WBAHLG Chappie 63

592 37 5
                                    

WBAHLG Chappie 63

Nagising si Suzy nang makarinig ng putok ng baril. " Paanong.....? " puno ng pagtataka ang makikita mo sa kanyang mga mata dahil nagising nalang siya na nasa Black Pearl Academy na siya at wala sa mansion.

Sinampal-sampal niya ang sarili niya, baka sakaling magising siya ngunit wala namang nangyayari. Sa oras na yun nakita niya ang puting lobong tumatakbo papasok sa building. Nacurious naman siya bigla kung ano ang gagawin nung puting lobo dun , ngunit nagdadalawang-isip siya kung papasok ba siya dun o hindi?

Sa huli nagdesisyon siyang pumasok at hanapin ang puting lobo. Sa paghahanap niya, iba ang kanyang nakita.

O___O " Luhan?! " agad siyang lumapit kay Luhan. Nakaupo itong nakasandal sa pader at pilit iniinda ang sakit dulot ng " May tama ka ng b-baril.." halata sa boses niya ang pag-aalala dito. Sinubikan ni Luhan na tumayo.

Aalalayan sana niya ito ngunit tinulak siya ni Luhan." Lumayo ka" at naglakad ito.

Umiling-iling naman siya. ' AYOKO. KELANGAN MO ANG TULONG KO'  sinundan niya kung saan nagpunta si Luhan. Nakarinig naman siya ng sigaw, sigurado siya na kay Luhan yun. Nakita niya itong namimilipit sa sakit.

" Lu-han T_T " hindi niya kayang makitang ganyan si Luhan. Nasa clinic pala sila ng paaralan kaya agad siyang tumayo at hinanap ang gamit na kakailanganin niya. " Nasaan na ba yun......ah heto " agad niyang binalikan si Luhan. 

" Luhan, huminahon ka muna " hinawakan niya ito ngunit " Huwag mo akong hawakan! " sa pagtulak ni Luhan sa kanya, nagkalat ang mga gamit pero pursigido pa rin siya at walang balak na sumuko. Sinubukan niya ulit lumapit sa parte ng katawan ni Luhan na natamaan ng bala.

" Diba sabi ko wag " nahawakan ni Luhan ang braso niya ng sobrang higpit na halos ibaon na neto ang kuko sa balat niya. Nasasaktan siya pero ininda na lang niya, ang mahalaga magamot niya si Luhan. 

" Kung nais mo akong saktan sa gagawin ko, mamaya mo na lang gawin pagkatapos kitang gamutin " seryuso ang mukha niya. Napatingin naman si Luhan sa braso niya na hawak nito. Dugo. Inalis nito ang kamay sa braso niya. 

Sinugatan niya si Suzy sa pamamagitan ng kuko niya at umaray na naman siya sa salit dulot ng tama niya. Naramdaman niyang itinaas ni Suzy ang damit niya. Nasa tagiliran ang sugat niya at this time hindi na siya naglaban pa at hinayaan na lang si Suzy na gamutin ang sugat niya.

Napapangiwi siya ng husto sa tuwing nahahawakan ang sugat niya. " Akala ko ba ugh may isa kang salita " napansin niyang napatigil si Suzy sa ginagawa niya.

" Pasensiya na kung wala " napatigin siya sa mga mata ni Luhan. Nakapagdesisyon na siya at wala ng atrasan pa kahit na anong mangyari.

" Yung lahat ng sinabi mo nung huli tayong magkita ay kabaligtaran ng gusto ng puso ko. Ayokong umalis dahil unti-unti ko ng nagugustuhang tumira dito sa Wolf City dahil sa inyo. Hindi ko rin kayang layuan sila dahil ang totoo niyan napamahal na rin sila sa akin. Simula ng makilala ko kayo, naranasan ko ulit na magkaroon ng mga kaibigan na kahit ano pang gawin ko ay nandyan pa rin sa tabi ko at handa akong damayan. " pinahid naman niya ang luha niya. 

" A-at g-gusto kong nasa tabi mo. Gusto kitang kasama, gusto kong mapasaya ka, gusto kong alagaan ka at higit sa lahat gustong-gusto kong mahalin ka "

" Hindi kita mahal " 

" Alam ko " pinilit niyang ngumite. " Kaya nga hindi na ako susuko. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako minamahal dahil alam ko darating din ang panahon na magagawa mo rin, hindi man ngayon , malay natin baka sa mga susunod na mga araw mangyari na mahalin mo ako "

" Paano kung hindi mangyari ang gusto mo? " ngite lang ang isinagot niya kay Luhan. Ayaw niyang mag-isip ng negative, wala pa naman siyang nagagawa. " Sa huli masasaktan ka lang "

Hinawakan naman niya ang dalawang kamay ni Luhan. " Nakiki-usap ako. Hayaan mo lang akong mahalin ka, wala akong pakialam kung masaktan man ako. Masaya akong mahalin ka " natapos na rin sa pagbondage siya sa sugat ni Luhan.

Napahikab siya." Tapos na. Maari mo na akong saktan * hikab* kung gusto.......mo " pumikit siya at babagsak sana dahil sa sobrang antok ngunit hinila siya ni Luhan at napayakap siya dito.

Nagising siya sa ingay ng alarm niya. Napansin niyang nasa kwarto na siya niya. Napaisip siya kung totoo o panaginip lang ang nangyari sa kanilang dalawa ni Luhan kagabi.

Naalala naman niya yung brasong sinugatan ni Luhan dahil sa kuko nito, pero wala naman siyang nakitang sugat man lang. Siguro nga panaginip lang ang lahat ng yun.

Impossible namang mangyari na magisng siya sa gabi na nasa Black Pearl Academy siya at makitang sugatan si Luhan at magising ulit na nasa mansion na siya nila. Ang gulo lang diba?

" AAAAAAH!!!! " sigaw ni Baekhyun kaya naman nagsilabasan ang iba sa kani-kanilang kwarto. " ISANG HIMALA ! " dagdag ni Baekhyun

" It's a miracle? " si Lay na inaantok pa at nagkamot na lang ng ulo.

" Ang ano? " Chanyeol

" Ang alin kamu? " D.O

Ningunguso naman ni Baekhyun ang kusina

A/N: OK HANGGANG DITO NA LANG MUNA. MAHABA SANA ITONG CHAPPIE KASO KI-NUT KO NA LANG KASI MAY BALAK TALAGA AKONG MAG-UPDATE NG ISA KO PANG STORY NA THE HILA BRIDE. SANA BASAHIN NIYO RIN YUN HEHEHEHE PARA KASING WALANG NAGBABASA. CHOSS ^____^

ANO KAYANG MAYRUN SA KUSINA NG EXO???? AT GANUN NA LANG ANG MGA REACTION NILA??? ABANGAN AT ABANGAN RIN ANG PAGHAHARAP NG EXO AT BOYFRIEND SA BASKETBALL COURT LOL XD

WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon