WBAHLG Chappie 1
Sinuot na niya ang kanyang backpack na keropi at lumabas na ng kwarto niya. Tiningnan niya ang kabuuan ng bahay.
Sobrang mamimiss niya ang pagtira dito kahit na napakaluma na talaga ng bahay pati ang mga kagamitan na naroon at kahit na tingin ng mga tao na nakatira sa lugar nila sa bahay ay isang HUNTED HOUSE na pinamumugaran ng masasamang elemento.
Pero para sa kanya napakahalaga ng bahay na yun at mahal na mahal niya ang tumira dito. Tanging sa bahay lang naman kasing yun siya naging masaya, nailabas yung mga hinanakit at lungkot niya at naipapakita ang tunay na siya.
Ang taong nakatira sa bahay na yun lang ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal, pagkalinga at nagpadama na mahalaga siya at may silbi siya ngunit ang kaisa-isang taong yun ay iniwan na siya. Tulad ng magulang niya, iniwan na rin siya ng pinakamamahal niyang lola dahil na rin sa katandaan nito.
Pinahid niya yung mga luhang nagbabagsakan sa mga mata niya. Napapaluha siya kapag naalalang wala na ang kanyang lola.
Nagring naman ang cellphone niya. Tumatawag ang kanyang kuya. Sinagot niya ito.
( Umiiyak ka ba Suzy? ) nag-aalalang tanong neto sa kanya.
" H-hindi k-kuya, may sipon k-kasi ako."
( Ganun ba, akala ko may nagpaiyak sa'yo. Sabihin mo lang at ako na bahala sa taong yun ) sabi ng kuya niya.
" Hindi.Wala kuya. Malapit na ba kayo? "
Nangako kasi ang kuya niya na susunduin siya neto dahil dun na siya titira kasama ng kuya niya sa Wolf City.
( Tungkol dyan hindi ka namin masusundo. May kelangan kaming gawin na napakaimportanteng bagay ngayon. Okay lang ba kung ikaw na lang pumunta dito, alam mo naman kung saan ang bahay diba )
Tumango na lang siya sa kanyang kuya. Pagkatapos nilang mag-usap lumabas na ng bahay si Suzy.
" Paalam aalis na ako :( " sabi niya dun sa bahay.
Naglakad na siya papunta sa estasyon ng tren habang subo-subo ang paborito niyang lollipop.
Sa paglalakad niya may nakasalubong siyang Ale na natumba dahil na rin sa bigat na dinadala niya. Tutulungan na sana siya ni Suzy ng biglang sumigaw ito
" HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN! " galit ang tono ng Ale pero halatang natatakot ito.
Napayuko na lang si Suzy at humingi ng tawad sa Ale saka nilagpasan ito. Hindi pa man nakakalayo si Suzy, naramdaman niyang may tumulong sa Ale. Narinig niya pa ngang nagpasalamat yung Ale sa taong tumulong dito.
Binilisan na lang niya ang paglalakad nang may biglang humila sa braso niya at iniharap siya dito.
" Ganyan ka ba ka walang puso at walang malasakit sa kapwa mo na kahit yung Aleng hirap na hirap di mo magawang tulungan! " sabi nung estranghero sa kanya.
(_ _) Suzy
" Nakikinig ka ba sa akin! "
" (_ _) Hindi ka naman taga-dito kaya huwag mo akong husgahan "
Hinila ni Suzy ang braso niya at saka lumakad papalayo dito.
============================================================================
Feeling niya may sumusunod talaga sa kanya kaya nilingon nya kung sino man to at nakita niya yung estrangherong mapanghusga.
" Sinusundan mo ba ako?" tanong niya dito.
Napatawa ito kunti " Hoy miss, alam kung gwapo, sexy, hot at cool ako pero ikaw sinusundan ko tsk. Hindi kita type kaya huwag kang assuming "
" Psh. OO at HINDI lang naman ang sagot dun. Dami mo pang sinabi "
BINABASA MO ANG
WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOING
WerewolfWritten By: msdreamer02 Cover Photo : Bad_gangstergirl ANO KAYANG MANGYAYARI KUNG MAGTAGPO ANG LANDAS NG ISANG HALF-HUMAN HALF-WOLF NA GANGSTER AT NG ISANG ADDICT NA ADDICT SA LOLLIPOP NA BABAE SA IISANG LUGAR NA PAREHO NILANG GUSTO. MATAGPUAN KAYA...