhh, ano kasi….”
“Busy ka nanaman?” si Julian na ang nagtapos ng sasabihin ni Vanilla Girl. Actually it’s sounds like a statement rather than a question.
Narinig kong bumuntong hininga si Vanilla Girl. “Sorry talaga…. Babawi ako next time, promise.”
Hmmm. Alam ko na….
“Oi. Diba alam mong bawal ang part-time job sa academy?” tanong ko habang nakatingin kay Vanilla Girl.
Medyo kumunot naman ung noo niya sa ‘kin. “Syempre naman.”
“Alam mo bang expulsion ang mangyayari sa sino mang mahuling lalabag sa kahit anong rules ng academy?” Sabi ko sa kanya habang naka-smirk. “Ganon kahigpit dito.”
Her frown deepened, “Bakit mo ba sinasabi sa ‘kin ‘to?”
I shrugged, “Wala naman...” Baka lang kasi may ginagawa kang kalokohan tuwing gabi, dugtong ko sa isip ko.
Tapos nun ay tumayo na ako at lumabas ng band room. Magkaka-alamanan tayo mamayang gabi.
♫ ♫ ♫
Finally. Ngayong gabi ko na malalaman kung si masked vocalist at si Vanilla Girl ay iisa. Hmm.
As usual nandito ulit ako sa Baroque café sa usual table ko with my usual get-up habang hinihintay na umakyat ng stage ang Crimson Sky.
Takte. Pakiramdam ko mukha na akong stalker sa mga pinag-gagagawa ko. Tss.
After a while ay umakyat na sila ng stage at nagsimulang iset-up ang mga instrument.
Okay gagawin ko na.
I fished my phone out of my pocket to call Vanilla Girl. Kapag hindi niya sinagot yung tawag ko, siya nga ung masked vocalist pero pag sinagot niya…..haaayyy….ewan ko na.
Calling Vanilla Girl….
.
.
.
.
Nakaka-ilang ring na di parin niya sinasagot. Mukhang tama ang hinala ko.
.
.
.
.
.
.
“Hello?”
What the---
“Hello!?” di ako makapaniwala. “Vanilla Girl?”
“Ikaw yung tumawag pero ikaw yung gulat na gulat diyan? Naka-hithit ka ba?” Inis na tanong niya sa kabilang linya.
Fvck. Mali ako. Hindi siya ung masked vocalist kasi nakatitig ako sa kanya ngayon habang tinotono niya yung gitara niya at kausap ko naman si Vanilla Girl sa telepono ngayon. Imposibleng iisa sila.
“Hindi ikaw…..” di ko namalayang nasabi ko ung nasa isip ko.
“Anong hindi ako?”
Natauhan naman ako bigla. “Ah wala, wala. Sige bye.”
Agad akong nagend-call. Mali ako. Maling-mali. And I feel guilt stricken.
I ran both my hands through my hair, frustrated. Ang sama ko para pagbintangan siya. Ugh. Ang tanga ko talaga kahit kelan. Pang-asar.
Damn. Sobrang nagiguilty ako.
Biglang gusto ko nalang na umuwi na kaya hindi pa man sila nagsisimulang tumugtog ay lumabas na ako at umalis na.

BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.