.CHAPTER 9.
MIGUEL’S POV
“It’s funny that we’re all actually pertaining to only one girl.” Said Kelvin as he leaned against the back of his seat.
Nasa classroom na kami ngayon after nung chaos kanina. Tss. Until now di parin ako maka-move on.
“Yeah right.” Matipid kong sagot sa kanya.
BSBA ang kinuha naming course ni Kelvin. Architecture naman kila Matt and Mich, ayaw maghiwalay eh. While Nathan is taking up Engineering, Julian have BSA as his course. Tapang eh, Accountancy pa nais. Hehe. Actually ang alam ko magiging classmate niya si Lyssa. Ngayong college lang kami nagkahiwa-hiwalay ng classrooms.
“Di kaya modus operandi yun?” Bigla kong naitanong kay Kelvs. Tambay mode pa kami. Wala pa kasi ung prof eh.
He gave me a confused look. “What do you mean?”
“Baka may balak siya sa ‘ting anim. Imagine, nakilala niya tayong lahat ng isa-isa.” Paliwanag ko sa kanya. Naku, baka mamaya niyan fangirl pala siya. Tsk. I shuddered at the thought.
“You’re crazy ‘bro.” Then he laughed at me and said, “Una sa lahat, she met each one of us in a very peculiar way. Second, she doesn’t even know us---“
I cut him off. “Eh paano kung nagpapanggap lang siya at ni-research na pala niya tayong lahat.”
“Paranoid much?” He shook his head in disbelief but continued nonetheless. “And last but not the least, ikaw ang unang nakakita sa kanya at hindi siya. Ikaw din ang unang lumapit sa kanya AT…” He even emphasized the word “at”.
“IKAW ang HUMALIK sa kanya.” He finished.
Parang nabagsakan ako ng solid brick sa sinabi niya. OO NGA NAMAN. Wag kang t*anga Migz.
“Sheesh! Taenaman oh.” Ginulo ko ung buhok out of frustration.
“Can’t get her out of your mind?” Kelvin asked me with a smirk.
“Shut up.” Yan lang ang nasabi ko.
Bakit nga ba iniisip ko ung babaeng yun? Dahil ba sa nakokonsensya ako sa ginawa ko?
ISABELLA’S POV
“Lyssa, bakit ba sila tingin ng tingin?” Tanong ko kay Lyssa na nakaupo sa tabi ko habang di ako mapakali sa kinauupuan ko. Ung mga classmates kasi namin tingin ng tinigin sa direksyon namin. Nakakailang.
“’Coz you’re a new face.” She answered me with a sweet smile.
“Di ko alam na dito ka din pala pumapasok.” Sabi nung tao sa right side ko na nasa tabi ng bintana. Si Lyssa kasi nasa left side ko. So, nasa gitna nila akong dalawa.
“Ikaw rin.” I said as I smiled awkwardly. “Sorry ulit sa nangyari Julian ah.” Yes, siya si Julian Alvarez. Ang napagkamalan kong holdaper.
“Just forget about it.” He said as he flashed me a toothy grin.
“I didn’t know na friends kayo ni Lyssa. What a small world.” Sabi niya ulit.
Yeah. Sobrang liit at nakita ko pa ung lalaking yun. Grr! You know, the Impakto.
“Grabe sis ahh. I have no freakin’ idea na ung mga kinukwento mong guys ay members ng The Strums.” Said Lyssa in her high-pitched voice.
“Ha?” Nagtataka akong tumingin sa kanya. “Anong The… The---what?”
“The Strums. Di mo talaga kami kilala?” Tanong ni Julian na parang di talaga makapaniwala.
“Tell me, wala bang TV sa Baguio? Ha, Bella?” Tanong naman ni Lyssa.
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.