Gretchen’s POV
Kahit paulit-ulit pa yung scene na nakita ko siya sa waiting area dito sa utak ko, ay hindi ako nagsasawa. Pero paulit-ulit din yung eksena na nasaktan ko siya ng sobra-sobra.
Ang tanga-tanga ko kasi eh, nandyan na pero pinakawalan ko pa ang pagkakataon.
Hay, hanggang kailan ba ako kakainin nitong takot ko?
*Flashback*
First day ngayon sa college at nandito kami nakatambay sa hallway, wala pa naman kaming klase. Yung mga taong dumadaan ay napapatingin sa amin.
Hindi sa pagmamayabang pero medyo sikat kasi talaga ang grupo namin, mukha ngang inaabangan talaga kami dito.
Nandito kami nila Alyssa at A. Si A nagi-gitara lang, si Alyssa naman may hawak na bola.
“Dude, sabihin mo nga. Ano ba talaga ang rason kung bakit naisipan mong dito na tumuloy sa ADMU?” Tanong ni A sa akin, sasagot na sana ako ng sumingit si Alyssa.
“Ah alam ko na, ayun oh.” Sabi nito at ngumuso don sa kabilang side ng hallway.
“Ahuh! Ikaw ha, galawang Gretchen. Hindi mo pa talaga sinabi, iba na talaga yan Gretch.” Asar ni A sa akin.
“Lapitan mo kaya ate Gretch?” Sabi naman ni Alyssa habang nakatingin kaming tatlo sa direksyon ni Fille.
“Tumahimik nga kayong dalawa. And besides, ano namang sasabihin ko if ever nga lapitan ko siya? Aber?” Sabi ko sakanilang dalawa, wala namang naisagot yung dalawa. “O kita niyo na, di niyo nga alam eh.”
Kinuha ko yung hawak na volleyball ni Alyssa at nilaro ko muna.
“Bakit kasi hindi mo muna lapitan and then let it all fall into places.” Sabi naman ni Alyssa sa akin.
“Eh kasi nga-”
“Eh kasi nga, takot pa yan. Hay nako, Gretch alam na namin yan. Eh hanggan kailan ba yang takot mo, hanggang sa may kasama na siyang iba?” Sabi ni A sa akin, napakunot naman ang nook o sa ideya na may kasama siyang iba.
Ewan ko, basta bigla na lang ako nainis.
“Oy mga ate, palapit siya dito oh.” Sabi ni Ly at ako namang si eng-eng ay biglang na-tense.
Bigla akong nag-panik at dahil sa katangahan at pagiging engot binato ko sa direksyon ni Alyssa ang bola, kaso hindi niya ito inabot at tumama ito sa mukha niya. Sapol, nako lagot.
“Hoy, dali yan na ang chance mo. Lapitan mo na.” Sabi ni A sa akin pero bigla na naman akong pinangunahan ng takot.
Lumapit si Alyssa dito at nagpakilala, napagawi naman ang tingin nito sa direksyon ko pero poker face lang ako para akong napako sa kinatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)
FanfictionWhen it hits you, it will hit you hard. So keep calm and don't be afraid to show your love to that person.