WBAHLG Chappie 40
Gabi na ng magising si Suzy mula sa pagkakaidlip niya. Sobrang dilim na ng paligid niya, mabuti na lang at sobrang liwanag ng buwan kung kaya nakikita niya pa rin ang kanyang dinaraanan.
Bigla na lang siyang nakadama ng kaba, pakiramdam niya may nagmamasid at nakasunod sa kanya kaya binilisan niya ang kanyang paglalakad.
Di inaasahan nahagip niya ang isang nakakatakot na nilalang mula sa dilim kaya napatakbo na siya. Sa pagmamadali niya di niya nakita yung malaking ugat kung kaya nadapa siya.
Pagtingin niya sa likuran niya, nakita niya ang isang puting lobong may asul na mata. Naalala niya bigla yung panagnip niya at nabalot siya ng takot.
Unti-unting lumalapit sa kanya yung puting lobo, siya naman umaatras.
" H-huwag k-kang lalapit " at napako yung likuran niya sa isang puno. " S-sabi k-ko huwag kang lumapit sa akin! " kumuha ng bato si Suzy at binato ito dito pero di man lang ito natinag at seryuso pa ring nakatingin kay Suzy.
Ilang metro na lang ang pagitan nila sa isa't-isa " H-halimaw...mamatay t-tao...LAYUAN MO AKO!!! " napatakip ng mukha si Suzy dahil aatakihin na siya ng lobo at lalapain gaya ng ginawa neto sa magulang nung bata sa panaginip niya pero
nagkamali siya siya dahil sa pagtanggal niya sa mga kamay niya. Iba ang inatake nito, isang itim na lobo na may balak na patayin si Suzy. Naglaban ang dalawa. Sadyang malakas ang puting lobo pero may tatlo pang kasamahan yung itim at pinagtulungan nila yung puting lobo.
Nakagat nung isa yung puting lobo at kitang-kita ni Suzy yung dugo sa sugat nung puting lobo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at kung ano ang nangyayari.
Nakatingin lang siya sa limang lobong naglalaban. Nakadama siya ng awa sa puting lobo.
' Kelangan ko siyang tulungan ' kahit na nangangatog sa takot, tumayo siya para maghanap ng bagay na makakatulong sa kanya para matulungan yung puting lobo.
Kahit na sugatan, lumaban at di pa rin siya nagpatalo sa apat na kaaway. Balewala lang yun sa kanya. Kahit na pagtulungan siay nung apat. Di hamak na mas malakas pa rin siya kung ikukumpara sa mga ito.
Kaya gamit ang matutulis na kuko at pangil neto natalo siya at napatay yung apat na itim na lobo na nagtangkang patayin si Suzy.
Pagbalik naman ni Suzy sa pinangyarihan wala na yung puting lobo pati na rin yung apat na itim na lobo.
" Lu- " nagkasalubong sila ni Luhan pero hindi siya neto pinansin sa halip dere-deretso lang itong naglakad at tila bang hindi siya nito nakita at nakasalubong.
Nasaktan dun si Suzy, dalawang-araw na kasing ganun ang nangyayari na parang hindi siya nag-eexist sa buhay ni Luhan.
Ang akala niya pa naman magiging close na sila matapos nung araw na sinamahan siya ni Luhan para pagaanin ang nararamdamang lungkot sa pag-alis ng kuya niya pero HINDI pala.
[ Suzy's POV ]
Di ko namalayan tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko alam kung bat sobra akong nasasaktan sa pakikitungo niya sa akin. Crush ko lang naman siya. Dapat hindi ganito. Ang bigat sa pakiramdam. H-hindi naman k-kaya mahal ko na siya??
Ang dali ko naman yatang nahulog sa kanya. Maaga pa para magmahal ako at tiyak namang masasaktan ko lang ang sarili ko dahil hindi niya naman ako gusto, mahal pa kaya?
Napaupo ako at inub-ub ang mukha ko sa binti ko. Umiyak ako at pinilit na huwag humagulgol. nong gagawin ko?? Ngayon ko lang to naramdaman.
" Suzy?? " napatigil ako. Naramdaman kong naupo siya sa harap ko at hinihintay na tingnan siya. Pero ayoko...ayokong...makita niya akong ganito.
" Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo pero sana makatulong to para gumaan ang pakiramdam mo " niyakap niya ako at hinaplos-haplos ang buhok ko.
Pakiramdam ko malaya ako sa anumang sakit na maaari kong maramdaman sa yakap niya.
" Salamat sa'yo
Baekhyun "
BINABASA MO ANG
WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOING
WerewolfWritten By: msdreamer02 Cover Photo : Bad_gangstergirl ANO KAYANG MANGYAYARI KUNG MAGTAGPO ANG LANDAS NG ISANG HALF-HUMAN HALF-WOLF NA GANGSTER AT NG ISANG ADDICT NA ADDICT SA LOLLIPOP NA BABAE SA IISANG LUGAR NA PAREHO NILANG GUSTO. MATAGPUAN KAYA...