.Chapter 29.

65 1 0
                                    

.Chapter 29.

Isabella’s POV

Simula kagabi ay halos di na ako makatulog sa kaiisip sa magiging operasyon ni Kenny. Kinakabahan ako; sana maging successful. Kahit nga ngayon na naglalakad ako sa may hallway ng building namin ay yun parin ang iniisip ko kaya naman…..

*BOG*

“Aray ko po!” naumpog ako sa glass door na papunta sa labas at kasabay noon ang pagtawa ng isang tao sa tabi ko.

“Tch. Engot,” mahinang sabi ni Migz na narinig ko naman. Sira ulo talaga.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan ko siya ng masama. “Ang sama mo rin eh no? Alam mong babangga ako sa pinto di mo manlang ako pinigilan?”

Pauwi na kami ngayon at tulad nga nang sabi niya ay sabay na kami lagi. Nakaka-umay na nga pagmumukha niya eh.

He stopped in his tracks and  smirked at me, “Why would I? It’s so amusing to watch.”

(-_- +) Tuwing kasama ko ‘tong lalaking ‘to nasusubukan talaga ang pasensya ko.

I balled my right hand into a fist. Baka mamaya kung ‘san pa lumanding, baka mamaya sa mukha pa ni Migz. Hinimas ko yung noo ko at naramdaman kong may maliit na bukol na at siguradong lalaki pa maya-maya.

Nang may papalapit na dalawang estudyante sa ‘min biglang lumapit sa ‘kin si Migz at hinawakan ako sa pisngi.

“Does it hurt, babe?” tanong niya habang sinisipat kunwari yung noo ko. “Okay lang naman na tumitig ka sa ‘kin pero wag naman yung habang naglalakad, naumpog ka tuloy.”

Bago makalabas ng glass door yung dalawang babae ay narinig ko silang natawa. Ugh. Napakasarap talaga pasabugin ng bungo nitong impakto na ‘to. Nang nawala na sila ay agad kong hinampas sa ulo si Migz. Yung tipo ng hampas na makakapagpatalsik sa mga sinasabi niyang braincells na meron daw siya.

“Ouch! Para ‘san yun?” Kunot-noong tanong niya sa ‘kin.

I smiled at him. “Tinitignan ko lang kung gaano katibay ulo mo, ang plastic mo kasi ehh.”

Tapos tinalikuran ko na siya at nagsimula na ulit akong maglakad. Talagang kina-career niya yung pagpapanggap na “kami” sa harap ng ibang tao. Pwede na siyang gawaran ng best actor of the year with a round of applause.

“You’re no fun, you know that?” sabi niya sa ‘kin nang makahabol siya. I just rolled my eyes at him.

Nang malapit na kami sa parking lot ng school nagsalita ulit siya. “Tara, date tayo.”

Huminto ulit ako sa paglalakad kaya napahinto din siya. May dinukot ako sa bulsa ng palda ko at iniabot ito sa kanya.

“Anong gagawin ko sa …..piso?” buong pagtatakang tanong niya sa ‘kin.

“Maghanap ka nang ka-date mo dyan sa may kanto,” tapos naglakad na ulit ako.

“You know what? Other girls would even pay just to have a date with me,” narinig kong sabi niya habang naglalakad sa likod ko.

Ugh. Yabang talaga! “Kwento mo sa pagong,” pang-asar na sagot ko.

Alam kong hindi siya patatalo at sasagot siya kaya naman nang hindi siya umimik napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang siya dun, hindi gumagalaw at sa totoo lang….mukha siyang batang inagawan ng lollipop. Parang na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. Na tipong gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil di talaga ako makasabay sa ka-weirdohan niya. Nagpapanggap lang naman kami! Jusmiyo!

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon