.Chapter 26.

86 2 2
                                    

.Chapter 26. 

Isabella’s POV

 

Seven thousand eight….

Seven thousand nine…..

Seven thousand ten!

Hay. Kulang parin. Ten thousand ang pang-down. Kulang parin ung naipon ko. Haaayyy, after all ilang araw palang din naman ako dun. Pero paano na ‘to? Malapit na yung operation….

Ginulo-gulo ko ung buhok ko. Argh. Di ko na alam gagawin ko, idagdag mo pa yung asungot na parang si detective conan kung makapag-imbestiga.

Binalik ko na uli ung pera sa envelope at kinuha na ung mga libro ko para sa mga susunod na subject. Pagkasara ko ng locker ko ay isang silver bracelet ang bumungad sa ‘kin.

Huh?  ( ?_?)

“Hi.”

“H-hi?” ayos. Nabulol pa ko.

“Give me your hand,” sabi niya habang naka-ngiti. For what? For marriage!? Bata pa tayo uy! Haha! Nababaliw na ata ako.

Napa-“huh” nalang ako sa pagtataka pero iniabot ko naman sa kanya ung kanang kamay ko.

“There you go,” nakangiti  siya habang nakatingin sa silver bracelet na isinuot niya sa kamay ko.

Matapos kong ipunin ung nagkalat kong utak ay tinanong ko siya, “Pa-para ‘san naman ‘to Kelvin?”

Sa di ko malamang dahilan ay natawa siya, “Di ba pwedeng “thank you Kelvin” nalang?”

(  >///<)

“Salamat, pero bakit? Hindi ko naman birthday eh…” nahihiyang sabi ko habang nakatingin sa bracelet.

Ang ganda niya. May mga silver charms na nakasabit: gitara, icecream na nasa cone, heart, key, music note at g-clef.

“Kelangan bang pag birthday lang nagbibigay ng gift?” tanong niya habang nakangiti ng ngiti na nakakapagpatulala sa ‘kin. “Nakita ko kasi ‘yang bracelet nung isang araw tapos walang katulad na design kaya binili ko na.”

Hala ka. Binigyan lang ako ng bracelet nagtatatalon na ‘tong puso ko. Grabe. Iba na ata ‘to.

“Thank you…..” yan lang ang tanging nasabi ko. How lame.

Ngumiti ulit siya, “Ang gulo naman ng buhok mo.” Kaya ayun, inayos niya ung buhok ko. Buti nalang ginulo ko kanina. Wahahaha!  (^0^)v

Natulala na ata ako sa kanya hanggang sa maayos niya ung buhok ko.

“Ingatan mo yan ahh.”

Napa-tango nalang ako.

Natawa nanaman siya sa di ko malamang dahilan. “See you later.”

“Sige…” Hay. Magtino ka nga diyan Isabella!

Naglakad na siya paalis at paliko na sana sa isang corner nang humarap ulit siya sa ‘kin.

“Actually ikaw una kong naisip nung nakita ko yan,” tapos nawala na siya.

Ano dawwwwww????

Di ngaaaaaaa???

♫ ♫ ♫

“Hayyy…” 

“Pang-ilang “hayyy” mo na yan sa araw na ‘to ahh,” sabi ni Julian habang nagliligpit na ng gamit niya. Kakatapos lang kasi ng klase namin at uwian na.

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon