.Chapter 15.

159 2 2
                                    

.CHAPTER 15.

Isabella’s POV

(•_•)

­Itsura ko habang naglalakad sa hallway papuntang room, kasabay si Lyssa.

Plain reaction. Poker face?

Well, normal facial expression ko yan no, para sa isang 90% normal na academy. Walang absurd at OA na pang-aapi sa isang tulad ko. The students are minding their own businesses and I’m minding my own. Hmm, maliban pala sa mga baliw na fans nung impakto. -_- Sila ung abnormal na 10%

“Hey,” Sabi nung babaeng nasalubong namin ni Lyssa. “You’re the Special Student, right?”

Special Student? Hmm. Yun siguro ang tawag nila sa mga nakapasok sa academy through scholarship.

Huminto kami sa paglalakad. “Uhm. Baka ako nga?”

Hehe. Anong klaseng sagot yan, Bella?

Ngumiti ung babae. “Well anyway, congrats ahh.” Tapos umalis na siya.

Nagkatinginan kami ni Lyssa.

“Ano daw?” Sabay naming sabi.

“May sinalihan ka bang contest?” Tanong sa ‘kin ni Lyssa.

Umiling naman ako. “Wala.”

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Something’s weird…

“Ako lang ba o ang weird ng mga tao?” Sabi ko kay Lyssa.

Nginingitian nila ako, ng mga students. Tipong…. knowing smile.

“Ano kayang meron?” Tinanong din ako ni Lyssa.

“Onga ehh.” Sagot ko naman habang nakatingin sa mga tao sa paligid.

“Uy. Congrats ahh.” Sabi ng isa pang babae na nadaanan namin.

Ano daw? Congrats? For what?

“Congratulations!” Sabay-sabay na sabi ng isang grupo ng mga babae.

“O…..kay… What was that?” Tanong ni Lyssa na nagtataka.

“Ewan ko nga rin eh. Baka naman nagkakamali lang sila.” Sagot ko naman.

Ano bang meron sa “congrats” na yun? Halos lahat ng madaanan namin ganun sinasabi. Malapit na nga kami ngayon sa room ehh. Hay.

Pagkapasok namin sa room, sinabihan din nila ako ng “congrats”.

“Congrats para saan ba?” Tinanong ko ung isa kong classmate na si Trish, pagkaupo namin ni Lyssa.

“Why?” Tanong niya sa ‘kin. “You don’t know?”

“Wala kaming alam.” Lyssa answered for me. “Kanina pa nga kami naguguluhan sa congrats na yan ehh.”

“Oo nga. Halos lahat ng tao yan sinasabi.” I said.

“Of course!” Sabat naman ng isa ko pang classmate na lalaki. “Everyone would know the news. I-post ba naman sa main bulletin board ang isang malaking tarp eh.”

Teka? Ano namang tarp yun? ?__?

“Anong tarp?” Tanong kong naguguluhan.

Tinaasan ako ng kilay ni Trish. “You….really don’t know?”

Umiling ako. “As in.”

“Come,” Tapos hinila niya ako patayo. “I’ll show you.”

Nakasunod sa ‘min si Lyssa habang hinihila ako ni Trish.

Be My Princess(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon