Chapter 20
Isabella’s POV
( -___-“)
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa bumagyo ng ganito?
Masama ‘to. Sobrang sama talaga. Kapag nagpatuloy ‘to malalaman na nung impakto ang gusto niyang malaman.
“Room for two please.” Said Migz in an authoritative business-like voice dun sa receptionist ng hotel kung saan kami magpapalipas ng gabi dahil sa malakas na bagyo. Ang saya. Yehey….
Maganda ung hotel at maliwanag. Alam kong sikat ‘to kasi minsan nakikita ko ang pangalan nito sa mga dyaryo. The setting is welcoming and warm pero di parin nito naalis ung matinding takot na nararamdaman ko ngayon.
Takot na nararamdaman ko lang tuwing ganito ang panahon.
“I-im sorry s-sir.” Kinakabahang sagot nung babae. O kinikilig? Baka nakikilala niya ‘tong impakto na ‘to kasi din na siya naka-shades and naka-cap kasi nga suot ko na ‘to. “We’re almost fully booked. W-we only have one room left.”
Napabuntong-hininga si Migz at tinignan ung receptionist. “Are you sure? Can you check it again?”
Namula naman ung babae. I fought the urge to roll my eyes. Is this girl for real? Ano bang meron sa impaktong Migz na ‘to? Kahit natatakot ako sa mga oras na ‘to eh nakukuha ko paring madismaya.
“I’m re-really sorry sir. Marami po kasing nakacheck-in ngayon dahil sa malakas na bagyo. Maraming na stranded.” Paliwanag nung babae. “But the room is big enough…..” Then the woman behind the counter eyed me skeptically. “….For the two of you.”
He sighed again, annoyed. Then he looked at me. “You okay with that?”
Bumuntong-hininga din ako. Ano pa nga bang magagawa? Iisa nalang ang kwarto at malakas ang bagyo. Kelangan kong magtiis ng isang gabi kasama ‘tong lalaking ‘to sa iisang kwarto. Kaiinis. We’re stuck with each other and it sucks. Inis parin naman ako sa isang ‘to kahit pa sabihing nag-enjoy kaming dalawa sa Star City. It doesn’t change the fact that he’s a manipulative rich bastard.
I nodded resignedly.
Well….Maybe, just maybe my irritation towards him can distrct me from my fear.
Sana nga….
♫ ♫ ♫
Pagkapasok na pagkapasok namin sa hotel room ay agad na humilata ung impakto sa kama.
“Haaayyyy…. Nakahiga din sa wakas.” Sabi niya habang nakapikit at parang ready na matulog.
Okay naman ung room. Walls are painted in white with red borders. May isang bath room, table-for-two, apricot colored couch na pang-apat na tao at queen-sized na kama.
Habang nakatingin ako sa floor-to-ceiling na glass window kung saan kitang-kita ko ung ubod ng lakas na bagyo ay may bigla akong naisip.
“’San ka matutulog?” Tanong ko.
Iniangat niya ang ulo niya mula sa pagkakahiga upang tumingin sa ‘kin.
“Obvious ba?” He said as he rolled his eyes.
Nanlaki ang mata ko at sandaling nalimutan ko ang malakas na ulan. “EH SAAN AKO MATUTULOG?!”
“Er.. I don’t mind you sleeping beside me as long as na hindi ka malikot.” He said nonchalantly, one eyebrow raised.
Tinignan ko siya na para bang biglang naka-suot siya ng pink tube cocktail dress. Gulat na may halong pandidiri.
“Baliw ka na ba?!” Sigaw ko sa kanya. “Hindi ako matutulog sa tabi mo!”
BINABASA MO ANG
Be My Princess(Hiatus)
RomanceNot all fairytales with a princess have only one prince... Sometimes, there are five... Five incredibly handsome princes.