.Chapter 3.

183 3 2
                                    

"Sayang! Di ko manlang nakita ung reaksyon nila." Sabi ni Lyssa sabay tawa. Nasa sasakyan na kami ngayon at pauwi na.

"Ang epic nga eh. Muntik pa nga akong mahuli kasi di ko napigilan ung tawa ko." Kinukwento ko sa kanya ung nangyari kanina sa grocery habang wala siya.

"Pero sa tingin mo, sino kaya yun?" Tanong niya.

I just shrugged. "Di ko rin alam eh. Pero lam mo parang sikat sila."

Napatingin sakin si Lyssa. "Pano mo naman nasabi?"

"Kasi para silang artista kung pagtinginan ng mga tao kanina, lalo na ng mga babae." 

"Baka naman sadyang gwapo lang talaga ung mga un."

"Siguro nga."

Tapos nagkatinginan kami ni Lyssa at bigla kaming tumawa ng walang dahilan. Ang baliw namin. Hehe. 

♫ ♫ ♫

"O, maiwan ko na kayo ah." Sabi ni Manong Henz habang nilalapag sa couch ung mga paper bag at mga plastic ng grocery.

"Thanks po Manong Henry. Ingat po sa pagmamaneho." Sabi ko tapos umalis na siya.

"Sige sis. Uwi na ko. Lam mo naman magbabarko pa ko." Biro niya habang kinukuha ung mga pinamili niya. Sa katabing suite ko lang siya, remember?

Natawa naman ako. "Sige, sige. Ingat ka ah. Sulat ka." Biro ko din sa kanya at nagtawanan kaming dalawa.

Hintid ko siya hanggang sa pinto ko. "Uh, Lyssa, thank you ah."

Tumingin siya sakin ng may pagtataka. "Hah? For what sis?"

"Sa lahat. Para sa araw na 'to."   Sabi kong medyo nahihiya. Ang bait niya kasi sakin eh. Kahit na, alam mu yun..mayaman siya...ako hinde naman.

Nilapag niya sa tabi ng paa niya ung mga paper bags at plastic. "You know what, kahit na nahihiya ka ang cute mo padin." Sabay pinisil niya ung ilong ko. Then kinuha na niya ulit ung mga dala niya. "I can feel that you and I are going to be the best of friends."  

Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na siya sa suite niya. Pumasok ako ng nakangiti. Sang-ayon ako sa sinabi niya sakin.  

♫ ♫ ♫

Maganda ang naging gising ko. Siguro dahil sa kama na ko natulog kagabi at hindi na sa couch. Hehe. 

Inayos ko na ung mga pinamili ko sa ref at sa cabinet. Akalain mo yun, halos naubos ung 10k sa mga pinagbibibili namin ni Lyssa kahapon. Ang mamahal kasi nung mga damit na pinili niya eh. Pero aaminin ko, bagay sakin. Hehe. Pagbigyan niyo na ko, minsan lang 'to.

*DINGDONG*

Iniwan ko muna saglit ung niluluto ko at pinuntahan ung pinto. Pero bago ko binuksan eh sumilip muna ako sa peephole. Masunurin akong bata eh. Di ko na siya nakakalimutan gawin kasi may sticky note akong dinikit sa tabi nung butas. 

 wag kalimutan ang peephole. ^_^  

Hehe. Makakalimutin kasi ako eh kaya lagi akong may baong sticky note.  

Nung nakita ko na kung sino yung kumakatok ay binuksan ko agad ung pinto.

"Hi sis!" salubong sa 'kin ni Lyssa with a big hug.

"Long time no see?" Biro ko sa kanya. Kasi naman parang di kami nagkita kahapon. "Napadalaw ka nga pala?"

She released me from the hug. "Papasok na kasi ako ng school. Kelangan na ko dun lalo na ng mga estudyanteng pumapasok lang para masilayan ang kagandahan ko." Sabi niya sabay flip pa ng hair. 

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon