WBAHLG Chappie 70

663 39 15
                                    


WBAHLG Chappie 70


Nagising si Suzy na nakatali ang mga paa at kamay kasama si Eunji. " Wag mo akong sisisihin kung bat ka nandidito. Hindi ko sinabing tulungan mo ako " mataray na sabi ni Eunji sa kanya. " Hindi naman kita sinisisi " sagot niya dito.


[ Eunji ]


"At pasensya na rin kasi wala man lang din akong naitulong " Psh! Bat humihingi siya ng pasensya. Hindi naman niya ako kargo ah! At bakit nagpapanggap siyang mabait....alam ko galit siya sa akin, sa lahat ba naman ng ginawa kong masama sa kanya. " bakit mo ako tinutulungan? Magkaaway tayo at ayoko sa'yo " nararamdaman ko naman na kahit na nakatali rin ang kamay niyang tulad lang sa akin ay pinipilit niyang kalagan ang pagkakatali ng kamay ko. Ngiti lang naman ang sinagot niya sa tanong ko. " Sagutin mo ko! " sigaw ko sa kanya. " Sssh tumahimik nga kayo dyan. Natutulog kami! " saway nung isang lalaking kumidnap sa amin. Bwiset talaga. Kapag natawagan ko talaga si kuya, malalagot sila sa ginawa nila sa akin pero peste lang kinuha nila ang cellphone ko.


" Dahil gusto ko" napatingin ako sa kanya. " Alam ko namang ayaw mo sa akin nghnit di naman yun ang rason para hindi kita tulungan. Nasa panganib ka kanina.." kainis! Naasar ako sa kanya! Bakit kelangan niyang maging mabait sa tulad ko. Nagulat ako nang matanggal niya yung tali sa kamay ko. " Sssh...wag kang maingay baka magising sila. " napatingin naman ako sa mga lalaking dumukot sa amin. Lahat sila natutulog. Psh! Mga walang utak! Dahan-dahan inalis yung tali sa paa ko at tumayo. Kinalagan ko siya. Dahan-dahan kaming naglakad para di magising ang mga ugok kaso ang malas lang at may natapakan akong sanga kaya nagkaroon ng inagay para magisng yung isa. " TUMATAKAS SILA!! " sigaw ng isa kaya nagising din ang iba. Agad kaming tumakbong dalawa. Peste bat dito pa kami sa gubat dinala ng mga yun, hindi tuloy namin alam kung saan papunta. Takbo lang kami ng takbo nang madapa siya. Tutulungan ko na sana siya nang..." Umalis ka na! Wag kang magpapahuli at humingi ka ng tulong kina Luhan! " nakakaasar. Wala akong magawa kundi ang sundin ang sinabi niya dahil papalapit na yung mga lalaki.



Malayo-layo na rin ang natatakbo ko. Saan ba dito ang daan palabas! Kanina pa ako nagtatakbo pero wala pa rin akong nakikitang labasan. Nagulo ko ang buhok ko sadil hindi ko na alam kung anong gagawin. Napatago ako nang may maramdamang papalapit sa direksyon ko. Shit nasundan pa rin nila ako!


O___O " Sssh..." may biglang nagtakip ng bibig ko. Kakagatin ko na sana ng mabosesan ko siya. " Wag kang maingay " akala ko, nahuli na naman nila ako pero nagkamali ako. Napaiyak ako dahil nandito siya. " Kikwang T__T " nasabi ko ng inalis niya yung kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko. " Ayos ka lang ba? " tumango ako sa kanya. Niyakap niya ako, nawala tuloy yung takot ko sa mga nangyayari ngayon. Nakita ko namang napabagsak nila Sehun yung dalawang lalaking nakasunod sa akin. " Si Suzy nasaan siya? " tanong ni Luhan. bakas sa mukha niya ang pag-aalala kay Suzy. Napakagat ako ng labi. Gustong-gusto niya talaga ang babaeng yun. Ang sakit lang. " Eunji magsalita ka! "

" Wag mo siyang sigawan " pagtatanggol sa akin ni Kikwang. " Sorry..pero sabihin mo nasaan siya? " huminga ako ng malalim. " Sumunod kayo sa akin..."



Pagdating namin sa lugar kung saan kami dinala ni Suzy. Nakita namin syang tulala at umiiyak. Agad siyang siyang nilapitan ni Luhan at niyakap. Pilit niya itong pinapatahan. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kikwang sa kamay ko, parang binibigyan ako nito ng lakas para hindi mag-break down dahil sa lantarang ginagawa ni Luhan sa harapan ko. " Sinongmay gawa nito? " rinig kong tanong ni Lay. lahat ng lalaking dumukot sa amin ay nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. " A-a-ang I-In-fi-nity...." nakadama ako ng takot sa sinabi niya. Kung ganun, talaga palang pumapatay ang ang grupong yun. No wonder sila ang nangungunang kinatatakutang grupo sa gangster world. Napatingin ako kay Suzy...alam kaya niya. Kayang pumatay ng grupong yun para sa kanya, sa kaligtasan niya.

WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon