Chapter 33: Jigsaw Puzzle

64 1 2
                                    

Chapter 33: Jigsaw Puzzle

Isabella

“Lyssa, mauna ka na sa classroom,” sabi ko kay Lyssa. “May nakalimutan lang ako sa locker ko.

“’Kay, bilisan mo, ah,” sagot naman niya.

Nagsimula na akong maglakad at paliko na sana sa isang hall way nang may marinig akong iyak at daing ng boses ng isang babae.

“Tama na…please..” sabi nung boses.

Agad akong na-alarma nang marinig ang tila nanghihinang boses na iyon.

“B*tch please, kulang pa yan sa ginawa mong pagtapon ng juice sa blouse ko,” sagot naman ng isa pang boses ng babae.

“Hi-hindi ko na-naman sinasadya…” mahinang sabi nung unang boses.

Tumingin ako sa paligid at sinubukang hanapin ang pinagmumulan nung boses. Sa kahahanap ko ay napunta ako sa tapat ng isang utility room.

Nang mahawakan ko ang doorknob ay nakarinig ako ng isang malakas na daing. Nadagdagan yung kaba ko.

“Yan ang bagay sayo, you ugly creature!”

Hindi na ako nakatiis pa at tuluyan ko nang binuksan yung pintuan. Tumambad sa ‘kin ang dalawang babaeng nakatayo habang ang isa sa kanila ay nakaapak ang isang paa sa tiyan ng isang babaeng nakahandusay sa sahig.

Bumakas ang gulat sa mukha ng dalawang babae nang makita nila ako pero agad din itong napalitan ng masamang tingin sa ‘kin.

“What do you want?” mataray na tanong sa ‘kin nung isang babae.

“Tigilan niyo siya,” walang emosyong sabi ko. Hindi ko akalain na madami palang bully sa school na ito. 

“Eh pano kung ayaw namin?” nang-aasar na tanong nung babaeng hanggang ngayon ay nakaapak parin sa tiyan nung isa.

“Humanda na kayong makick-out,” sagot ko naman. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko na sagutin ang mga babaeng ‘to na alam ko namang mas mayaman at ma-impluwensya kaysa sa ‘kin. Pero ang alam ko ay hindi ko kayang makita na pinahihirapan nila ang iba dahil lang sa gusto nila.

Nahalata ko ang takot sa mata nung dalawa pero mas nangibabaw parin ang katarayan nila.

“May araw ka ring pakielamera ka,” pagbabanta sa ‘kin nung isa bago sila tuluyang umalis.

Agad kong dinaluhan yung babaeng nakahiga sa sahig. Ayon sa bar pin niya fourth year tourism student siya. Lumuhod ako sa tabi ng tila walang malay na niyang katawan. Mukhang malala ang tama niya. May cut ang labi niya, may pasa sa pisngi, basag ang suot niyang makapal na salamin at basa siya—mukhang binuhusan ng tubig.

“Miss,” tawag ko sa kanya para alamin kung may malay pa.

Ungol lang ang tanging naisagot niya sa ‘kin bago bahagyang iminulat ang mata.

Hinawi ko ang makapal niyang buhok na nakatabing sa mukha niya. “Kaya mo bang tumayo o tatawag ako ng tulong para madala ka sa clinic?”

“Ka-kaya ko…” sinubukan niyang tumayo pero hirap siya kaya naman inalalayan ko siya. “Salamat sa tulong mo.”

“Hindi naman kasi tama ang ginawa nila,” sabi ko. Inakbay ko ang isang braso niya sa balikat ko at inakay siya palabas ng utility room. Pasalamat talaga ang dalawang babaeng yun at nakapagpigil pa ako na balian sila ng buto.

“Wala naman akong magagawa dahil ang mga tulad ko ang hilig nilang pagtripan,” sabi niya sa mahinang tinig.

“Kaya nga ba ayaw ko sa mga mayayamang tulad nila,” wala sa loob na sabi ko nang ma-realize ko na mayaman ang lahat ng nag-aaral dito kaya malamang na mayaman din ang kausap ko ngayon. “Hi-hindi ko naman sinasabi na lahat ng mayaman masama… No offense meant, miss.”

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon