.Chapter 27.

85 2 1
                                        

.Chapter 27.

Migz’ POV

“Shoot!” napatingin ako sa direksyon nila Vanilla Girl nang marinig ko siyang sumigaw.

“Bakit, sis?” tanong sa kanya ni Lyssa habang nagmamadali niyang kinuha yung backpack niya.

“Kelangan ko nang umalis. Late na ako! Kita nalang sa school!” sagot naman niya. Sa sobrang pagmamadali niya kamuntik pa siyang mapatid sa isang table. Tsk. Sayang, di pa natuloy.

Nagpahabol pa ng tanong si Lyssa pero di na nasagot ni Vanilla Girl, o hindi lang talaga sinagot, kasi halos nasa labas na siya ng pinto.

“Okay,” I said as we all stare at the door. “What was that?”

Kelvin just shrugged at me. Bakit ganun makapagmadali yung isang yun? I begun musing as I stare at my red cocktail. Then, as if something clicked in my head, I decided to follow her.

“Kelv, start without me,” sabi ko kay Kelvin pagtayo ko. Then I turned to Nathan, “Bro, you’re on vocals tonight.”

Nathan must’ve been surprised so he asked me, “Teka, bakit biglaan ata?”

“Basta, may kelangan lang akong gawin,” sagot ko tapos umalis na agad ako ng café.

Pagkalabas ko tumingin agad ako sa paligid at nakita ko siyang sumakay sa jeep.

Jeep, huh. Kelan pa siya natuto?

Bago pa man mawala sa paningin ko yung jeep ay sumakay na agad ako sa sasakyan ko at sinundan ko yon.

Habang nagda-drive ay napaisip ako. Bakit ko nga ba siya sinusundan? Nasisiraan na ata ako. Napatunayan ko naman nung isang gabi na hindi siya yung vocalist ng Crimson Sky, diba? So, why am I still doing this?

Napa-iling ako. Hindi ko din kasi alam kung bakit ko ‘to ginagawa, I mean, I just suddenly have this gut feeling that I know I wouldn’t get rid off that easily.

Maya-maya lang huminto yung jeep at nakita ko siyang bumaba. Tumakbo siya agad at lumiko sa isang street.  Pagka-alis nung jeep ay nag-park ako dun sa mismong kanto na nilikuan ni Vanilla Girl. Nawala na siya kaya malamang pumasok siya sa kung saan.

“She must be here somewhere,” I said to myself. Habang nakatayo ako sa tabi ng sasakyan ko at nakatingin sa paligid na-realize kong alam ko yung lugar. Yeah, this is the same street where Baroque Café can be found.

It seemed like something is pulling me towards the said café kaya naman pumasok ako doon without even knowing what I would find there.

As usual, naka-set na lahat ng instrument sa stage at pati halos lahat ng members ng Crimson Sky ay mukhang ready na din. Yung vocalist nalang yung hinihintay nila.

Umupo ako sa table na lagi kong inuupuan, and weird as it is, I also started waiting. Waiting for what? I don’t even know.

Dapat hinahanap ko si Vanilla Girl ngayon. Bakit nga ba ako nakaupo dito? Bakit nga ba hinihintay kong lumabas yung masked vocalist na yun?

After a couple of minutes umakyat na din ng stage yung vocalist. She still wears her infamous red and black mask. There’s nothing new to her, actually, she’s the same vocalist from that very first day. The only difference now is that I know her real identity. It’s kinda weird that I’m not that surprised. It’s like I knew it all along but refused to accept it.

♫ ♫ ♫

After their whole performance I decided to wait by the backdoor. Kailangan kong malaman kung bakit niya ‘to ginagawa.

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon