.CHAPTER 12.
6AM. Bella’s Suite.
*KRIIIIIIIIIIING*
“Uhmmmm…. Limang minuto pa…”
*KRIIIIIIIIIIING*
“Pleeeeassse…. Sobrang sakit talaga ng ulo ko…”
*KRIIIIIIIIIIING*
Inabot ko ung nagwawalang alarm clock ko sa bedside table at sinira---este pinatay ko.
Umupo ako sa kama at sabay hinawakan ung sobrang masakit na ulo ko. >.<
“Awwwww…. “
Teka, ano bang nangyari kagabi? Wala akong maalala. -_-“
Kinusot-kusot ko yung mata ko nang may bigla akong naamoy..
Parang….. sunog na ewan na pagkain?
*Sniff* *Sniff*
Nag punta ako sa kusina habang hawak ung ulo ko. Dun kasi galing ung amoy sunog eh.
“Lyssa?”
“GOODMORNING SUNSHINE!” Bati niya sa ‘kin habang may hawak na sandok.
“A-anong ginagawa mo dito?”
“Sure akong may hang-over ka kaya naman…” Tumalikod siya sa ‘kin at tumingin sa kalan. Yun yata ung sunog eh! “Pinagluluto kita.”
Pumunta ako sa kitchen counter at umupo sa isa sa mga high-stool.
“Okay ka lang ba diyan?” Tanong ko sa kanya, “Gusto mo ako na magtuloy?”
Sinagot niya ako habang nakatingin parin sa kalan, “No, no, I’m okay. Kaya ko na ‘to.”
“Eh…. Parang nasusunog na yan eh.”
“Ah, eh, slight lang naman.” Then she laughed sheepishly.
Napangiti na lang ako. Alam ko namang di siya sana’y sa mga ganyang bagay kasi ibang tao ang gumagawa niyan para sa kanya. Nakakatuwang isipin na gumising siya ng maaga para lang gawin ‘to para sa ‘kin.
Kumuha ako ng mug. Ito yung Sponge Bob mug na binili namin nung una kaming nagpunta sa mall ni Lyssa, kung ‘san nakita ko sila Mich and Matt. ^_^
“Sis, thanks ah.” Sabi ko sa kanya habang nagluluto siya at nagtitimpla naman ako ng kape ko.
Napatingin siya sa ‘kin at ngumiti. “Ano ka ba, wala ‘to, I’m happy doing this.”
“’Nga pala, ano ba nangyari kagabi?” Tanong ko, pumipintig parin ung ulo ko. >.<
Inilipat na niya ung bacon sa isang pinggan kasama ng hotdogs at nilagay ‘to sa kitchen countertop. “Wala kang maalala?”
Umiling ako. “Pero alam mo ang weird. Nakasama ko daw si Santa kagabi.”
“Lasing ka nga. June palang po ngayon. Malayo pa ang pasko.” Sabi ni Lyssa sabay tawa.
“Hmm. Baka panaginip lang. Kiniss ko pa nga daw siya eh.”
“Si Michael may kasalanan. Pinainom niya sayo ung drink niya na may alcohol.” Paliwanag niya pagka-upo niya sa kaharap kong stool sa kabilang side ng counter.
“Akala ko talaga juice lang un. Ni hindi ko nalasahan ung alak.” Hinipan ko ung kape ko kasi ang init. “Eh, pano naman ako nakauwi?”
Ngumiti si Lyssa sa tanong ko. “Hinatid tayo ni Kelvin. Binuhat ka niya.”
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.