.Chapter 32.
Isabella
“Sis, wala ka ba talagang balak na magsabi kay Migz?” tanong sa ‘kin ni Lyssa habang sinusuklay niya yung buhok ko. Maaga palang ay nagpunta na siya sa unit ko para tulungan akong mag-ayos na para bang siya ang nanay ko na mas excited pa sa ‘kin dahil may “date” ako.
“Bakit naman kailangang ako pa? Ikaw nalang magsabi, magkikita naman kayo mamaya sa café, diba?” tanong ko sa kanya. Hindi ko naman talaga kailangang magpaalam sa kanya kasi, technically, hindi naman kami. Nagpapanggap lang kami, diba?
“Eh kasi, ano, baka….” Yung itsura ni Lyssa ay parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
“Eh kasi?” tanong ko habang tinitignan ko siya sa salamin. “Isang bagay pa nga pala, hindi kami magde-date ni Kelvin, okay?”
“Wala, never mind. Sige ako na magsasabi,” then she gave a sly smile. “Oh, come on? If it’s not a date, then what?”
“Ano…uh…kasi…” nakita kong lalong lumapad yung ngiti niya. “Si Ate Kris! Tama, gusto niya akong makita.”
“If I know, dinadahilan lang nung lalaking yun yung ate niya,” sabi niya.
“Wala siyang dahilan para gawin yun,” sagot ko naman.
“Mula palang mga bata kami kilala ko na ‘yang si Kelvs at ang mga barkada niya. Pare-parehas ang…ang—ano nga uli yung term na ginagamit ni Mommy?” tanong niya sa sarili niya sabay hinto para mag-isip. “Ah! Halaw ng mga bituka!”
Natawa ako sa huling sinabi niya. “Ano?”
“Pare-parehas ang halaw ng mga bituka ng mga iyan pagdating sa pagdiskarte sa babae,” pagpapatuloy niya habang sinusuklay parin ang buhok ko. “Kaya ikaw, mag-iingat ka, okay?”
“Bakit naman?” natatawang tanong ko. “Mababait naman sila, ah.”
“Tsk, Tsk. Masyado ka talagang inosente,” sabi niya na para bang sarili niya ang kausap niya. “Di bale, ako na ang bahala sayo. Gugulpihin ko—ay hindi sayang ang nail polish ko, ipapagulpi ko nalang ang magpapaiyak sayo, okay ba yun?”
Napailing nalang ako ng marahan at napangiti. “Baliw ka talaga.”
Maya-maya pa ay tumunog ang doorbell.
“Ako na,” sabi ko sabay tayo. Pagkabukas ko ng pinto ay gwapong mukha ni Kelvin yung bumungad sa ‘kin.
“Wow, gwapo natin Kelvs ah,” sabi ni Lyssa na nakatayo na pala sa likod ko.
Ngumiti naman si Kelvin. “Hindi ka pa rin ba nasasanay hanggang ngayon, Lyssa?”
“Kita mo nga naman, may tinatago rin palang kayabangan ‘tong isang ‘to,” sabi ni Lyssa sa ‘kin habang tinatapik-tapik sa balikat si Kelvin. “Bastedin mo kaagad ‘to, ah?”
“Ewan ko sa inyo,” natatawang sabi ko sabay talikod. “Kukunin ko lang yung bag ko.”
“Hey! I was just joking!” narinig kong protesta ni Kelvin.
Matapos kong kunin yung shoulder bag ko ay lumabas na ako. Syempre hindi ako paalisin ni Lyssa hangga’t walang hug and kiss.
“Ingatan mo ‘yang bestfriend ko, Kelvin!” sabi ni Lyssa habang nakatayo sa pintuan ng unit.
“No need to ask me,” sagot naman niya kay Lyssa ng nakangiti.
Seven o’clock kami umalis para di daw ma-traffic at saka para narin makarating kami ng maaga since medyo malayo yung Tagatay. At dahil nga ang aga namin umalis ay nakatulugan ko yung buong byahe.

BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.