.Chapter 5.

148 4 2
                                    

Ikot.

Ikot. 

Paikot-ikot ako sa kama. Di ako makatulog!

"Ugh. Nubato?!" Umupo ako at ginulo ko ung buhok ko. Pagod ako pero di naman ako makatulog.  

Tatayo sana ako ng biglang mag-ring yung phone ko. 

"Hello. Sino 'to?"

"SIIIISSS!!!!" Aw! Buti nailayo ko agad sa tenga ko ung phone. 

"Lyssa, gabe na sumisigaw ka pa."

Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya. "Sorry, Namiss kasi kita eh!" 

"Sira ka talaga. Ay nga pala may kukwento ako sayo."

"Cool. Spill it sis."

Tapos kinuwento ko sa kanya ung nangyari sa 'kin buong maghapon kaya ayun nagtititili kasi nakakakilig daw.

"Duh. Anong nakakakilig dun?" 

"Like hello Bells! Two cute guys in a day? You are lucky."

"Anong swerte dun?"

"Pano ba naman ung dalawa sa mga crush ko eh absent. Tapos ikaw nakakita naman ng dalawang gwapo. Diba ang swerte mo?"

"Baliw ka talaga."

"Hay nakoooo... Sana mag Monday na para sabay na tayong makapasok ng school."

Napangiti naman ako. "Onga eh. Medyo excited na rin akong pumasok ehh." Makikita ko na ng personal si Sir Erick. 

"Sige na, matulog ka na. May pasok ka bukas diba?"

"Yup. Sige kita nalang bukas. Mwa!" Then we hanged up. 

After ng chikahan namin ni Lyssa ay inantok na rin ako. 

♫ ♫ ♫

"haaayyy..." Nalibot ko na yata lahat ng channel pero wala naman ako sa sarili para manood.

1pm na. Kaninang umaga nandito si Lyssa pero kelangan din niyang umalis para pumasok.

Unti-unti ko nang nararamdaman... "Ugh. Boredom."

Ayoko kasi ng wala akong ginagawa eh. Nung nasa Baguio pa ko wala akong 'dull' moments. Kapag tapos na ko sa gawaing bahay, sa assignments o sa garden eh nasa strawberry farm ako ng kapitbahay namin. Close kasi kami nun kaya pwede akong tumambay dun.

Palipat-lipat parin ako ng channel. Bored na talaga ako. Labas nalang kaya ako? Pero pano kung may mangyari ulit sa 'kin katulad kahapon?

... Wala naman siguro..

♫ ♫ ♫

Medyo mainit ngayon pero ok na 'to kaysa amagin ako sa sobrang boredom.  

Magwiwindow shopping nalang ako. Walang gastos tapos malamig pa kasi AC sa mall. Hehe.  

I have a feeling na magiging maganda ang araw ko ngayon.

"KYAAAHHH!!! TULONG---" I suddenly heard a muffled scream.

...Mukhang hindi magiging maganda ang araw ko ngayon..

Dahan-dahan akong pumunta sa isang maliit na eskinita. Parang dun kasi galing ung sigaw. 

SHOOT.   Ano nanamang eksena 'to? Holdapan naman ngayon?

Tumingin-tingin ako sa palagid. Masama 'to. Bakit ba ako lang ang tao dito?  

Arg. No choice na ko. Kelangan kong tulungan ung babaeng hinoholdap nung mukhang alien na yun or else habambuhay 'tong dadalhin ng konsensya ko. 

Nakakita ako ng lata tapos sinipa ko yun sa ulo nung holdaper ung tipong mala-detective conan style. Hehe. 8-). "Bulls eye!"

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon