WBAHLG Chappie 7
msdreamer02: Malalaman na kung sino ang may tamang sagot sa inyo kung sino yung lalaking humila kay Suzy ^_____^. Palakpakan ang nakatama!!
Dedicated nga pala to kay Do_Suji kasi love na love ko ang story niya na Our BAD but Cute Girl. Super kinikilig ako sa story na to :)))))))))))
============================================================================
Lalapitan na sana ni Taemin si Suzy nang may nauna ng lumapit sa kanya. Ang kambal niyang si Kai
( Ok kambal po sina Taemin at Kai sa story na to ^_____^ )
" Humingi na siya ng sorry at sapat na yun. "
Tapos nitong sabihin hinila neto si Suzy papalayo sa lugar na yun.
===========================================================================
Dinala ni Kai si Suzy sa BOYS LOCKER ROOM.
Nang magtama ang mga mata nila.
" Ikaw! " sabay na naibulalas ng dalawa.
" Ang liit nga naman talaga ng mundo eh no " Kai
" So... " sabay tingin kay Suzy mula ulo hanggang paa. " Dito ka pala mag-aaral, newbie " Kai
" Halata naman siguro sa suot ko " Suzy
" Di ko alam masunurin ka pala " Kai
" Ayoko ng gulo. Di ako pumasok dito para maghanap ng kaaway o gulo. nandito ako para mag-aral " Suzy
Pumalakpak naman si Kai sa sinabi ni Suzy.
" So nagpapakahuwaran ka palang studyante "
Tumingin naman si Kai sa suot na uniform ni Suzy.
" Hubarin mo na yan " Kai
" Nang nakatingin ka??? " Suzy
Napatalikod naman si Kai at namula.
" Saan ang girls room?? Dun ako magbibihis"
" May dala ka bang extra shirt, masunurin na babae?? " Kai
Naalala naman ni Suzy na " Wala " siyang dala. Di naman kasi niya ini-expect na mangyayari to sa kanya sa unang araw niya.
Bigla naman siyang hinila ni Kai.
" Hoy teka......estrangherong mapanghusga......saan mo ako dadalhin??? "
" Estrangherong mapanghusga??? " Kai
" Yun ka naman talaga nung una tayong nagkita diba " Suzy
* FLASHYBACK *
Naglakad na siya papunta sa estasyon ng tren habang subo-subo ang paborito niyang lollipop.
Sa paglalakad niya may nakasalubong siyang Ale na natumba dahil na rin sa bigat na dinadala niya. Tutulungan na sana siya ni Suzy ng biglang sumigaw ito
" HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN! " galit ang tono ng Ale pero halatang natatakot ito.
Napayuko na lang si Suzy at humingi ng tawad sa Ale saka nilagpasan ito. Hindi pa man nakakalayo si Suzy, naramdaman niyang may tumulong sa Ale. Narinig niya pa ngang nagpasalamat yung Ale sa taong tumulong dito.
Binilisan na lang niya ang paglalakad nang may biglang humila sa braso niya at iniharap siya dito.
" Ganyan ka ba ka walang puso at walang malasakit sa kapwa mo na kahit yung Aleng hirap na hirap di mo magawang tulungan! " sabi nung estranghero sa kanya.
BINABASA MO ANG
WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOING
Manusia SerigalaWritten By: msdreamer02 Cover Photo : Bad_gangstergirl ANO KAYANG MANGYAYARI KUNG MAGTAGPO ANG LANDAS NG ISANG HALF-HUMAN HALF-WOLF NA GANGSTER AT NG ISANG ADDICT NA ADDICT SA LOLLIPOP NA BABAE SA IISANG LUGAR NA PAREHO NILANG GUSTO. MATAGPUAN KAYA...