Isabella's POV
"Anak, mag-iingat ka dun ah. Wag mong pababayaan ang sarili mo." Paalala sakin ni tatay habang papalabas kami ng pintuan ng bahay.
"Opo 'tay. Malaki naman na po ako, kaya ko na pong alagaan ang sarili ko." sabi ko naman para di na siya mag-alala.
"Hay, parang kelan lang eh wala ka pang ngipin. Ngayon ang laki mo na at kaya mo nang malayo sa tatay mo ." sabi niya with matching punas pa ng imaginary luha.
Natawa nalang ako. "Tay naman. Wag na po kayong mag-emote. Hindi naman po ako pupunta ng ibang bansa at lalong 'di rin po ako ikakasal. Mag-aaral lang po ako sa Maynila."
"Pero kahit na anak. Mamimiss ko ang nag-iisang prinsesa ko." Sabi ni tatay sabay yakap sakin.
Aww.. Ang drama talaga nitong tatay ko kaya mahal ko 'to eh.
"Mamimiss ko rin po kayo 'tay." Mamimiss ko din 'tong bahay namin. Apat na taon din akong mawawala dito.
Kung maitatanong 'nyo, di naman kami mayaman. Sapat lang ang maliit na garden ni tatay ng prutas at gulay para mabuhay kaming dalawa sa araw-araw. Dalawa nalang kami sa buhay kasi namatay si nanay nung mga 7 years old palang ako.
Kung hindi dahil sa matalik na kaibigan ni tatay na isang business man ay di ako makakapag-aral.
"Miss Isabella, handa na po ang sasakyan." isang middle-aged na lalaking naka-black tuxedo ang nagsalita mula sa tabi ng isang--- ohmigosh---- limo!
Dahil sa ka-dramahan namin ni tatay eh nakalimutan ko na si Manong Henry, ang driver ng limo ni Sir Erick. Si Sir Erick naman ang sinasabi kong napakabait na best friend ni tatay. Siya ang nagpa-aral sakin sa private school simula kindergarten hanggang ngayong mag-kacollege na ko.
"Sige na anak, tumuloy na kayo at baka gabihin kayo sa daan." Onga pala. Malayo-layong byahe din mula dito samin sa Baguio hanggang Maynila.
Sinimulan ko nang buhatin ung bagahe ko pero pinigilan ako ni Manong Henry at sinabing siya na daw magbubuhat. Hindi ako pumayag nung una pero mapilit eh.
"Tay, alagaan 'nyo pong mabuti ang sarili nyo huh. Kumain po kayo at matulog sa tamang oras." Paalala ko kasi medyo may pagka pasaway din 'tong si tatay.
Hinawakan naman ni tatay ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Opo, di ko po iyon kalilimutan."
"Tatay talaga."
"Ay, Teka lang 'nak. May nakalimutan akong ibigay sayo." Biglang sabi ni tatay at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.
Hmm. Anu naman kaya ung ibibigay ni tatay sakin??
"O anak, eto na." iniabot saki ni tatay ung box ko.
Bakit kaya gusto 'tong ipadala sakin ni tatay? Etong box na 'to ay nasa akin na magmula pa lang bata ako at masasabi kong kakaiba siya. Hindi match ung bigat niya sa talagang laman nito. I mean, bukod sa family picture namin, puting panyo na bigay sakin ni nanay at isang puzzle piece na hindi ko alam kung saan galing (basta sabi sakin ni tatay ay nakuha ko daw 'to nung bata palang ako at baka nakalimutan ko lang kung saan galing.) ay wala na 'tong ibang laman. Kaya nakakapagtaka ung bigat niya na parang madami siyang laman kahit konti lang.
"Ingatan mo ang kahong 'yan anak. Malalaman mo ang tunay na halaga niyan pagdating ng tamang panahon." Seryosong sabi ni tatay.
Ano kaya yon? Tamang panahon??Ay teka! Di kaya Pandora's Box to!? Hmm. Pero parang hindi naman. Dapat siguro hintayin ko nalang ung panahon na yon.
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomansaNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.