WBAHLG Chappie 65
" Wala din siya dito " halos malibot na ni Suzy ang buong XU mahanap lang si Luhan pero hindi niya ito nakita pati sa huling lugar na pinuntahan niya, wala rin ito dito. Halos araw-araw ganito ang laging nangyayari. Todo iwas pa rin si Luhan sa kanya at kung magkasama naman sila todo snob here at snob there ito sa kanya na para bang hindi siya nag-eexist sa mundo nito.
" Luhan ito naman ang para sa'yo ^__^ " sabay abot nung pagkaing niluto niya para sa EXO. Siguro dahil nandyan sila Suho kaya tinanggap yun ni Luhan kaya lang
" Di masarap " komento nito sa niluto niya.
" Kaya huwag na huwag mo na ako ulit bibigyan ng ano mang niluto mo " at nagwalk out na ito.
" Masarap naman ah " Chanyeol
" Oo nga " pasang-ayon din nila Chen.
" Ayos lang yun, sira lang ang panlasa ng isang yun " Kai na kinuha yung pagkain na para kay Luhan.
" Luhan kelan natin sisimulan yung pair project natin? " inismidan lang siya ni Luhan.
" Gumawa kang mag-isa mo.tch " then walks out.
" Luhan ito oh niluto ko para——- " napatigil siya ng tinabig ito ni Luhan kaya nahulog sa sahig yung pagkain. Imbis na umiyak ngumite si Suzy kahit na nasasaktan siya sa ginawa ni Luhan.
" Di bale. Heto na lang. Mabuti na lang at dalawa ang ginawa ko kaya tanggapin mo na please " kinuha naman ni Luhan kaya natuwa si Suzy ngunit nawala rin ito dahil itinapon ito ni Luhan sa basurahan na nakita nito saka siya iniwanan.
" Hintaaaaay Luhaaaaan araaaaaay "nadapa siya sa kakahabol kay Luhan na hindi man lang lumingon sa kanya at sumakay sa bus.
" Bakit di mo ako hinintay Luhan T__T " yun lang ang nasabi niya ng makalayo na ang bus na sinasakyan nito.
" Tch di ka pa ba napapagod sa ginagawa mo? " paglingon niya, nakita niya si Kai.
" Hindi ^__^ "
" Tingnan mo nga yan oh, may galos ka "
" Wala lang to ^_^ Araaaay T^T "
" Ayan napala mo sa ginagawa mo, tara na gamutin natin yan " bigla na lang siyang binuhat ni Kai, princess style.
Kapag nasa Black Pearl Academy naman sila at dinalaw siya ng antok, namalayan na lang niyang iniwanan na pala siya ni Luhang mag-isa dun. At kapag magkasama naman ni Luhan si Eunji halos di niya ito malapitan dahil todo PDA ang dalawa.
" Sabi ko na nga ba nandito ka lang pero nilibot ko pa ang buong XU para makasiguradong nandito ka nga ^__^ " hindi naman nakikinig si Luhan sa kanya. Nakahiga lang ito at nakikinig ng music. Tinakpan rin nito ang mukha niya ng libro.
Hindi na rin naman umimik si Suzy at nilabas na lang yung drawing book niya at naupo katabi kung saan nakahiga si Luhan. Nagsimula naman niyang iguhit si Luhan.
6PM na nang mapagpasyahan umuwi ni Luhan ngunit biglang bumuhos ang napakalas na ulan. Hindi pa man din siya nagdala ng payong ngunit di rin naman niya alintana ang ulan, sanay naman siyang magpakabasa dito.
" Luhan sandali " ipinahawak ni Suzy ang payong nito sa kanya.
" Ikaw na ang gumamit. Bye! " at tumakbo na si Suzy kahit umuulan ng malakas. Nagulat siya dun sa ginawa nito. Kapakanan pa rin niya ang iniisip nito kahit na ilang beses na niya itong sinaktan ang damdamin.
" Alam kong pagod ka na pero bakit di ka pa rin sumusuko hanggang ngayon...."
KINABUKASAN
Parehong di pumasok ang Exo dahil may importante itong inaasikaso at si Suzy na nagkasakit dahil sa pagpapaulan kagabi. Sa sumunod na araw di pa rin ito pumasok sa XU kaya nag-aalala na ang Exo sa kanya.
" ANO MAY SAKIIIIT?!!! " tumango naman yung kaklase nilang pinagtanungan nila.
" Hindi pa rin kaya siya gumagaling?" Suho
" Ano ba kasing ginawa niya at nagkasakit siya? " Kai
Mukhang alam naman ni Luhan kung bakit ito nagkasakit. Nakita naman niyang nakatingin si Kai sa kanya. " Bakit?"
" Wala" at iniiwas naman ni Kai yung tingin niya kay Luhan pero malakas ang pakiramdam niya na ang pagkakasakit ni Suzy ay may kinalaman na naman si Luhan.
" Eunji! " tawag nila Naneun dito. " Sige aasahan ko kayo "
" Oo kami na ang bahala "
" Sige aalis na kami " umalis na yung tatlong babae na kausap ni Eunji. Hinarap naman nito ang dalawang kaibigan. " Sino sila? " tanong ni Bomi.
" At saka anong mayrun? " dagdag ni Naneun.
" Nuh mga fans ko lang yun. Nagtatanong kong handa na ba ako sa darating na PopChoice. " paliwanag niya sa dalawa. Napa-ahh na lang yung dalawa at napangite na lang si Eunji.
Pagdating ni Luhan satambayan niya sa Black Pearl Academy, nagulat siya ng may madtanang pagkain dun na may nakalagay pang note
' PARA SA'YO YAN, LUHAN SANA KAININ MO ^___^ '
" Nag-abala pa talaga siyang gawin ang bagay na to " bigla naman niyang naalala ang sinabi nito dati.
" Alam ko nakukulitan at naiinis ka na sa pinaggagawa ko kaya humihingi ako ng pasensya pero wala talaga akong balak na tumigil.
Ayos lang naman sa akin na sungitan mo ako hanggat gusto mo ang mahalaga naman makita at kasama kita. " kinuha naman ni Suzy ang kamay niya at tinapat sa dibdib nito.
" Nararamdaman mo baang tibok ng puso ko. Alam mo pangalan mo lang ang laging sinisigaw niya "
Napaismid na lang siya ng maalala ang pangyayaring yun.
' Sana sa nangyari sa kanya ngayon, maisipan na niyang sumuko na ' sabi ng utak niya
A/N: XENXIA NA NGAYON LANG AKO NAKAPAG-UD. COMMENTS KAYO ^_____^ I LOVE READING UR COMMENTS NAKAKAGANANG MAGSULAT NG STORYA HEHEHEHE.
BINABASA MO ANG
WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOING
WerewolfWritten By: msdreamer02 Cover Photo : Bad_gangstergirl ANO KAYANG MANGYAYARI KUNG MAGTAGPO ANG LANDAS NG ISANG HALF-HUMAN HALF-WOLF NA GANGSTER AT NG ISANG ADDICT NA ADDICT SA LOLLIPOP NA BABAE SA IISANG LUGAR NA PAREHO NILANG GUSTO. MATAGPUAN KAYA...