.CHAPTER 10.
Tumingin ako sa paligid ko at na-realize ko na nasa loob na ko ng President’s office.
OH GOODNESS.
Nag-sink in na sa ‘kin na ito na ang oras kung san makikita ko na ng personal si Sir Erick.
Kinakabahan ako. Ugh.
Napansin ko na may lalaking nakaupo sa likod nung table. Nakatalikod siya sa ‘kin. Siya na siguro si Sir Erick. >.<
Kaya mo yan Bells! Go!
“G-good after noon p-po, Sir Erick.” Tsk. Pati dila ko kinakabahan.
Inikot niya ung swiveling chair niya paharap sa ‘kin. “Oh, nandiyan ka na pala Isabella.”
“K-kamusta po?”
He smiled at me. “Maupo ka muna.”
Naglakad ako at umupo sa upuan na nasa tabi ng table niya.
“Don’t be nervous my dear.” Sabi niya sabay tawa ng kaunti.
“Pasensya na po. Ngayon ko lang po kasi kayo makikita at makakausap ng personal matapos ang maraming taon.”
Sa estimation ko, siguro nasa mid-forties narin ‘tong si Sir Erick. Pero infairness ahh, ang gwapo parin niya. Hehe. Well, gwapo din naman si Tatay ko. ^.^
Ngumiti ulit siya. “So, how’s your stay here in Manila so far?”
“Ayos naman po,” Umm, well, kung hindi isasama ung ginawa nung impaktong yun ay ayos naman. “Medyo miss ko lang po si tatay. Pero masaya naman po.”
“That’s good to hear.”
“Di naman po ako pinababayaan ni Lyssa.” I said with a smile.
“Mabuti naman. Siya nga pala, gusto ko sanang makilala mo ang anak ko.” He said as he rested his chin on his palm.
“Ayos lang po, Sir Erick.” Hmm. Sino kaya yun? Sigurado mabait din yun kasi mabait ‘to si Sir Erick eh.
“I’m sure parating na siya, maya-maya lang. Sigurado akong magkakasundo kayo.”
“Sigurado po akong mabait din ang anak niyo tulad niyo Sir Erick.”
Nag-smile naman siya sa ‘kin saka nagsalita. “Iha, I have a favor.”
“Sure, kahit ano po Sir.”
“Tito nalang ang itawag mo sa ‘kin.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“P-pero po?”
“No buts my dear. Para na ring anak ang turing ko sayo. Mamili ka, tatawagin mo akong Tito o Daddy?” He said with a smile.
Natawa naman ako. “Sige po. Tito Erick.”
“Ayan. Much better.” Tapos tumawa siya. Para siyang si tatay tumawa. Ayan, namiss ko nanaman tuloy si tatay.
“Umm, Sir—este Tito Erick. Gusto ko po sanang magpasalamat sa LAHAT-LAHAT ng tulong na ibinibigay niyo po sa akin. Sa sobrang dami niyo na pong naitulong sa ‘kin, di ko na po alam kung paano makakabayad sa inyo.”
“Oh no, no.” He said as he waved his hand at me. “Actually, walang wala pa yan sa naitulong sa akin ng ama mo at ng pamilya niya.”
“P-po? Ano pong naitulong sa inyo ni Tatay?” I mean, anong tulong naman ang maibibigay ni Tatay sa kanya? Di naman kami ganoon kayaman.
“Hah? Teka, what did I just say?” Tapos tumawa siya. “Oh, nevermind me, tumatanda na talaga ako.”
Hah? Owww….keyyy, that was weird. Anong tulong ba yun?
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.