"Aww... Gutom na ko.." Tch. Kelangan makakain muna ko bago ko umuwi kasi sure akong matatagalan ako bago ko makauwi, after all di pa naman ako sana'y dito ehh.
Tama. Oppurtunity na 'to para ma-familiarize ko ang sarili ko sa lugar. Ayos pala dito eh, kumpleto talaga. Ung library kasi ay nasa area kung 'san makikita mo na lahat. Like ung mga kainan, mga stores, malls, may church din at syempre ung malaking library na un. Sabi sa 'kin ni Nathan ay di naman daw masyadong kalayuan dito ung condo.
Matapos kong maglibot-libot ay sa Jollibee ako kumain. After kong kumain ay nag-stop over muna ko para bumili ng vanilla sundae. Haaayyy.... Ang sarap ng buhay kapag lagi kang may pera sa bulsa.
Minsan nga naiisip ko, pano kaya kung mayaman ako? Siguro ang ganda at ang sarap ng buhay ko. Pero hindi naman nagtatagal ang mga ganitong eksena sa isip ko. Imbes na mag-daydream ako eh nag-iisip nalang ako nga mga paraan kung paano yumaman. MWUAAAHAHAHA!!!! Just kidding!
Actually, kung ako ang papipiliin mas gugustuhin kong---
WHOA. Bakit ang daming tao dun? Nagkakagulo sila at mostly ay mga babae.
Syempre ako naman ay nakiusyoso na. Nye. Wala naman akong makita sa dami ng tao pero rinig ko ung sinasabi nung ibang high school students.
"OMG! Nasan na siya?!"
"Nandito lang siya kanina ehh!"
"Di pa ko nakapagpapirma eh!"
"Gusto kong magpapicture kasama siya!"
"Hanapin nalang muna natin siya kaysa reklamo kayo ng reklamo diyan."
"Yah right. I think he's wearing a black hoodie."
Ay. Sabi na eh. May artista nga. Teka, anong oras na ba?
Shoot! 4pm na! Lagot na pag-ginabi ako sa pag-uwi. Tch.
Aalis na sana ako ng biglang dumagsa ung mga tao. Halos puro HS students na babae at lalaki. Tapos may mga middle-aged din. Sobrang sikat naman yata nun kung sino siya. Hmp.
"A-aray! Teka lang!" Watda-- Naipit na ko dito tapos sumabit pa sa kung ano ung dala kong maliit na bag pack. Di ko na tinignan kasi sobrang sikip eh.
"UGH!" Wew! Nakaalis din! Nubayun!
Naupo muna ako sa isang bench. Hinihingal pa kaya ako.
After ng ilang minutes ay naglakad-lakad na ko at napansin ko na paunti na ng paunti ung mga tao. Malamang, eh malapit na mag-gabi ehh. Hmm.
OK. Where were we? Ayun, sabi ko nga kung ako ang papipiliin eh mas pipiliin ko nang maging simple lang buhay ko. Un bang walang malaking halaga ng pera na pwedeng makapagpahamak sa 'kin. Alam niyo naman, sa panahon ngayon maraming naglipanang holdapers, kidnappers, robbers, snatchers, at lahat ng may -ERS.
Para sa 'kin mas ok na ung low profile lang. At least pag ganun eh maliit ang chance na pagdiskitahan ka ng mga masasamang nilalang na mukhang alien.
Tinignan ko ung map na bigay ni Nathan. Mukhang malapit na ko. YES!
Lakad.
Lakad.
Hinto.
Limingon ako sa likod at nakita kong kaunti nalang ung mga kasabay kong naglalakad.
Lakad.
Lakad.
Hinto.
P-parang may sumusunod sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.