WBAHLG Chappie 24

1.8K 51 11
                                    

WBAHLG Chappie 24

Naupo si Suzy sa ugat ng puno at sumandal. Nakakailang balik na rin siya sa BLACK PEARL ACADEMY, ang pangalan ng lumang school kung saan dinala siya nung matanda.

Inilabas niya ang drawing book niya. Dinrawing niya yung building, natigil lang siya nang makita ang isang pamilyar na mukha na papasok sa building.

" Luhan?" agad namang inilagay ni Suzy ang drawing book sa bag niya't tumayo para sundan si Luhan.

Nasa loob na siya ng building. Iginiya niya ang paningin niya.

" Nasaan na siya?"

First time niyang makapasok sa loob ng building. Kapag pumupunta naman kasi siya dun hanggang dun lang siya sa field at di pumapasok sa building.

Lumakad siya at hinahanap si Luhan ng may bigla siyang naapakan at--

" AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!! "

Nabitin ng patiwarik si Suzy. Di niya namalayang may lubid pala dun at natali yung dalawa niyang paa.

" Tulong!!!!! " sigaw niya baka marinig siya ni Luhan at matulungan na makawala dun.

" Anong ginagawa mo dito. " 

Hindi makita ni Suzy kung sino yung nagsalita kasi nasa likod niya ito pero sigurado siya na ang nagmamay-ari ng boses na yun ay si Luhan.

" Um...ano k-kasi....AHHHHHHHH!!! "

Bumagsak siya sa isang malambot na bagay.

Akala niya katapusan na niya kasi biglang lumuwag ang pagkakatali ng paa niya at nahulog siya.

Pero sa isang bagay ba talaga?????

O di naman kaya?????

" >/////////< S-salamat L-luhan " nauutal netong sabi.

E kasi naman sa bisig pala ni Luhan sya bumagsak.

Tiningnan naman siya ni Luhan kaya na-o-awkward tuloy siya at labis na pinamulahan.

Ibinaba naman siya ni Luhan.

" Maraming patibong na nagkalat sa lugar na to kung kaya ako sa'yo kung mahal mo pa buhay mo, umalis ka na at huwag ng babalik pa dito. "

" Gusto ko ang lugar na to! "

" Kung ayaw mong makinig bahala ka, dahil sa susunod na mabiktima ka ulet ng mga patibong dito, huwag mong asahan na tutulungan pa kita. " cold na sabi neto saka tumalikod.

Pero bago pa ito makalayo at mawala na naman sa paningin ni Suzy, nagpasalamat ulet si Suzy kay Luhan.

" Huwag kang magpasalamat, stripe " Luhan

" Stripe??? " Nagtataka naman si Suzy kung bat tinawag siyang stripe ni Luhan pero nung marealize niya kung anong stripe yung tinuukoy ni Luhan ay bigla naman siyang pinamulahan ng husto.

Hindi niya napansin kanina habang nakabitin siya patiwarik e nakataas yung palda niya kung kaya makikita yung >//////////////< panty niya na stripe ang design. Ang masama pa si Luhan pa ang nakakita.

" Nakakahiya!!! Nakakahiya ka talaga Suzy!!! " paulet-ulet nitong sabi sa sarili.

============================================================================

* FLASHBACK*

" Hoy kayo dyan!!! Lubayan niyo nga siya!! " sigaw nung batang babae sa mga batang lalaking umaaway sa bff niya.

" Sino ka para utos-utusan kami ha?! Isa ka lang namang mahinang babae " boy 1

" Ah ganun ha. "

PLAK

BOG

PEK

PAK

BLAG

BOOM

KABOOM

" T______T Waaaaah isusumbong kita sa kuya ko " sabay kumaripas ng takbo yung mga batang umaway sa bff niya.

" Mga duwag pala ang mga yun. Walang binatbat tapos sumbungero pa. "

" Ayos ka lang " tanong neto sa bff niya.

Tumango lang ito sa kanya.

" Sana di mo yung ginawa. " Bff niya

" At ano gusto mo gawin ko. Hayaan kang inaapi nung mga salbaheng yun. NO WAY! "

" E sa ginawa mo, tiyak lalo lang nila akong aasarin. Kalalaki kung tao, pinagtatanggol ako ng babae "

Binatukan naman niya yung bff niya.

" E shunga ka pala e, kung ayaw mo palang ipagtanggol kita, matuto kang ipagtanggol sarili mo dun sa mga batang umaaway sa'yo.  "

" Gwapo ka pa naman sayang nga lang masyado kang lampa " dagdag niya

" Tch. " tinalikuran siya neto.

" Hoy..bastusan lang...di ka man lang ba magpapasalamat sa akin??"

" Malamang "

" Aba'y ganyan ka na nga ngayon sa akin. Baka gusto mo magtampo ako sa'yo!! "

Hindi siya pinakinggan ng bff niya.

" Hoy Luhan!!!! "

Still wala pa rin.

" SIGE KA PAG DI KA PA HUMARAP AT LAPITAN AKO DI TALAGA AKO PAPAKASAL SAYO!!!!! " sigaw neto sa batang Luhan.

Natigil naman yung batang Luhan at natakot sa sinabi nung bff niyang babae kaya napaharap siya dito. Pero pagharap niya bigla siyang dinamba nito na naging dahilan upang matumba silang pareho.

" Aray ko naman " reklamo ni Luhan

" Sabi ko na nga ba, di mo rin ako matiis e " nakangiti ito kay Luhan.

" Oo na kaya umalis ka na. >//////< Baka may makakita sa posisyon natin at kung ano pa isipin nila. "

Nasa ilalim siya samantalang yung bff niya nakadagan sa kanya.

" Oy! Namumula siya. hehehehe. Napaghahalataang mahal na mahal mo talaga ako e "

" Tumigil ka nga! Di ah. "

Bago umalis at tumayo yung bff niya hinalikan siya neto sa noo.

" Hoy ano ba nagnanakaw ka na naman ng halik e " saway ni Luhan dito.

" Ganun din naman ako sa'yo e " then tinulungan nitong makatayo si Luhan.

" Tara na sa room, malate na tayo niyan e "

Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa classroom nila.

*End Of Flashback*

[ Luhan's POV ]

Napakumo ako ng maalala ko na naman ang nakaraan. Ayoko nang makaalala tungkol sa nakaraan. Bumabalik lang ang sakit. Kailangan ko na siyang kalimutan gaya ng paglimot niya sa pangako namin sa isa't-isa.

==========================================================================

msdreamer02:  2 UD IN 1 DAY HEHEHEHE. SENSIA KUNG ANG IIKLI LANG. HOPE U LAB IT TOO. HEHEHEHE. VOMMENT KAYO HUP :) :)

SINO KAYA YUNG BATANG BABAE SA NAKARAAN NI LUHAN AT ANO ANG PANGAKO NILA SA ISA'T-ISA????? HMMMM AT ANO NAMAN KAYA NANGYARI SA BATANG YUN AT KUNG BAT DI NA SILA MAGKASAMA NI LUHAN?????

TILL NEXT UD KO :)

WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon